CHAPTER #93

8 0 0
                                    

Lovely's P.O.V

DAHIL nga sa pangamba ay lumabas kami ng CR at diretsong tinungo ang CR ng mga lalaki kung saan nagmumula ang ungol. Bukas ang pintuan kaya madali lang kaming makakapasok upang malaman kung ano ang nangyayari sa loob.

Papasok na sana kami nang bigla na lang naming maramdaman na may humila sa amin. Pagtingin namin ay isang lalaking estudyante na maliit ang nabungaran namin. I think, kasinliit lamang ito ni Edmun.

"Huwag kayong pumasok diyan kung ayaw niyong maging isa sa kanila" sabi niya na ipinagtaka naman namin.

"Ano? P-pero baka kung anong nangyayari doon" sabi naman ni Maymay.

"Sige, pumasok kayo nang nalasap niyo ang init ng anak ng dating Dean ng unibersidad na ito" sabi niya "Lalo at mga bago pa kayo. Ang mga katulad niyo ang nais niyang puntiryahin" sabi pa niya, dahilan para tila kabahan kami.

"May, umalis na tayo dito. Hanapin natin sila Zein" sabi ko.

"May iba pa ba kayong kasama?" Tanong bigla ng lalaking estudyante na iyon.

"O-Oo, bakit?" Tanong ko.

"Sabihan mo sila. Mag-iingat sila sa bagong Dean ng unibersidad na ito. Kayo din" sabi nito at mayamaya'y umalis na din at iniwan kami.

Jusko! Anong ibig niyang sabihin? Bakit tila kinakabahan siya at pinag-iingat kami? Parang may something sa paaralan na ito, ah!

"Newbie?"

Maglalakad na sana kami nang biglang may isa na namang babaing teacher ang sumulpot sa daraanan namin.

"Opo" sagot naman namin. Mayamaya ay bigla din itong kinabakasan ng pagkataranta.

"Diyos ko po! Nagkamali kayo ng pasok dito. Magiging isa kayo sa kanila. Mag-iingat kayo. Tumakbo kayo kung kinakailangan" sabi nito tapos tila patakbo kaming iniwan.

Jusko po! Ano ba talaga? Sino bang Dean ng unibersidad na ito ang tinutukoy nila? At bakit tila kinatatakutan siya? Naku naman. May kababalaghan yata sa paaralan na ito, eh.

* END OF CHAPTER #93 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now