CHAPTER #13:AMG MULING PAGTATAGPO

19 1 0
                                    

SANANTALA...

"Hello Melanie" bungad ng Tita Maria ni Melanie nang tumawag ito sa kaniya nang gabing iyon.

"Hi po Tita" bati niya mula sa kabilang linya.

"Naalala mo ba yung batang inampon ko? Yung ipinakita ko sa 'yo noon?" Tanong nito.

"Ah! Si Diane? Oo, naalala ko. Kinaega ko pa nga yun, eh" sagot naman ni Melanie "Bakit?" Tanong pa niya.

"Papunta siya diyan ngayon. Diyan kasi siya sa Cavite mag-aaral ng college. E ikaw lang naman ang kamag-anak ko diyan kaya diyan ko na pinapunta" sabi naman ng kaniyang tiyahin.

"Ganu'n po ba?" Tanong niya.

"Oo" sagot niya.

"Sige at ipapasundo ko na lamang siya sa asawa ni Charmie" sabi niya.

"Hoy! Baka mamaya kainin nyan ang Baby Diane ko, huh?" Sabi naman nito sa magbibirong tinig. Aware din kasi ito kay Dean at sa paggiging aswang nito.

"Naku Tita, e di sana inuna na kami" sabi niya na natawa pa.

"O siya, ibababa ko na ito at ako'y may gagawin pa" sabi nito.

Matapos ang tawag ay ibinaba niya na din ang kaniyang cellphone. Tumayo siya at pupuntahan sana si Dean pero napuna niyang wala ang aswang sa paligid.

"Dean?" Patanong na tawag niya na narinig naman ni Charmie.

"Ate, lumabas po. Magpapahangin lang daw" sabi naman nito.

"Ganu'n ba? Uutusan ko sana na sunduin yung pamangkin ko na papunta na dito" sabi niya.

"Ganu'n po ba? Hay naku! Hindi la niya dala ang cellphone niya" sabi naman ni Charmie nang mahagip ang cellphone ni Dean na naiwan pa sa sofa. Napailing na lamang siya.

Samantala...

Galit ang namamayani kay Dean na noon ay nasa anyong aswang na habang hinahagilap ng kaniyang mga mata ang dalaga. Ramdam niya ang presensiya nito. Ramdam niyang nasa paligid lamang ito.

Samantala...

"Wow! Diane! Ang ganda sana ng name"

Iyan ang reaksiyon ni Flor nang mailahad nga ng dalagitang si Diame ang kaniyang ngalan.

"May kaso ba?" Tanong niya.

"Oo,  kasi pang mayaman lamg amg pangalan na 'yan. Like me! Flor! Pero sa mukha mong 'yan? Tsk, hindu bagay" sabi nito. Natawa naman si Diane.

"Ibinabase na pala sa status mg buhay ang pangalan? Bakit ngayon lang ako na-inform" sabi ni Diane.

"Aba! Sumasagot na! Payag ka du'n?" Sabi naman ng isang barkada ni Flor.

"How dare you to answer me on that way!" Sabi nito.

"Wala akong panahon na makipagralo" sabi niya. Iiwas na sana siya nang bigla na lang siyang hilahib ng tatlo sa bubok.

"Aaaah!"

"Una sa lahat, wala kang karapatang sagut-sagutin kami lalo na at nasa baba ka lang" gigil na sabi ni Flor at halos iwagwag na siya nito.

"Ahhh! Bitawan niyo ako!" Sifaw ng dalaga pero mas pinagbutihan pa nila ang pananabunot nila para pahirapan siya "Aaaah!" Sigaw pa nita.

Dahil abala ang apat, kabilang na si Flor, hibdi nila alam na may isang nilalang na pala ang aatake mula sa kanilang likuran.

Mayamaya...

Nakarinig na lang sila ng isang sigaw. Kasabay nyon ang pagbulagra ng isa sa mga barkada ni Flor.

"Aaah!"

Paglingon nila, kabilang na si Diane na nabitawan nila ay kitang-kita nila kung paanong kainin ni Dean ng buhay ang isa sa kanila habang nakabulagta pa.

"Aswang! Aswang!!"

Dahil sa takot ng tatlo sa nasaksihan nila ay nagtatakbo sila kaya si Diane ang naiwang nakastatwa habang nakatingin sa ginagawa ni Dean. Kitang-kita niya kung paano nito unti-untiin ang buhay ng isa sa mga namabunot sa kaniya.

"Aaaah!" Huling palahaw nito nang kunin ni Dean ang ikahuling laman na nasa dibdib nito at kinain iyon na tila sarap na sarap.

Samantalang si Diane ay napatayo sa takot at napaatras nang siya naman ang tingnan ni Dean.

"K-Kuya, h-huwag po! Maawa ka! Wag mo akong kakainin" sabi niya habang umaatras para iligtas ang sarili sa posibleng panganib na pwrdeng mangyari sa kaniya anumang oras.

* END OF CHAPTER #13 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now