CHAPTER #90

7 0 0
                                    

Third Person's P.O.V

SAMANTALA, makalipas ang ilang oras na byahe, nakabalik na sa Cavite ang pamilya nila Dean. Nakita pa nga nila ang kapitbahay na si Lina na nagwawalis sa kanilang tapat. Nagawa pa nga nitong irapan si Melanie at inirapan din naman ito ni Melanie pabalik. Imbes na magsalita, pinili na lang din ni Melanie na pumasok sa loob.

Samantala, napatingin si Dean sa kalendaryo at doon ay nakita niya na sa araw palang ito ay kabilugan mg buwan. Huminga ito ng malalim at naupo sa sofa. Napuna naman iyon ng iba, higit lalo ni Melanie. Kahit isa siyang tao, ramdam niya na may nais sabihin sa kanila ang lalaking aswang.

"Ahm Dean, may gusto ka bang sabihin sa amin? Tungkol ba saan ito? Sige sabihin mo lng at makikinig kaming lahat sa iyo" sabi ni Melanie. Huminga ng malalim ang lalaking aswang ar humarap sa kanila.

"Humihiling jasi si Zein sa akin na gawin ko daw siyang katulad ko, na gawin ko daw siyang isang aswang" nahihiya ngunit seryosong sambit ni Dean sa kanila.

"Huh?' sabi nito sabay baling kay Zen  "Zein, totoo b Ang sinasabi NG Papa mo? At seryoso k ba n maging aswang? Alm mong Hindi biro ang hinihiling mo sa knya!!
Sabihin mo or ipaliwanag mo sa amin, bakit gusto mong
Maging kauri NG Papa mo?" Tanong pa nito.

"Tita Mela, hindi po sa lahat ng oras ay may kasama ako, tsaka para maipagtanggol ko dim ang sarili ko kahit wala sila Papa sa tabi ko. Hindi namam po kasi sa lahat ng oras, nandiyan po sila. Tsaka Oo, alam ko na mahirap pero kung kinaya ni Papa, ako din na anak niya e kaya yun. Seryoso po ako sa kahilingang ito. Tsaka para si Papa naman ang maproprotektahan ko" sagot naman ni Zein na hindi mo kababakasan ng pagbibiro ang mga mata.

"Ano sa palagay nyo..
Laurell, Irina, Xander at Diane.." sabi niya sa mga ito  "Ako sa totoo lng..favor ako sa gusto ni Zein..
Siguro naiisip nyo n nagbibiro ako pero totoo yun, payag ako sa gusto ni Zein para Hindi n tayo mag aalala sa knya pag Hindi sya nasusundo NG Papa nya. At para maipagtatanggol nya Ang sarili nya kasi tama nmn, Hindi sa lahat NG oras eh andun tayo para matulungan sya. Paano Kung lahat tayo eh busy.." sabi pa niya.

"May point ka, Ate" sabi namam ni Diane "Tsaka para pag may lalaking may magtatangkang teansingan siya... Pak! Yari" sabi pa nito

"Oo nga naman. Marami nang malilibog diyan. Mahirap na kaya payag din ako" sabi naman ni Laurell.

"Ako din" tipid na sabi ni Xander.

"Mas payag din naman ako, siyempre. Para pag nagka-BF yan tayo nagkaroon ng kabit, hindi lang sabunot ang sapitin ng kabit. Hehe. Kidding aside, payag na talaga ako du'n" sabi naman ni Charmie. Mayamaya, napatingin sila kay Irina ma tahimik lang.

"O.. Ikaw Irina? Anung masasabi mo? Pumayag n Ang lahat ikaw lng Ang Hindi.. Bilisan mo..
Lutang kna nmn.." sabi niya.

"Ah! Oo, payag na payag ako diyan para may babaing aswang tayong kasama dito sa bahay. Seryoso ako doon" sabi naman ni Irina.

" O... Yan, payag n Ang lahat.." sabi ni Melanie "Kailn mo gagawin Dean? Excited nko makakita NG pagsasalin NG pagiging aswang sa mortal na tao.." sabi pa nito.

"Mamaya, sa pagbilog ng buwan" sagot naman ni Dean dahil iyon talaga ang angkop na araw para magsalin ng dugo ng paggiging aswamg sa isang mortal na tao. Yung kay Edmun kasi noon, biglaan dahil emergency na talaga.

