CHAPTER #27:NAPKIN ISSUE - Part #4

14 0 0
                                    

Third Person's P.O.V

SAMANTALA...

"Dean, pwede bang mautusan kang muli"

Iyan ang sabi ni Melanie kay Dean nang mapagtanto ng babae na nakalimutan nitong mamalengke kaninang umaga.

"Ano po yun?" Tanong naman ni Dean.

"Pwede bang manalengke ka ng uulamin natin. Nakalimutan ko kasing mamalengke kaninang umaga. Pasensiya na" sabi naman nito.

"Walang pong problema, Ate" sabi niya naman. Ibinigay naman ng babae ang listahan ng kaniyang mga bibilhin.

"Ate, malapit nang mag-alasais. Baka naman abutan 'yan sa daan" sabi naman ni Charmie.

"Diii... Okay lang, Mahal. Bibilisan ko na lang" sabi naman ni Dean.

"Sige" sabi naman ni Charmie dahul may tiwala naman ito na hindi siya gagawa ng malagim na hakbang.

Mayanaya rin ay lumabas na siya ng bahay.

Samantala...

"Ayan na ang baklang tagabili ng napkin" sabi ni Flor nang matanaw si Dean na lumabas ng bahay.

"Kapag dumaan, alam na ang gagawin" sabi naman ni Luna.

At hinintay nga nilamg mapadaan si Dean malapit sa kanilang pinagkukublihan. At mayamaya nga ay napadaan na ito. Kaya lumabas sila sa kanilang pinagkukublihan at humarang sa daraanan ni Dean na ikinagulat pa niya. Pero nang makabawi ay lalagpasan na sana niya ang mga ito pero isang sampal ang ipinamalas ni Flor na nagpatigil sa kaniya.

"Aaaah! Inaano ko ba kayo?" Tanong niya.

"Guys, pagtulungan na 'yan" sabi ni Flor at sa pagkasabi nyon ng dalagita ay inabot ni Abby ang buhok ni Dean at sa isang kisapmata ay pinagtulumgan siya nitong sabunutan.

"Aaah! Bitawan niyo ako" sabi niya.

"Hahaha! Bakla ka di ba? Lumaban ka" sabi naman ni Luna na natatawa pa sa kanilang ginagawa.

"Aray!" Sigaw ulit ni Dean na nakaagaw na ng pansin sa mga kapitbahay kaya naglabasan ang mga ito.

Samantala....

Kasalukuyang naglalakbay muli ang magkakaibigang Amaya, Edward, Buchoy at Archie. Kakatapos lamang kasi nila sa isang matinding labanan at ngayon ay nagpaoatuloy sila sa paglalakbay.

"Saan na naman kaya tayo mapapadpad?" Tanong ni Archie

"Diyan sa puso mo" sabi naman ni Buchoy na tila nagpaoarinig.

"Hay naku! Panay ka talaga kalokohan" sabi naman ni Edward

Magsasalita sana sila nang biglang makarinig sila ng isang sigaw.

"Saan yun?" Sabay pang tanong nina Buchoy at Archie.

"Doon!" Sabi naman ni Amaya.

At tinungo nga nila ang direksiyon kung saan nagmumula ang sigaw at isa ngang eksena ang dinatnan nila. Eksena kumg saan pinagtutulungan si Dean ng tatlong dalagita.

"Bitawan niyo ako!" Sabi nito.

"Wala! Lumaban kq" sabi naman ni  Dean.

"Flor! Hoy! Tama na yan!" Sabi naman ng isang kapitbahay na umawat pero maging ito, sampal lang ang inabot.

"Walang mangingialam!" Mariin na sabi ni Flor.

"Ano ito? Bardagulan?" Sabi ni Buchoy "Umawat tayo" dugtong pa nito.

"Huwag!" Sabi naman ni Amaya na nakamata lang sa nangyayari.

"Dean! Hoy! Bitawan niyo siya! Ang sasama niyo talaga!" Sabi naman ni Melanie na nakita din ang eksena pero tuloy pa rin sila sa pananabunot kay Dean.

"Aaaah! Ano ba?!" Sabi niya at dahil sa sobrang sakit ay nagawa na niyang suntukin ang isa sa kanila.

"Aaah!" Sigaw nito.

"Ah! Magapang!" Sabi naman ni Flor.

At halos mapatili ang lahat nang isubsob nilang dalawa ni Abby si Dean sa plangganang puno ng tubig. Halos ikaubo niya iyon nang iahon ang kaniyang ulo.

"SOBRA NA KAYO!" Sabi namab ni Charmie na napaiyak na lang dahil da pag-iyak.

"Hindi na maganda ito" sabi naman ni Buchoy. Tatakbo na sana ito nang bigla namang sumigaw si Dean at sa isang iglap, sa unti-unting paglatag ng dilim ay nag-iba ang kaniyang anyo na ikinaatras ng lahat, higut lalo ng tatlong dalagita.

* END OF CHAPTER #27 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now