CHAPTER #100

6 1 0
                                    

Dean's P.O.V

NANDITO na ako sa Momtefalco University. Kaagad na bumaba ako  sa jeep kasi kabado ako. Pakiramdam ko kasi, may nangyaring hindi maganda. Bago pa man ako makalakad, naramdaman ko pa na nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko iyon at binasa.

" Pa, duniretso ka dito sa clinic. Sundan mo lang yung amoy
namin "

Iyan ang text na nabasa ko. Kaagad na tinago ko naman iyon at agad na naglakad. Paoasok sana ako sa gate nang bigla akong harangan ng mga guards dito.

"Sir, name po?" Tanong niya. Shit! Kailangan pa bang malaman? Kalmahan mo, Dean

"Dean Verano" sagot ko "Father ako ng isa sa mga students dito" dugtong ko pa.

Mayamaya, lunapit yung isang guard at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. Psh! Anong meron? Bakit ganyan ang tingin niro sa akin?

"May problema ba?" Tanong ko "Nagmamadali ako. Papapasukin niyo ba ako o magtititigan na lang tayo" sabi ko pa sabay taas ng kilay.

"O-okay" naiiling na sabi ng guard na nakatingin sa akin. Nagtama pa ang paningin namin at tila ba nagbababala.

Sa inis ko, nag-anyong ibon ako at nagmamadaling lumipad papasok. Psh! Nakakainis! Para yatang nangmamata pa, ah!

Tinahak ko ang direksiyon kung saan ko naaamoy sila Zein at nang matunton ko ang clinic dito. Kaagad na nag-anyong tao ako at kinatok iyon. Kaagad naman akong pinagbuksan ng nurse doon.

"Papa ako ng student na nandito. Papapasukin mo ba ako?" Diretsong sabi ko na nakataas pa ang kilay. Alam ko kasing may sasabuhin siya. Bakit? Porke ba ganito ang pananamit ko? Psh!

"S-sabi ko nga. Pumasok ka na" naiiling na sambut niya. Hindi na ako umimik pa at pumasok na agad. Pagkapasok ko, sila Zein ang bumungad sa akin at halos manlumo ako nang makita si Edmun na nakahiga sa isa sa mga kama doon.

"A-anong nangyari?" Tanong ko.

"Ewan. Ang alam lang namin, pinatawag siya sa Dean Office tapos ayun, pagbalik dito e nagkaganyan na" sagot naman ni Zein.

"Ano? Bakit?" Tanong ko. Hindi kaya may iba pang nangyari noong nandoon siya? Tumayo ako at lumapit sa kaniya "Edmun" sabi ko at tinapik-tapik ang pisngi niya

"Hmmm... Mainit" sabi niya sabay dumilat.

"T-teka! S-saan ba may private room dito?" Tanong ko. Malamang, nagugutom na 'to.

"Hindi nga namin alam, eh. First time lang namin dito" sabi naman ni Nick.

"T-Tito, o-okay na po. S-sumama lang talaga pakiramdam ko" sabi niya naman.

"Sigurado ka?" Tanong ko.

"Opo, k-kahit dugo niyo na lang po" sabi niya.

"O siya, halika dito" sabi ko at kinarga ko siya. At mayamaya, kinagat niya ako sa leeg. Agad ko namang hinagod ang likod niya bilang gabay. Mayamaya, napatingin ako kay Zein "Nak, asikasuhin mo 'to, ah? Lalo't wala ako" sabi ko pa.

"E Pa, di ba kinakain din niya ang katas?" Sabi niya.

"Oo pero sa dugo lang, sapat na" sabi ko naman. Tumango naman ito.

"Kaya mo ba sa isa pang subject mamaya?" Tanong naman ni Lovely.

"Hmmm... O-Oo" sagot niya na napapailing.

"Ngapala, nandiyan na ang mga gamit ninyo. Dala-dala ko na" sabi ko.

"Salamat po, Pa" sabi naman ni Zein.

"Magkaka-dorm ba kayo?" Tanong ko.

"Opo" sagot naman ni Zein. Mayamaya, napatingin ako kina Nick at Patrick. Shit! Bakit kinakabahan ako?

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now