"Hala! Amo kaya ang hitsura pag naging aswang si Zein?" Panulong na sabi ni Diane.

"Baka mas gumanda pa" tatawa-tawang sabi ni Irina.

" Oo nga.. Siguro lalo syang gaganda dahil makakain sya NG sariwang atay at puso NG tao..
Magiging matalas lalo Ang pandinig at pakiramdam nya..
Yari talaga Ang gagawa sa knya NG masama.." sabi naman ni Melanie.

"Naku! Excited na ako talaga" sabi naman ni Diane.

Mabilis na lumipas ang ilang oras...

Sumapit na ang gabi, ang pinakahihintay ni Dean. Bilog ang buwan at walang palya ang pagsikat nito.

Sa kasalukuyan, nandito silang mag-ama sa loob ng isang silid. Magkayakap sila habang nakatingin ang mga mata sa isa't isa.

"Pa, handa na ako at wag mong iisipin na wala kang kwenta dahil dito sa gagawin mo" bulong ni Zein sa kaniya.

"Oo nman anak. Pero Hindi m din maiaalis sa akin na mag isip dahil nakapangako ako nun sa Mama mo na Wala akung hahawahan NG paggiging aswang ko.
Kahit pumayag sya kasi pangako yun eh tas ako png ama mo Ang sumira nun.." sabi niya.

"Pero ako ang humiling kaya wala kang sinira. Itong gagawin mo sa akin, marka ito ng pagmamahal mo, Papa Dean" sabi nito at hinalikan siya sa pisngi.

"Haissst.. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung nkapagdesisyon kna
Kundi Ang pumayag.." sabi niya.

Napailing na lang siya habang si Zein ay nakaakap pa rin.

"Sige na, gawin mo na po, Pa" sabi nito. Hindi na umimik si Dean at basta na lang niya ito kinagat sa leeg.

Gaya ng mga bampira, ganito rin ang kaparaanan bila ng pagsasalin ng dugo ng paggiging aswang, ang kagatin sa leeg ang taong sasalinan at sipsipin ang dugo nito. Ang pagkakaiba nga lang, naglalagay sila ng espesiyal na kamandag sa mga laway nila at iyon ang dadaloy sa dugo hg taong iyon na magiging dahilan ng paggiging aswang nito.

Mayamaya lang ay bumitaw si Dean sa pagkakakagat kay Zein na nag-iba na ang kulay ng mga nata. Tanda na ganap na itong aswang katulad niya. Mayamaya, naramdaman na lang ni Dean na itinulak siya ni Zein habang magkatitigan sila sa isa't isa.

"Zein, nak" sabi niya. Ngumiti naman ang dalagita at hinaplos ang pisngi niya.

"Wag kang mag-alala, Pa. Kilala ko pa naman kayo" sabi nito sabay kinagat siya sa leeg. At iyon ang unang inom nito ng dugo na sa kaniya mismo nagmula.

"S-sige lang, anak ko" nasabi niya na lang at hindi maiwasan ang pagkamangha. Kasi imbes na pumangit ito sa pag-iibang anyo, mas lalo pang tumingkad ang kagandahan nito. Ang mga mata nitong nangungusap ay kulay asul pero iba ang paggiging asul nito kumpara sa mga mata ni Edmun. Matingkad kasi ang paggiging asul ng mga mata ni Edmun. Kay Zein naman sa mga oras na ito ay light lang. O tinatawag ding 'Light Blue' or 'sky blue'.

"Hmmm... Hindi ko ito pinagsissihan" sabi nito na normal pa rin naman ang boses. Tila ba sinadya ni Dean na ganito ang maging format ng maisasalin niya sa anak at naging matagumpay naman iyon.

'Napakaganda pa rin ng anak ko at mas lalo pang gumanda. Mabuti at gumana ang plano ko. Kaya kung may magtatangka man, hindi sila makakahalata. Magandang aswang ang nalikha ko ngunit mas malakas kaysa sa akin'

Saad niya sa kaniyang isipan habang nakatanaw sa anak na maamo pa rin ang mukha kahit sa kauna-unahang pagkakataon ay nasa impluwensiya na ito.

* END OF CHAPTER 90 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Där berättelser lever. Upptäck nu