CHAPTER #34:DEAN IS INDANGER - Part #1

11 1 0
                                    

Dean's P.O.V

BAGAMA'T masakit sa aking pakiramdan ay tumingala ako at doon ay nakita ko ang isang lalaki na simple lang ang kasuotan. Halatang nag-ji-gym siya base sa kaniyang pangangatawan.

"S-sino kang pangahas ka?" Tanong ko at ngayon ay unti-unti na akong nakabawi sa sakit kaya nagawa ko nang makatayong mulo ng tuwid.

"Tsk, hindi ko akalaing may makakapasok na kampon ng dilim dito sa Brgy. Liwanag" sabi niya at naaninag ko ang pagngisi niya.

"Oo, aswang ako at sabihin mo nang kampon ng dilim pero may puso din ako" sabi ko. Tumawa naman siya ng nakakaloko.

"Ikaw? May puso? Tingnan mo nga ang sarili mo oh! Puno ka ng dugo" sabi niya "At nasaksihan ko 'yon" dugtong pa niya.

"Gusto mong isunod kita?" Sambit ko sa nagbabadyang boses.

"Kung magagawa mo" sabi niya at ipinakita ang isang bagay na ikinaattas kong talaga. Isa itong bagay na kinatatakutan naming mga aswang. Napangiti naman ako ng mapait at natawa.

"Ang dami talagang mga mapanghusgang nilalang sa mundong ito! Ipagtatanggol ang isang tao ng hindi muna inaalam ang side ng isa pa" sabi ko.

"Dahil wala naman talagang dahilan! Papatay ka para lang sa pagkain" sabi niya na talagang ikinakirot ng puso ko.

"Pwes, ibahin mo ako!" Sabi ko.

"Wala kang pagkakaiba sa kanila" sabi niya "Pare-pareho lang kayong nga salot" dugtong pa niya kaya mas lalong pumait ang ngiti ko.

"Pasensiya, ah! Pasensiya kung nakapatay ako. Nakapatay ako dahil lang naman sa mga mapanlait nilang---"

"Stop that non sense!" Pagsingit niya at naiintindihan ko iyon dahil tapos naman ako sa pag-aaral.

"Nonsense---"

Natigilan akong muli nang bigla na lang may humila sa akin.

"Dalhin sa covered court 'yan! Gisingin ang buong barangay at ipapakita ko sa kanila na nakahuli ako ng aswang. I'll burn this bitch in ftont of them"

At namalayan ko na lang ang sarili ko, nasa isang malawak na lugar havang nakagapos sa poste. Naisin ko mang gumalaw para kumawala pero halos manghina ako lalo na at makirot ang dibdib ko sa mga sinabi niya.

"Ayan! Sunugin na 'yan!" Dinig kong sigaw. Pagtingin ko ay ang dalawang dalagitang hindi ko napatay ang mga iyon.

"A-ang sasama ninyo! Pakawalan niyo ako!" Sabi ko na halos mag-echo na ang boses dahil sa mapait na sigaw.

"Tsk, matapang ka di ba? Mabangis ka di ba? E di pakawalan mo ang sarili mo" sabi ni Flor na tumatawa pa na tila inaasae ako. Ako naman ay natulala na lamang dahil sa pang-iinsultong naririnig ko.

"Mahinang aswang!" Sabi naman ng isa nitong kasama.

"Kuya Jay, ano na? Sunugin na natin 'yan" sabi naman ni Flor.

"Wait! Chill! Hintayin natin ang taong bayan. Tayong lahat ang susunog sa kaniya ng buhay" sabi naman ng lalaking iyon at narinig ko pa ang nang-aasar na pagtawa nito.

* END OF CHAPTER #34 *.

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now