CHAPTER #12:DIANE

17 1 0
                                    

NANG kalmado na talaga si Dean ay nakaramdam nanan ito ng pagkaantok kaya naman nakatulog ito samay sala. Sila Melanie naman ay bumili na lang ng aalmusalin sa katapat nilang karinderya. Sa kasalukuyan, lahat sila ay nasa tindahan at doon na nag-almusal.

"Ate, matagal ka dito di ba?" Panimulang tanong ni Laurell.

"Oo" sagot naman ni Melanie.

"So, may alam ka ba sa nangyayari? Kasi base sa kilos ng mga tagarito, tila kilalang-kilala ang batang iyon na nanampal kay Dean" sabi naman ni Charmie "Naku! Humanda siya pag 'yan ang pumatol. Walang hiya pa naman yun" dugtong pa nito.

Napahinga naman ng malalim si Melanie...

"Gusto niyo bang ikwento ko sa inyo?" Tanong niya.

"So, may alam ka nga? Ikwento mo naman" sabi naman ni Laurell.

Muling huninga ng malalim si Melanie at nagseryoso...

"Matagal nang issue ang batang iyan sa lugar na ito" pagsisimula ni Melanie "Her name is Flor at 17 years old na siya ngayon" dugtong pa niya.

"What? 17 years old?! Imagine that!" Bulalas naman ni Charmie.

"Hindi naman talaga pokpok si Aling Tessy. Sinisiraan niya lang ang Nanay niya dahil hindi niya matanggap na sa mahirap na pamilya lamang siya lumaki. Pati nga sarili niyang ama na konstrakdoyon lang ang trabaho, sinisiraan niya" sabi niya.

"What?!" Bulalas nila.

"Oo. Simpleng katulong lang si Aling Tessy at uwian ito kasi wala namang ibang kikilos kundi siya. Ang asawa niya, pag-uwi, pagod na pagod naman. At ito ang wprst, nag-iisang anak lamg nila si Flor" sabi niya.

"Talaga? Kailan pa ba nagsimula 'yan?" Tanong naman ni Charmie.

"Since noong magdalaga siya. Ewan ba! Noong bata 'yan e napakabait. Ngayon na lang nagkaganyan" sabi niya.

"Grabe naman. Napaka-showy" sabi naman ni Irina.

"Kaya nga kilalang-kilala siya dito kasi kung anu-anong issue ang inilalabas niya laban sa sarili niyang ina. Na kesho pokpok daw, nakikipagtalik muna kapalit ng pera. E kami naman na kilalang-kilala si Aling Ressy, bindi naniniwala lalo na at yung ibang mga matatanda dito ay nakasama siya mula pagkabata kaya wala. Wala talagang naniniwala" sabi niya.

"Grabe! Kaya pala sinasabi mong matagal na siyang issue dito sa lugar na ito, eh" sabi niya "At ang issue din na ito ang naging dahilan kung bakit ipinasama ko sa asawa ang panganay naming lalaki na si Xander. Kasi kamuntik na! Kamuntik na niyang mapatay si Flor. As in, kada matirinig niyang umiiyak si Aling Tessy noon, lalabas yun na may dalang patalim at hahabulin niya ng taga si Flor" dugtong pa niya nang sumagi sa kaniyang isipan ang kaniyang anak na lalaki na pamangkin din nina Charmie at Laurell.

"Hala! Grabe naman 'yan" sabi ni Laurell.

"Masiyado na kasi 'yong malapit kay Aling Tessy kaya ganoon ang epekto sa kaniya" sabi niya "Kaya nga ayoko muna siyang pauwiin dito kasi alam kong mainit pa rim ang issue at hindi pa rin nareresolba" sabi pa niya.

"Naloko na. Kaya pala ganu'n dahil lang hindi niya tanggap ang estado nila sa buhay. Bakit? Mahirap lang din naman tayo, ah!" Sabi naman ni Charmie.

"Pero iba siya" sabi naman ni Melanie.

Lingid sa kanilang kaalaman, nagising si Dean mula sa pagkakatulog. Bahagya lang itong nakasilip kaya narinig nito ang buong issue.

'Sinampal mo ako, huh? Bastos kang bata ka? Pwes, buling araw mo na sa araw na ito'

Iyan na lang ang naisaad nito sa isipan nito.

*.*

GABI...

Tulog na ang lahat pero si Flor ay nasa galaan pa kasama ang kaniyang mga barkada. Hindi alam ng mga ito ang issue sa dalagita at higit sa lahat, hindi rin alam ng mga ito na siya ay isang mahirap lang. Nasa pampublikong paaralan man siya pero umaarte siya na mayanan. May mga kinaibugan siya pero ang karamihan ay binu-bully niya.

Samantala...

Isa ding dalagita ang noon ay nag-aabang ng masasakyan. Kakababa lang nito ng cellphone dahil kakatawag lamang sa mga kinikilala nitong mga magulang.

"Oh! Look at that girl!" Sabi ng isang barkada ni Flor.

"Sino 'yan? Mukhang mahirap lang" sabi naman ni Flor.

Lumapit sila sa dalagita na iyon at pormal na tumayo.

"Hi! Anong pangalan mo?" Tila nang-sosyal na tanong ni Flor dooj sa dalagita. Tumingin naman ito.

"Diane" tipid na sagot ng dalagita na nagngangalan ngang Diane.

* END OF CHAPTER #12 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now