CHAPTER #70

7 0 0
                                    

Third Person's P.O.V

"HIBANG na sila. HAHAHA! Ano daw? Espesiyal ang aswang sa lugar na ito? Naaaks"

Iyan ang natatawang sanbit ni Kenjie aa kaniyang mga kasama.

"Kaya nga at sa sobrang paggiging espesiyal, patj simpleng pagsusunog ng goma ay isinabatas. E kung tanungin ko kaya sa Presidente kung bawal yun" natatawa namang sabi ni Salome.

"Hayst! Ang wi-weird talaga ng mga tao dito" sabi naman ni Damian.

"Hon, w-what if mga aswang din sila?" Sabi naman ni Anya.

"Gagi, e di napaligiran na tayo ng mga aswang" sabi naman ni Kenjie

"Eh ano lang? Kahit ilang libo pa sila diyan, bindj siala uubra" sabi naman ni Lina.

"Naku! Tayo na nga't maghapunan" pagyayaya naman ni Damian dahil kanina pa luto ang kanilang hapunan.

Samantala...

Nakagisingan na lang ni Dean na nakaunan na siya sa lap ni Zein. Nakatulugan na niya ang pag-inom ng dugo nito. Nagmulat siya at ang nakangiting mukha nito ang kaniyang nakita.

"Hmmm... Anak, sorry. Dito pa nakatulog si Papa" sabi niya sabay umayos ng upo.

"Sus! Ayos lang po 'yon, Pa" nakangiti namang sabi ng dalagita "Nga po pala. Next week pasukan na" sabi pa nito.

"Oo nga, eh. Mukhang hindi ko na gaanong makakasama si Edmun sa pamamasada. Alam mo, naoakabait ng batang 'yon. Kahit napagsusungitan at naaangilan ko na siya, ngingiti lang 'yan" sabi niya dahil iyon ang totoo. Kahit napagsusungitan na niya ang binatilyo na iyon dahil sa kakulitan nito ay ngingiti lamang ito at pagpapasensiyahan siya.

"Halata naman po sa kaniya, Pa" sabi naman ni Zein.

"Ganoong lalaki ang gusto kong mapangasawa mo --- siyempre, sa hinaharap" sabi niya at bahagya pang pinisil ang pisngi nigo.

"Hay naku! Si Papa talaga. Di ba ang sabi mo e pag-aaral muna" nakangiti namang sambit ni Zein.

"Oo... Pag-aaral nga muna at pag tama na ang panahon, siguraduhin mong mabuting asawa ang pipiliin mo. Kasi uunahan na kita, pag sinaktan ka, may madugong parusa 'yan" sabi niya kaya natawa naman ang dalagita.

"Hay naku, ang Papa ko talaga" sabi nito at inakap siya sabay hinalikan sa kaniyang pisngi.

"Hmmm... Ang lambing naman ng anak ko" sabi niyq "Nakakawala ng pagod" sabi pa niya. Huninga naman ng malalim ang dalagita sabay ngumiti.

"Pa, kung may unang lalaki man na nagmahal sa akin, ikaw 'yon. At yung lalaking posibleng mapangasawa ko sa hinaharap, pangalawa lang siya. Kasi para sa akin, ang talagang unang lalaki sa ating buhay ay ang mismong ama natin na siyang lumikha sa atin" makahulugang sabi ni Zein na ikinangiti naman ni Dean. At mayamaya ay lumapit ng bahagya ang mukha nito sa kaniyang tainga "At labis akong nagpapadalamat dahil isang napakabuting nilalang ang unang lalaki ng buhay ko" sabi pa nito.

"Hmmm... Salamat, anak" sabi niya at nagyakap silang mag-ama.

Kinaumagahan...

Panibagong araw at panibagong sumula. Gaya ng nakasanayan ay maagang nagtungo si Edmun kina Dean. May ngiti sa mga labi. Ngiting pambungad sa umaga.

"Oh, paalis na tayo. Nakahingi ka na ba ng pang-emergency kay Ate mo?" Seryosong tanong ni Dean sa binatilyo.

"Opo. Heto oh" sabi naman nito at nakangiti pang ipinakita ang paper bag na naglalaman ng pamalit.

"Mabuti naman. Oh, tara na at nang makarami" sabi naman ni Dean.

Samantala, nakatago naman sina Damian at Kenjie sa isang poste. Hawak nila ang isang garapon na naglalaman ng pinulbos na bawang na hinaluan ng asin.

"Tingnan natin kung hindi pa matepok ang aswang na 'yan" pabulong na sabi ni Damian habang tumatawa pa. Mayamaya din ay nakahanap na sila ng tamang tjyempo.

Samantala, akmang i-s-start na sana ni Dean ang makina ng sasakyan nang bigla niya na lang maramdaman na may mainit na sumaboy sa mismong mukha pa niya.

"Aaaah! Aray!" Sigaw niya na ikinagulat naman ni Edmun.

"K-Kuya Dean!"

* END OF CHAPTER #70 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now