CHAPTER #45:PANGALAWANG TANGKA - Part #2

14 1 0
                                    

(Xander's P.O.V

BUO na talaga ang desisiyon ko sa gagawin ko. Oo, sabihin na nilang masama ako pero kapakanan lamang ng aking pamangkin ang iniisip ko. Hindi naman sa sinasabi kong walang kapasidad na maging ama si Kuya Dean. Oo, mabait siya at maalagang ama. Masasabi mong responsable siyang ama pero nakakatakot. Aswang pa rin siya at baka kahit anomg oras, pwede niyang atakihin maski sarili niyang anak.

"Patawad" sabi ko. Binuksan ko ang main door at kabadong inihakbang ang paa ko palabas. Nakokonsensiya ako pero kailangan.

'Tadhana na ang bahalang maglapit ulit sa 'yo sa pamilyang ito. Pero sa ngayon, ilalayo muna kita dito'

Saad ko sa isip ko...

Nasa akmang hahakbang na ako nang bigla na lang ay maramdaman kong may marahas na umakbay sa akin. Halos manlambot ako nang makitang may nakatutok nang mahabang kuko sa leeg ko. Isang maling kilos ko, maaari itong bumaon sa leeg ko na pwede ko pang ikamatay. Napasulyap ako sa lalaking ngayon ay nakaakbay sa akin. Halata sa mukha niya ang pananamlay at panghihina ngunit ang mga mata ay matalim na nakatingin sa akin na kulang na lang, pabulagtain na ako sa lupa.

"Anong ginagawa mo Xander? Bakit mo karga Ang anak ko,San mo sya dadalhin?" Tanong niya.

Hindi ako makasagot...

"Sa plagay mo ba sasaktan ko sya na dugot laman ko,ganyan b kasama Ang tingin mo sa akin,Ako Ang kanyang ama,Ang bumuo sa knya,Hindi ko sya kayang Saktan kahit Isa akung aswang,Mahal ko Ang anak ko..." Sabi niya "Pag titiwala lng nmn Ang hangad ko sa inyo at pagmamahal pero bakit Hindi nyo Yun kayang ibigay sa akin,Kung gusto Kung gawan NG masama Ang ank ko d Sana nung pinagbubuntis pa lamang sya NG ate charmie mo,kinuha kna sya pero dahil anak ko sya pinipigilan ko Ang sarili ko
Kahit mahirap para sa aming mga aswang" dugtong pa niya.

Hindi ako makaimik. Napansin ko na dumako sa batang karga ko ang mga mata niyang makikitaan ng panghihina at mumunting lungkot.

Jusko po!

"Hindi ko sasaktan Ang pamangkin mo Xander,Mahal n Mahal ko Ang anak ko,magtiwala k lng sa akin,ipanatag mo Ang iyong isipan.." sabi niya.

Mayamaya, isang hamon ang bigla kong naisip...

"Sige nga, kagatin mo siya ngayon" sabi ko sa nanghahamong boses. Ewan pero tila may bumubulong sa akin na subukan ang nilalang na kaharap ko. Sa puntong iyon, biglang sumeryoso ang kaniyang ekspresiyon.

"Sinusubukan mo ba ako Xander,Hindi ko gagawin Ang isang bagay n pagsisihan ko sa buong buhay ko,oo aswang Ako pero marunong nmn akung kumilala NG taong Mahal ko,porke b aswang Hindi n marunong magmahal,porke aswang iisipin mo n masama" sabi niya.

Hindi na naman ako makaimik. Tila ba na-freeze ako sa kinatatayuan ko habang ramdam ko pa rin ang pagkakaakbay sa akin pero yung kuko na nakatutok sa akin, wala na. Gusto kong magsalita pero bigla akong nablangko.

Mayamaya ay naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa bandang tainga ko...

"Wag mo NG ituloy Ang binabalak mo Xander dahil mabibigo k lng,Ako Ang ama ni zein,Hindi ko sya sasaktan,pero oras na ilayo mo sya sa akin o kahit sinuman Ang magtangka n kuhanin o ilayo Ang mag iina ko,magkaroon ng delubyo n Hindi mo inaasahan" bulong niya.

Halos manayo ang balahibo ko sa bulong na iyon. Base sa boses niya, walang halong biro iyon. Mayamaya, naramdaman ko na hindi na siya nakaakbay at sa isang kisapmata lang, namalayan kong nasa mga bisig na niya si Zein na mahimbing pa rin ang tulog.

"Wag kng mag alala Xander
Ipanatag mo yang isip,makakasiguro kng Hindi ko sasaktan Ang pamangkin mo,
Sige na bumalik kna sa kwarto Ng mama mo
Wag mo NG uulitin Ang ginawa mo,dahil simula ngayon babantayan kna Ang kilos mo,Hindi Kita isusumbong sa mama mo ikaw Ang bahalang magtapat sa knya NG ginawa mo" sabi niya.

At dahil na rin sa kaba ay napatakbo na lang ako pabalik sa kwarto ni Mama kung saan din natutulog si Diane.

Wengya! Nakakatakot pa rin pero siguro, iwawaksi ko na lang. Mas nakakatakot pa rin ang ibinulong niya sa akin. Oo, tama. Mas nakakatakot yun.

* END OF CHAPTER #45 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now