CHAPTER #46:TERITORIAL

12 0 0
                                    

Diane's P.O.V

"HOY! Okay ka lang?"

Iyan ang tanong ko kay Xander. Paako, ang aga-aga kasi e tulala siya tapos napakalim pa ng iniisip.

"O-Oo, okay lang ako" sabi niya. Natawa naman ako.

"Hulaan ko, may kaabnoyan ka na namang ginawa ano?" Sabi ko. Napahinga naman siya ng malalim.

"Oo na! Panalo ka na. Muntik ko na namang maitakas si Zein kagabi. Maglalakad na nga lang sana ako palayo dito sa bahay pero nahuli ako, hindi ni Mama" sahi niya.

"At sinong nakahuli sa 'yong abnoy ka?" Natatawang tanong ko.

"Si Kuya Dean" sagot niya "Nanakot pa nga, eh" dugtong pa niya. Hindi ko naman napigilan ang matawa ng malakas, puntong uubuhin na ako kakagawa. Bukod doon, hinampas-hampas ko pa siya. Mapanakit kasi ako pag matindi ang pagtawa.

"HAHAHA! Abnoy ka kasi" sabi ko habang todo tawa pa rin. Nang makabawi na ako sa pagtawa ay huminga ako ng malalim at medyo suneryoso "Sino ba kasing may sabi sa 'yo na mananakit si Kuya Dean? Kung mapanakit talaga 'yon, sana inuna na tayo ano?" Dugtong ko pa.

"Sabagay, may point ka" nasabi niya na lang.

"Hmmmp! Abnoy ka kasi, eng eng" sabi ko sabay kinutusan siya.

"Aray!" Sabi niya.

"Deserve" sabi ko naman.

Nang matapos na ang biruan namin ay nagpasiya kami na sumilip sa kwarto nila Ate Charmie. Titingnan namin kung okay na ba si Kuya Dean. Pagpasok namin doon ay nadatnan ko sina Ate Charmie at Ate Melanie na matutulog. Nagulat din ako kasi katabi na ni Kuya si Baby Zein.

Jusko po! Di ha nga bawal yun?

"Paano siya napunta dito?" Tamong ko. Kinapa at hinawakan ko si Kuya sa noo at leeg. Mainit pa rin ito. Naku naman. Baka mahawa yung bata. Hay naku!

Dahan-dahan kong kinuha ang kamay ni Kuya na nakapulupot kay Baby Zein pero nang talagajg matatanggal ko na sana para malaya ko itong makuha ay naramdaman ko na humigpit ang hawak niya sa kamay ko tapos naramdaman ko na lang na bigla niyang kinagat ng mariin ang kamay ko.

"Aaaah!"

* ENDI OF CHAPTER #46 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now