CHAPTER #35:DEAN IS INDANGER - Part #2

12 1 0
                                    

Third Person's P.O.V

NABULABOG ang buong Brgy. Liwanag sa kalagitnaan ng hatinggabi. Paglabas nila ay nakita nila ang nagkalat na bangkay. Maging sila Melanie ay nakita din iyon.

"Mabangis na aswang ang sumalakay sa kanila" sabi ni Kapitan Dagz.

"Jusko naman..." Sabi naman ng mga tao.

"S-si Dean?" Pabulong na tanong ni Melanie.

"Oo nga. Paggising ko wala na siya sa kama, eh" sabi naman mi Charmie. Magsasalita na sana si Melanie nang may patakbo namang lumapit sa kanila.

"Kaoitan! Nahuli ko na ang aswang na nanalakay sa mga namatay" pahmamalaming sabi ni Jay. Si Jay kasi ay literal din na tagaroon at ngayon, isa na itomg ganap na Aswang Hunter.

Samantala, dahil sa narinig ay nakaramdam ng kaba ang mga kasana ni Dean.

"N-nasaan siya?" Tanong naman ni Diane.

"Nasa covered court. Tara doon" pagyayaya naman ni Jay.

"Tara..."

"Panoodin natin"

Iyan ang mga sabi

At lahat nga ay nagtungo sa covered court. Si Jay naman ay nakatayo sa gitna kung saan nakagapos si Dean.

Magsasalita na sana ito nang biglang lumapit si Melanie at isajg malakas na sampal ang iginawad niya sa binata.

"PAKAWALAN MO ANG ASWANG NA 'YAN!" Matapang na utos niya dito.

"At bakit ko naman 'yan pakakawalan? Baka marami pang mabiktima 'yan" matigas na sani ni Jay.

"Pwes, ibahin mo ang aswang na ito!" Sigaw naman ni Melanie sabay tinuro si Dean na tulala na lamang habang lumuluha. Nanghihina dahil sa masasakit na narinig at naririnig nito.

"Nakapatay na nga---"

"Kasi may rason! Bakit hindi ka nagtanong?!" Pambabara naman ng babae. Katahimikan ang bumalot. Ang mga mata ni Melanie ay tila naging nakakatakot, maging ang kaniyang presensiya. Matalim na tinitigan niya ang binata "Pakakawalan ko ito. Subukan mong pigilan ako, makakapatay ako ng di oras, Jay" seryosong dugtong pa niya.

Hindi naman nakaimik ang binata dahil sa matalim at nakakatakot na tingin ng babae. Samantala, humakbang si Melanie patungo sa poste kung saan nakatali si Dean. Lumapit din si Kapitan Dagz nang mamukhaan ang aswang at nagtulungan silang kalagan ito.

"Dean? Dean, nandito na kami. Nandito na si Ate" sabi niya sa aswang na natulaka na lang dahil sa magkakahalong emosiyon.

Mayamaga...

"Ate! Si Ate Charmie, dinudugo!" Sabi ni Laurell nang makita ang pagdurugo ni Charmie na ikinagulat talaga nila.

"Jusko po!"

* END OF CHAPTER #35 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