CHAPTER #5:AKSIDENTE

23 1 0
                                    

HALOS nga huminto ang oras para kay Melanie nang makita niya kung paano dahan-dahaning kainin ni Dean ang daga na may buhay pa. Sanantala, narinig din nina Charmie, Irina at Laurell ang tili ni Melanie mula sa kusina kaya nagtungo sila doon at ganoon din ang kanilang dinatnan.

"Jusko po! Kuya Dean naman! Nagkalat ka na oh!" Sabi ni Laurell kay Dean na dahan-dahan pa ring kinakain ang daga na unti-unti nang namamatay "Wag mong sabihing kani ang maglilinis nyan" dugtong pa nito lalo na nang matapos ito at tumayo tsaka nag-ayos ng sarili.

"Ako na lang, Mahal. Sige na. Naiintindihan ko" sabi ni Charmie at siya na ang naglinis ng kalat sa kusina.

"LINTEK! SANA PALA HINDI NA LANG IKAW ANG MINAHAL NI ATE! TINGNAN MO! SIYA PA NAGLINIS NG KINALAT MO! ANG BRUTAL MO NAMAN KASI!" Naisigaw ni Laurell na ikinaalarma naman nila.

"Laurell---"

"Totoo naman, ah!" Pagpuputol nito sa dapat ay sasabihin ni Charmie.

Sa narinig, halos kurutin ng pino ang puso ni Dean. Nagmamadali itong naghilamos sa lababo at patakbong umakyat sa ikalawang palapag na nagpabalik naman kay Laurell sa reyalidad.

"Gagi, anong sinabi mo?" Sabi ni Melanie.

"K-Kuya Dean! Nabigla lang ako! Sorry na!" Sigaw nito sa lalaking paakyat na pero nagtuloy-tuloy lang ito hanggang sa makarinig sila ng paglapat ng pinto na hindi naman padabog. Ngunit ramdam nila na nagdamdam ito base na din sa reaksiyon nito.

"Sira ka kasi, eh" sabi naman ni Charmie.

Matapos niyang maglinis ay umakyar siya sa ikalawang palapag at kinatok ang silid nila dahil naka-lock ito.

"Mahal, buksan mo" sabi niya peto walang tumutugon kaya kumatok siyang muli "Mahal" sabi pa niya.

"Wag niyo muna akong kausapin!" Tugon ng mabalasik na boses mula sa loob ng kwarto.

"Mahal, nabigla lang si Laurell---"

"HUWAG NIYO NGA MUNA AKONG KAUSAPIN, EH!" Sabi ulit nito

"Hayaan mo munang magpalamig ng ulo" sabi naman ni Melanie na nasa likod lang niya pala.

Napahinga na lang siya ng malalim at sabay na bumaba...

"Ano?" Sabay pang tanojg nina Laurell at Irina na sinalubong sila.

"Gagi ka. Dinibdib yata yung sinabi mo. Bat mo naman kasi yun sinabi e ang dali lang namang maglinis ng kalat" sabi naman ni Melanie.

"Kasalanan ko yata. Dapat ako yung naglilihi, eh" sabi naman ni Charmie "Mababawi pa ba yun, Ate?" Tanong pa niya.

"Hindi na at dahil pinasa na yun sa kaniya, kada magbubuntis ka ay sa kaniya na ang paglilihi na dapat ay sa iyo" sabi naman ni Melanie.

"Di ko naman kasi akalaing seseryosohin mo yun, eh" sabi naman ni Irina.

"E di ko din naman alam na legit pala" sabi niya naman.

"Hala! Paano na ngayon 'yan? Galit na si Kuya Dean. Anong gagawin natin nyan?" Tanong naman ni Laurell.

"Humingi ka ng tawad sa kaniya at sabihin mo na nabigla ka lang. Pero siyempre, kapag lumamig na ang sitwasiyon" sabi naman ni Melanie. Napahinga na lang din ito ng malalim.

"Hmmm... Alam ko na! Hihi. May gagawin ako mamayang tanghalian" sabi ni Laurell nang makaisip ito ng isang malupit na idea.

* END OF CHAPTER #5 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now