CHAPTER #9:AMG DALAGITANG MASAMA ANG UGALI

20 2 0
                                    

SAMANTALA, nagising din ang mga kasamang babae ni Dean dahil sa away na kanilang narinig. Sumilip pa si Irina sa bintana at kitang-kita doon ang pagkukumpulan ng mga kapitbahay nilang hindi pa naman nila kilala.

"Grabe, walang respeto"

"Hindi naman totoong pokpok ang Nanay niya"

"Ayun nga, eh"

"Hindi! Sadyang wala lang talagang respeto iyan"

Iyan ang narinig nilang usap-usapan nang umagang iyon.

"Jusko! Ang aga-aga, mga nag-ma-Marites na ang mga babaita" nasabi na lang ni Melanie na nakadinig din sa usapan sa labas.

Samantala, nagising din si Charmie sa ingay na iyon. Nagulat pa siya nang wala na si Dean sa tabi niya.

"Mahal?" Tawag niya dito pero walang sumasagot.

Bumangon siya at lumabas. Nadatnan niya na si Dean na pala ang nagbubukas ng kanilang tindahan.

"Mahal, nandito ka lang pala. Akala ko kung saan ka na pumunta, eh" sambit niya.

"Uhmmm... Ako na ang nagbukas para paggising nila, wala na silang iisipin" sabi naman ni Dean.

"Naku! Ang bait naman talaga. Ayan ba ang sinasabi nilang bad?" Sabi niya at hinalikan pa ito sa moo "Ano? May hinahanap ka ba? Nahihilo ka ba?" Tanong pa niya.

"Hmmm... Actually, meron" sagot nanan ni Dean.

"Ano yun, Mahal? Magsabi ka lang" sabi niya.

Mayamaya ay nakita nila ang isang dalagita na tila padabog pang lunabas ng bahay.

"Langya! Nagpapakita talaga"

"Halatang masama ang ugali!"

"Hay naku!"

Iyan ang narinig nilamg bulung-bulingab na tila ang dalagitang iyon ang kanilang pinariringgan.

Mayamaya, nangunot ang noo ng dalagita. Tumaas ang kilay nito at nakapamewang na lumapit sa mga babaing nagkukumpulan.

"Hoy kayo! Ang aga-aga, naninilip kayo ng buhay na may buhay! E kung buhay niyo kaya ang pakialaman niyo!" Sabi nitong nakapamewang pa.

"Aba! Paanong hindi makikialam? E ganyan ang ugali mo tapos inilalantad mo pa talaga! Hindi ka na nahiya!" Sabi ng isang matandamg babae.

"Oo nga, tapos sinisiraan mo pa ang Nanay mo na pokpok? Hoy! Para sa kaalaman mo, mas kilala na namin 'yan kaysa sa 'yo! Kailan ka lang sumibol dito!" Sabi naman ng isang matandamg babae.

Samantala ay nagkatinginan sina Dean at Charmie. Tila ba isang livs movie ang kanilang natutunghayam.

Mayamaya, halos mag-slowmo ang lahat nang walang pasabing sampalin ng dalagita ang matandang babae na kasagutan nito.

"Aaaah!" Sigaw nito.

"Hoy! Sumosobra ka na talaga!" Sabi naman ng isang babae na ka-edaran lang nila Dean.

Sa nakitang iyon ni Dean, tuluyan na siyang napatayo na ikinagulat pa ni Charmie...

"Mahal, saan ka pupunta?" Tanong nito.

"May kokomprohin lang ako" mariin na sabi niya habang masamang nakatingin sa dalagitang nanampal ng matanda.

* END OF CHAPTER #9 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now