CHAPTER #3:ANG SIMULA NG PAGLILIHI NI DEAN

41 0 0
                                    

KINAUMAGAHAN ay maagang nagosing si Charmie. Ang gaan ng kaniyang pakiramdam at tila ba wala lahat ng pregnancy symptoms na nararamdaman niya.

"Good morning!" Bati niya.

"Oh, ang sigla mo yata" sabi naman ni Melanie.

"Malamang, naipasa na kay Dean ang paglilihi. Gaga! Ginawa mo talaga ano?" Sabi naman ni Irina na natatawa. Kasi nakita pala siya nito kagabi at nakita nito kung paano niya hakbangan si Dean "Okay 'yan para may ambag" sabi pa nito.

"Loko ka! Bakit mo sinunod?" Sabi ni Melanie na biglang nagseryoso.

"Sinubukan ko lang po, Ate" sagot niya naman.

"Langya! Oo, totoo yun peto iba maglihi ang aswang! Jusko po! Hindi ako umimik kahapon kasi akala ko biruan lang. Putik! Tinotoo niyo pala!" Sabi naman mi Melanie.

Magsasalita sana si Charmie nang bigla namang lumabas si Dean at nagtatakbo patungong lababo at doon ay halos isuka na nito ang lahat ng kinain kagabi. Ramdam din nito ang pagkahilo.

"Totoo nga!" Nabulalas na lang ni Charmie at napagakbo palapit kay Dean "Mahal" sabi pa niya at hinagod ang likod nito habang patuloy sa pagduduwal.

Mayamaya din ay natapos na ito kaya naghilamos na ito. Tutumba pa sana ito dahil sa hilo pero mabiti at nasalo agad ni Charmie.

"Nahihilo ako" sabi nito na halos ikalumo niya.

"M-Mahal, anong gusto mong kainin, huh? Ano!" Tanong niya dahil alam niya na napasa nga talaga sa kaniya ang paglilihi niya.

"Gusto ko ng buhay. Yung habang kinakain ko unti-unting namamatay" sagot nito at sa narinig nila ay nagkatinginan sila.

"Ayan! Panindigan niyo 'yan. Hindi na mababawi 'yan. Mga lpko tinotoo niyo kasi, eh" sabi nman ni Melanie na hindi pa rin makapanieala na tinotoo nila ang inaakala nitong biruan lamang nila kahapon.

* END OF CHAPTER #3 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now