CHAPTER #39:ARGUMENT

13 0 0
                                    

Third Person's P.O.V

SAMANTALA, kasama si Kapitan Dagz ay hinanap nila si Dean. Panay pa rin ang pag-alulong ng aso sa paligid na siyang lalong nagpapataas ng kanilang kaba.

"Nararamdaman ko. May nanganganib" sabi ni Amaya.

"Kaya nga bilisan na natin---"

Natigilan sila nang makarinig sila ng sigaw. Tila ba nalagutan iyon ng hininga.

"Doon!" Sabi ni Kapitan Dagz sa direksiyon patungo samay bakanteng lote. Halos takbuhin na nila iyon hanggang sa makarating sila.

Gayon na lang ang kanilang panlulumo nang wala na silang datnang buhay sa kanilang pagdating. Kitang-kita nila kung paano kainin ni Dean ng sabay-sabay ang tatlo. At animo'y ilang taon itong hindi pinakain.

"Jusko po!" Nausal na lang nila.

"Wala na tayong magagawa. Nakaulan na din kasi sila, eh" sabi ni Kapitan Dagz at maging ito ay nanlulumo din. Mayamaya ay napalingon naman ito sa kanila. Duguan pa ang mukha nito. Halatang gumawa ng brutal na krimen.

"W-walang madadamay di ba?" Sabi ng kapitan at maging ito ay hindi nakaligtas sa takot.

"Hmmm... Wala. Yun e kung hindi sila kakanta sa akin. Mabait namab ako, Kap pero sinaid nila ako" sabi nito at ramdam niya ito.

"H-hayaan mo, hindi na ito mauulit. Ako na ang gagawa ng paraan" sabi naman ng kapitan na kababakasan ng takot.

*."

MATAPOS ng mga kaganapang iyon, inanunsiyo sa buong Brgy. Liwanag na may ka-barangay sila na aswang. At dahil alam naman ng iba doon na mabait ang timutukoy na aswang, hindi na sila umangal pa dahil sa halos ilang buwan na paninirahan nila dito, walang inosenteng nasaktan maliban sa grupo nila Flor.

Sanantala, dahil naman sa kahihiyan ay pinili na lamang ng pamilya ng mga nasangkot na manahimik at umalis sa barangay na iyon. Alam naman kasi nila na ang mga anak nila ang may mali kaya ano pang mukha ang kanilang ihaharap.

Samantala, dahil naman sa mga nakita nina Xander at Diane ay nagpasiya sila na mag-usap.

"Diane, what if ilayo natin dito yung baby oras na makapanganak si Ate Charmie" sabi ni Xander at pabulong lanang iyon.

"Anong sabi mo? Ilalayo natin yung baby? At bakit naman, huh?" Tanong naman ni Diane sa binata.

"Natatakot kasi ako, eh. Natatakot ako na... What if hindi makontrol ni Kuya Dean ang sarili niya tapos may mangyaring masama" sabi naman ni Xander.

"So, anong nais mong palabasin? Na walang pasilidad si Kuya Dean na maging ama sa anak nila? Xander, mag-isip ka nga! Kung may takot ka, huwag mong pairalin 'yan kung ayaw mong makasakit ng damdamin ng iba" makahulugang litanya ni Diame.

"Diane, natatakot ako. Kapakanan ng pamangkin ko ang iniisip ko" sabi naman nito.

"Gusto mo bang isumbong kita sa Mama mo?" Pagalit na sambit ni Diane "Xander, mag-isip ka. Isipin mo din ang magiging damdamin ni Kuya Dean oras na gawin mo yun" sabi pa niya. Hindi naman nakaimik ang binata at napakamot na lang ng mariin sa ulo nito.

* END OF CHAPTER #39 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now