CHAPTER #32:INSULTO

9 0 0
                                    

Dean's P.O.V

HATINGGABI nang maalimpungatan ako dahil sa gutom. Kakaibang gutom. Napadungaw ako sa nakabukas na bintana ng aming kwarto at nakita ko na maliwanag ang bilog na buwan sa madilim na kalamgitan. Kaya naman pala ganito ako kagutom. Kabilugan pala ng buwan. Tinagurian itong 'Sick Days' para sa aming mga butihing aswang. Sa mga ganitong panahon kasi ay mahirap talahang magpigil ng pagkatakam sa laman ng tao.

Bumangon ako ng marahan at napatingin sa asawa kong mahimbing ang tulog. Umangil ako ng mahina at hinimas ang tiyan niya. Bagama't nasa impluwensiya ako, alam ko pa naman ang ginagawa ko. Salamat na lang doon sa babaing nagkaloob nigo sa akin, sa mahabaan at matiyagaan nitong paggabay. Sana'y magkita kaming muli. Hinalikan ko ng marahan ang tiyan ni Charnie bago ako tuluyang tumayo at lumabas ng aming silid.

Katahimikan ang bumungad sa akin paglabas. Napatingin ako sa orasang umiilaw sa dilim. 12:00 AM na pala ng hatinggabi.

Napahawak na naman ako sa aking gutom na tiyan nang muli itong kumalam. Kasabay ng pagkalam nyon ay ang pagbabalik ng ala-ala ko sa nangyari kahapon. At kasabay ng pagbabalik ng ala-alang iyon ay ang pagbabalik ng kakaibang galit at inis ko sa tatlong iyon, dahilan pa para mapamura ako ng pabulong.

Naglakad ako patungo samay pintuan. Binuksan ko iyon at lumabas tsaka muling isinara. Bahala na kung saan ako mapadpad. Gusto kong makasagap ng sariwang hangin.

***

Third Person's P.O.V

SAMANTALA, hatinggabi na ay nasa labas pa ang magkakaibigang Flor, Abby at Abby. At ngayon ay kasama na nila ang mga barkada nilang lalaki na sina Cassion, Ace at Zeke. Galing sila sa isang okasiyon at kakarating lamang. Mga wala pa nga silang balak umuwi dahil naupo pa sila sa mahabang upuan sa harap ng nakasaradong tindahan ni Aling Anna.

"Dapat kasi nagsabi kayo. E di sana bugbog-sarado ang bakla"

Iyan ang reaksiyon ni Ace nang ikwento ng tatlong babaw ang nangyari kanina.

"Gagi! Kitang-kita nga namin na naging aswang siya. Buti na lang at miligtas kami ng babae na maganda ang loob" sabi naman ni Flor.

"Really? So, aswang pala ang lalaking iyon. Waaah! Natakot kami" tila nang-aasar na sambit ni Cassion, dahulan para magtawanan sila.

"Alam mo pa ba ang pangalan niya?" Tanong naman ni Luna.

"Ah! Dean! Iyon ang pangalan niya" sagot naman ni Abby.

"Dean? Gagi, position pa yata sa school 'yan di ba?" Sabi naman ni Zeke.

"Tsss... Utak-munggo yata ang ama't ina nyan" natatawang sabi naman ni Ace kaya ayun at nagrawanan na naman sila ng nakakaloko.

"HAHAHA! Siguro mahirap sila tapos nangarap mag-aral sa private school pero dahil sa kahirapan, hindi nila nagawa. Kaya paglabas sa pempem ng Nanay niya, Dean na lang ang ipinahgalan. Tunog-sosyal pero hindi bagay sa may-ari" sabi ni Flor kaya narinig na naman sa katahimikam ng hatinggabi ang mga nakakaloko nilang pagtawa.

Nang biglang...

"Aaaah!"

Natigilan sila nang sa isang iglap, sa mismong harapan nila ay tumumba si Luna na pugot na ang ulo.

"LUNA!"

* END OF CHAPTER #32 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now