CHAPTER #80

8 0 0
                                    

Third Person's P.O.V

TANGHALI na at ilang oras na din ang nagdaan. Nakakulong pa rin si Edmun sa kaniyang silid. Si Jean naman ay umalis dahil may pasok sa trabaho nito kaya ang ending, naiwan siyang mag-isa sa kaniyang silid na nakakulong pa rin.

"Kingina! Bakit?! Bakit niyo ginagawa sa akin ito?! Akala ko ba mahal niyo 'ko?!" Sabi niya na may pagdaramdan habang humahagulhol sa isang sulok "Patayin niyo na lang ako!" Sabi pa niya.

Habang lumilipas kasi ang nga oras, palala ng palala naman ang init at guton na kaniyang nararamdaman. Mangalampag man siya ngunit wala nang pag-asa.

"Patayin niyo na lang ako! Hayaan niyo na lang akong mamatay!" Sigaw niya sa kawalan bago tuluyang tumulala habang uniiyak.

***

Dean's P.O.V

NANDITO na kani sa mall at ngayon ay kakalabas lang namin ng sinehan dahil nag-movke marathon itong mga kasama ko. Maganda naman ang pelikula. Sulit naman. Pero sa buong oras na iyon sa loob ng sinehan ay tila nawawala ako sa focus. Ewan pero kinakabahan ako. Hindi ko alam.

"Sa palaruan naman tayo" pagyayaya ni Zein.

"Sige, tara!" Sabi nanan ng dalawa at nagsimula na kaming maglakad.

Mayamaya din ay natunton na namin ang palaruan. Mapabata man o teen agers na kagaya nila ay nandito para magsaya.

"Tito Dean, tara! Maglaro ka rin" sabi ni Lovely na hinihila pa ako.

"Hindi na. Kayo na lang. Enjoyin niyo lang ang paggiging bata ninyo" sabi ko sabay ngumiti. Binitawan ako ni Lovely sa kamay at mayamaya ay nagtakbuban sila patungo doon. Ako naman ay naupo sa bench na malapit lang sa kung nasaan sila naroroon. Nakangiti ko silang pinagmasdan.

Ang saya nilang pagmasdan. Bakas sa mga aura nila ang kasiyahan na animo'y wala silang problema sa mundo. Ang sarap ding pakinggan ng kanilang masasayang halakhakan lalo na ang pagtawa ng anak ko, ang sarap marinig. Tila ba isa itong awitin na wala mang binabanggit na liriko ay alam mong saya pa rin ang isinasaad.

((( "Kingina! Bakit?! Bakit niyo ginagawa sa akin ito?! Akala ko ba mahal niyo 'ko?!" )))

Naantala ako sa pag-iisip nang may mag-echo sa tainga ko.

Huh? Teka! Boses ba yun ni Edmun?

Dahil doon ay palihim akong nag-transform bilang isang aswang upang mas patalasin pa ang senses ko. Kaba, iyan na namab ang bigla kong naramdaman. Ito yung kabang kanina ko pa nararamdaman.

((( "Patayin niyo na lang ako! Hayaan niyo na lang akong mamatay!" )))

Napamura ako nang marinig ko na boses nga yun ni Edmun. Humahagulhol ito at tila ba may nanakit dito. Nagbalik ako sa anyo ko bilang tao sabay napatayo.

"Zein, Maymaya, Lovely!" Tawag ko sa mga kasama ko. Alam kong makakaabala ako pero may nag-uudyok sa akin na puntahan ito. Mayamaya lang ay lumingon sila sa akin at lumapit.

"Bakit po?" Sabay na tanong nila.

"Gusto mo na po bang umuwi, Papa?" Tanong naman ni Zein.

"K-kailangan nating puntahan si Edmun. Narinig ko siya kanina na tila umiiyak. K-kinakabahan ako, dh. Baka may nangyayari na sa kaniya" sabi ko.

"Baka naman po sumakit lang ang---"

"Ah basta! Tara na" pagpuputol ko sa daoat ay sasabihin ni Maymay. Kaga wala silang nagawa kundi ang sumunod sa akin.

At natagpuan ko na lang ang sarili ko, nag-aalala habang mabilis na nagmamaneho patungo sa kanilang bahay. Ewan pero pakirandam ko, hindi ko magugusguban ang posibleng makita ko

'Edmun, papunta na ako. Papunta na ako. Sandali na lang'

* END OF CHAPTER #80 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now