CHAPTER #53:TAKAS

9 0 0
                                    

Edmun's P.O.V

NANG makauwi na sila Zein ay nagtungo ako sa tambayan namin, samay tindahan nila Aling Anna at hindi nga ako nagkamali. Doon nga sila dumirekta pagkaalis kanina.

"Nandito pala kayo" sabi ko.

"Buti nakarating ka pa. Akala ko napaaga na buhay mo, eh" pagbibiro naman ni Nick sabay tawa.

"Siraulo!" Sabi ko. Naupo ko sa harapan nila at tumingin sa kanila.

"Grabe naman yung Papa ni Zein ano? Bumanat lamg naman ako ng hugot line tapos nagalit na" sabi ni Nick.

"Dapat kasi inayos mo. Gagi ka kasi, eh" sabi naman.ni Lovely.

"Pero di ba dapat masanay na siua sa biruan? Ganyan na kaya ang generation ngayon" sabi naman ni Patrick.

"E sa ganoon siya ka-strict, eh. Nick naman kasi, dapat hindi ka nagbiro ng ganu'n. Kaloka ka" sabi naman ni Maymay.

"Eto ang tanong, may crush ka ba talaga kay Zeim?" Tanong naman ni Patrick.

"Wala. Hanggang kaibigan lang ako ano? Joke lang yung kanina. Di ko naman akalain na magiging ganu'n yung reaksiyon ni Kuya Dean" sabi niya naman.

"Pero...---" sabi ni Maymay na tila hindi yata niya maituloy.

"Pero ano?" Tanong ko naman.

"Hmmm... Wag na. Baka naririnig tayo nu'n pero napapansin kong pqrang may mali" sabi naman ni Maymay.

"Ano nga kasi?" Tanong naman ni Lovely na gaya namin, nais ding malaman ang gustong ipahiwatig ni Maymay.

"Nakikita ko na halos sakalin na ni Kuya Dean si Zein... Like... Come on! Teen ager na tayo, hindi na mga bata but base on his act, ginagawa niya pa ring bata si Zein. Well, that only.my opinion" sabi nanan ni Maymay.

"Ay! Akala ko ako lang ang nakakapansin nyan" sabi naman ni Lovely "Kayo ba, boys?" Tanong pa nito.

"Same lang naman. Tsaka... Ptre, ang babaw! Nagbiro lang ako tapos ganu'n na?" Sabi naman ni Nick.

"Yun nga, eh. Pinakitaan mo lang naman ng paggiging kalog tapos ganu'n na ang iniaasta. Kakaiba!" Sabi naman ni Patrick.

"Ako? No comment ako" nasabi ko na lang dahil alam kong iyon ang sariling pamamaraan ni Kuya Dean  para protektahan ang kaniyang mag-ina.

"Guys, matutuloy ba tayo?" Tanong naman ni Maymay.

"Oo, sayang nga at hindi kasama si Zein" sabi naman ni Lovely.

"No, isasama pa rin natin siya. Wait, tawagan ko" sabi naman ni Maymay. Mayamaya ay sa akin sila bumaling.

"Ikaw?" Tanong naman ni Patrick.

"Magpapaalam muna ako kay Papa Dagz" sabi ko naman.

"Sige, paalam ka na" sabi naman nito.

Hayst...

***

Zein's P.O V

"HELLO Zein, matutoy tayo"

Iyan ang sabi ni Maymay nang sagutin ko ang tawag mula sa kaniya. Napasulyap naman ako kay Papa na nakatulog na matapos magbihis. Halatang busog na busog sa pananghaliang nilasap niya.

"Sige, wait lang" pabulong na sabi ko.

"Sige, hintayin ka namin, huh?" Sabi naman nito.

"Sige... Sige. Baka may magising pa at mapurnada pa ang lakad natin" pabulong na sabi ko.

"Sige na" sabi nito at ibinaba na ang tawag. Tumayo naman ako at tiningnan ang sarili samay salamin. Mabuti at nakabihis ako. Nakasim jagging pants lang ako at naka-t shirt. Kinuha ko ang suklay ko at nagsuklay para ayusin ang buhok ko. Marapos iyon suklayin ay itinali ko na ito tsaka lumabas ng kwarto.

"Mama, Tita, alis na po ako" sabi ko.

"Naku Zein. Wag kang mawiwili na tumakas sa ama mo. Sige na. Kami na bahala sa kaniya" sabi ni Mama sa mahinang boses. Dinampot ko naman ang sling bag ko at nagmamadaling tumakbo palabas.

Takbo, Zein! Hangga't may lupa pa!

* END OF CHAPTER #53 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now