CHAPTER #2:TINOTOONG BIRO

42 1 0
                                    

SUMAPIT na naman ang alasais ng gabi at nag-ibang anyo na naman si Dean bilang isang aswang. At kahit alam ni Charmie na mapanganib ang aswang kapag may naaamoy na buntis ay inakap niya pa rin ito. Matapos makapagpalit-anyo ay hinaplos nito ang tiyan niya na wala pang umbok. Madalas nitong ginagawa iyon pagtapos makapagpalit ng anyo.

"Baby natin 'yan" pagpapaalala ni Charmie sa kaniyang mister.

"Kaamoy ko nga. Napakabango niya" sabi nito na inaamoy-amoy pa ang kaniyang tiyan.

"Hoy! Hanggang amoy lang, ah! Baka mamaya sumalisi ka na diyan" pabirong sabi ni Irina.

"At anong palagay mo kay Dean, siraulo para kainin ang sarili niyang anak?" Sabi naman ni Melanie.

"May napanood kasi ako sa MPK. Yung sanggol kinain ng mismong ina niya. Kawawa naman" sagot namaj ni Irina nang maalala ang napanood nito sa isang palabas kamakailan lang.

"Ibahin mo naman si Dean ano?" Pagtatanggok naman ni Melanie.

"Oo nga at tsaka nandito tayong mga gabay niya ano?" Sabi naman ni Laurell.

"Naku! Kayo talaga. Salamat talaga sa inyo, ah!" Sabi naman ni Dean sa medyo mabalasik na boses sabay titig sa kaniya "Lalo na sa 'yo, Mahal" sabi pa nito.

"Sus! Walang anuman, Majal ko. Basta behave ka lang habang nasa loob pa si Baby. Kakargahin mo siya paglabas" nakangiting sambit niya lalo na nang ma-imagine ang mga ngiti ni Dean kapag karga-karga na ang kanilang unajg anak.

"Oo naman at kung maaari lang na saluhin ko ang paglilihi.mo? Sa akon na lang 'yan" seryoso namang sabi ni Dean.

'Willing ka talaga, ah! Sige, saluhin mo'

Iyan na lang ang natatawang sabi ni Charmie sa kaniyang isipan nang sumagi na naman sa ala-ala niya ang sinabi sa kaniya ni Irina.

Tulog na ang lahat at kabilang na doon si Dean. Tanging si Charmie na lang ang gising dahil nga sa kaniyang gagawin. Kailangan daw kasi tulog ang asawa kapag gagawin ito para talagang tumalab at maipasa dito ang lahat.

Dahan-dahang gumalaw si Charmie at kabado pa siya sa lagay na ito. Aswang si Dean at madali itong makaramdam kahit kakaunting galaw lamang.

'Sana hindi magising'

Iyan ang saad niya sa isip at sinimulan nang hakbangan ito ng marahan hanggang makarating siya sa kabilang dako. Nang tingnan niya ang lalaking aswang ay tulog pa rin ito.

'Yes! Success!'

Iyan ang masayang sambit niya sa kaniyang isip dahil sa wakas ay tagumpay niyang naipasa ang paglilihi sa kaniyang kabiyak.

* END OF CHAPTER #2 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now