CHAPTER #44:PANGALAWANG TANGKA - Part #1

16 0 0
                                    

Third Person's P.O.V

AT sa buong magdamag nga ay hindi makatulog sina Melanie at Charmie dahil sa pag-aalala. Kasi kahir anong punas nila ay hindi bumababa ang lagnat ni Dean. Bababa man ngunit panandalian tapos tataas muli. Gigising man ito pero si Zein ang palagi nitong hinahanap.

"Jusko, inaantok na ako" sabi ni Melanie.

"Ako din naman. Pero hindi natin siya pwedeng tulugan" sabi naman ni Charmie habang nakamasid kay Dean na mahimbing na naman ang tulog. May mga pagkakataon na nakakakita sila ng luha mula aa nakapikit na mga mata nito. Tulad na lang ngayon. Animo'y umiiyak ito.

"Dean, sorry" sabi naman ni Melanie nang makita ang isang patak ng luha mula sa mga mata ni Dean na nakapikit. Halata din sa mukha nito ang sobrang kalungkutan. Tila ba may gusto ito pero hindi makuha.

"Mahal, pagaling ka na para itatabi na ulit sa 'yo si Zein" sabi naman ni Charmie habang hinihimas ang buhok ni Dean na noon ay nasa pagkaimpluwemsiya pa ng paggiging aswang.

"Hmmm... Z-Zein" sabi nito habang nakapikit "Itabi niyo siya sa akin" dugtong pa nito sa nanghihinang boses.

"Kaya nga magpagaling ka di ba?" Sabi naman ni Charmie.

Hindi nila alam, clueless sila sa talagang nararamdaman ni Dean, ang craving nito sa dugo ng mismong anak nito na nais nitong matikman.

Samantala....

Umiiral pa rin ang rakot kay Xander. Takot na baka nga masaktan ng sarili niyang ama si Zein. Kaya heto na naman siya, isasagawang muli ang kaniyang plano lalo at nakabukod ito ng kwarto.

Sa ngayon ay nakatayo siya sa harap ng crib nito. De gulong kasi iyon kaya napakadaling ilipat kahit saan mo gusto.

'Patawad pero kailangan ko siyang ilayo. Hindi ko iniisip na walang kapasidad na maging ama si Kuya Dean. Kapakanan lang ng pamangkin ko ang iniisip ko'

Saad niya sa kaniyang isipan at kinuha ang sanggol.

"Patawarin mo alo, Zein. Patawad" sabi niya bago siya maglakad palabas ng kwarto tangan-tangan si Zein.

* END OF CHAPTER #44 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now