CHAPTER #25:NAPKIN ISSUE - Part #2

12 0 0
                                    

Dean's P.O.V

ILANG sandali lang ang nagdaan ay iniabot na din ng matandang tindera ang binili kong napkin na ipinabili sa akin ni Laurell kanina.

"Salamat po" pasasalamat na sabi ko kay Ateng Tindera.

Maglalakad na sana ako nang may makita akong paa na nakaharang sa aking daraanan. Paa iyon ng isa sa mga barkada ni Flor, yung nanampal sa akin noong nakaraan.

"Paa! Dadaan ako" seryosong sabi ko pero tila hindi ito nagpatinag. Nakadinig pa ako ng mga tawanan nila.

Nilakasan ko ang pakiramdam ko at naramdaman ko na tila nais nila akong pagtripan.

"Paa sabi, eh" inis na sabi ko. Nakita ko namang sumenyas si Flor. Lumapit ito sa tainga ng may-ari ng paa at binulungan...

((( "Pag dumaan, tsaka mo patirin" )))

Hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko.

Itinabi nito ang paa nito. Ako namab ay naglakad na havang malakas pa rin ang pakiramdam lalo at narinig ko ang bulong kanina. Nang maramdaman ko na may papatid sa akin ay agad na sinalo ng isa kong kamay ang paa nito at sa inis ko, halos mapilipit ko iyon.

"Aaaah!" Sigaw nito.

"Akala niyo ba hindi ko kayo nararamdaman" inis na sambit ko.

"Hoy! Lalaking tagabili ng Modess, bitawan mo nga yung paa ng kaibigan ko!" Sabi ni Flor. Isang masamang tingin naman ang itinapon ko dito.

"Ikaw! Akala mo ba hindi ko narinig 'yang bulong mo" seryosong sabi ko. Pero sa halip na matakot ay tumawa pa ito sabay tiningnan ang hawak ko.

"HAHAHA! Kalalaki mong tao tapos bibili ka ng napkin" sabi nito.

Ah! So, kaya nila ako pinagtitripan kasi iyon ang jssue nila?

"So, issue na yun sa inyo? Ano bamang masana kung lalaki ang bibili ng napkin ng kasama niyang babae. Patunay lang yun ng pagmamahal, Flor" sabi ko.

"Kamo! Kabaklaan yun! Dapat babae ang bibili ng sarili niyang napkin, ugok!" Sabi naman nito. Tinaliman ko naman ito ng tingin. Tingin na may halong pagbabanta.

"Huwag mong hintaying dumating ako sa puntong mapatulan kita" sabi ko.

"E di gawin mo! Patunayan mong hindi ka bakla. Patulan mo ako" sabi nito at nagtawanan naman ang dalawa nitong kasama.

"Seryoso ako dito!" Sabi ko.

"Kuyang tagabili ng Modess, patulan mo daw kasi" sabi naman ng isa na ang lakas pa ng pagtawa.

Ako naman ay hindi na lamang sila pinansin. Sa halip ay marahas na bonitawam ko ang paa ng isa sa mga kaibigan nito at naglakad na papalayl.

"Kuya! Patulan mo kami! Suntukan tayo!" Dinig kong hiyaw ni Flor tapos narinig ko pa ang pagtawa nila.

'Mga pasaway na nilalang!'

Iyan na lang ang nasabi ko sa isip ko habang naglalakad ako pauwi.

* END OF CHAPTER #25 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant