CHAPTER #71

8 1 0
                                    

Third Person's P.O V

HALOS nga ikagulat ni Edmun nang sumigaw si Dean na animo ay namimilipit sa sakit. Pagtingin niya, hawak-hawak na nito ang mukha nito. Bukod doon, may paso pa ito na natamo kaya nakadama siya ng pagkagalit.

"Shit! Sinong may gawa nito sa Kuya ko?!" Nasabi niya.

"E-Edmun, ayos lang. Kaya kong paghilumin ito" sabi naman ni Dean at sa isang iglap ay nagawa nitong paghilumin ang paso sa mukha nito.

Samantala naman, matapos ang insidente ay nagtatawanan pa na tumakbo sina Damian at Kenjie.

"Kuya, sandali lang at may sasapakin ako" sabi ng binatilyo. Magsasalita na sana si Dean nang sa isang iglap ay bigla na lang maglaho sa tabi nito ang binatilyo.

Samantala, papunta na sana ang mag-bayaw sa kanilang bahay pero nakita nila na nakaharang na si Edmun sa kanilang daraanan. Ang kaninang asul na mga mata nito ay biglang naging kulay berde, senyales na galit ito.

"UMAMIN KAYO! KAYO ANG MAY KAGAGAWAN NU'N ANO?" Sabi niya sa mga ito. Nagkatawanan naman sila bilang tugon.

"Eh ano kung kami? Desetve" natatawa namang sambit ni Kenjie.

"Aba! Tarantado ka, ah!" Sabi namah ng binatilyo at isang malakas na sapak ang iginawad niya kay Kenjie.

"Aaah!" Daing nito na ikinagalit naman ni Damian.

"Aba! Siraulo 'to, ah! Ano? Suntukan na lang! Ako harapin mo" sabi nito na nakarayo pa ng tuwid.

"Edmun, tama na" dinig niyang sabi ni Dean. Tatalikod na sana siya nang bigla siyang suntukin ni Damian sa mukha.

"Aaah!" Sigaw niya dahil sa pagkabigla.

"Deserve" tatawa-tawa namang sambit ni Kenjie na hawak pa ang pumutok na labi.

"Loko ka, ah!" Sabi naman ni Edmun at sa isang jglap, natagpuan na lang ni Damian ang sarili na sakal-sakal na ni Edmun.

"Kuya Damian! Hoy! Bitawan mo si Kuya!" Sabi naman ni Kenjie.

Samantala ay napababa naman si Dean ng jeep at lumapit sa pinangyatarihan ng eksena.

"Edmun, tama na. Tama na" pag-awat niya sa binatilyo kaya marahas nitong binitawan si Damian lalo na nang hilahin niya ito.

"TANDAAN NIYO! BABALIKAN KO KAYO! AKO ANG KARMA NIYO, MGA HANGAL!" Pahabol na sigaw ni Edmun habang hila-hila ito ni Dean pabalik sa kanilang kinaroroonan.

Mayanaya ay aksidenteng nagtama ang kanilang mga mata at ngayon lang napansin ni Dean ang mga mata nito na kulay berde na biglang naging asul, senyales na kalmado na ito.

'Huh? Wow! Nag-iiba iba ang kulay ng mga mata ni Edmun? Kanina berde tapos ngayon naging asul? Ang astig naman'

Manghang naisaad na lang ng lalaking aswang sa kaniyang isipan.

* END OF CHAPTER #71 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now