CHAPTER #91

7 1 0
                                    

Zein's P.O.V

"ZEIN, gising na"

Namulat ko ang mga mata ko at ang mukha agad ni Papa ang nabumgaran ko. Nagkatinginan pa kami sabay nagkangitian.

"Magandang umaga sa Prinsesa ng mga aswang" natatawang biro nito.

"Naku! Simple lang po ako" sabi ko.

"Bangon ka na para hindi ka mahuli sa unang araw mo" sabi niya. Nakangiti akong bumangon lalo na nang maalala ko na unang araw na pala ngayon ng pasukan.

Sabay na kaming lumabas ni Papa at nadatnan ko si Tita Melanie na nagluluto ng almusal. Sa amoy pa lang, alam kong sinangag iyon.

"Zein, gising ka na pala. Kumusta ang unang gabi ng pagkaaswang?" Tanong nito.

"Okay naman po. Normal lang" sagot ko naman. Nakita ko naman si Papa sa gilid ng mga mata ko na nakangiti. Tila ba ngiting tagpay.

"Normal? Wala bang masakit sa 'yo?" Tanong naman ni Charmie.

"Wala, Ma" sagot ko naman "Liban nga lang sa kagat ni Papa. Marahas" sabi ko pa.

"Hmmm... Sorry naman. Ganoon kasi yun, eh" sabi naman ni Papa.

"Okay lang po. Okay naman po ang pakiramdam ko lalo na nu'ng natikman ko ang dugo mo. Mas gumaan pa lalo" sabi ko. Mayamaya ay naupo si Papa sa tabi ko at naramdaman ko agad sa presensiya niya na may gusto siya.

Wait! Tumalas ang pakiramdam ko? Wow!

"Pa, alam kong may gusto ka. Nararamdaman na kita" sabi ko. Hindi siya umimik. Sa halip ay kinagat niya ako sa leeg at normal na kagat na lamang iyon.

"Hmmm..." Usal niya. Iginapang ko ang isa kong kamay at hinaplos ang buhok niya.

"Salamat sa pagpayag, Pa" sabi ko "Wag mo pong sisihin ang sarili mo dahil ginusto ko po ito" sabi ko pa at tanging pagtango na lang ang naisagot niya.

*.*

MATAPOS ang almusal ay naligo na ako at nagbihis ng pamasok. Excited na ako sa first day ko bilang highschool student. At ngayon, nasa byahe na kami nina Maymay at Lovely kasama si Edmun. Same school lang naman kasi kami.

"Naku! Sana same section tayo guys" sabi ni Lovely.

"Sana nga" sabi ko naman.

"Sana talaga! Gagi, ayokong mahiwalay sa inyo" sabi naman ni Edmun.

"Sus! Kamo, para makaporma ka kay Zein" natatawang sabi naman ni Lovely. Kukutusan ko na sana ito nang mamalayan naming nakahinto na ang jeep ni Papa. Huminto ito sa tapat ng isang unibersidad. Ang school na papasikan namin.

" Welcome to Montefalco University. Mag-iingat sa mga kilos kung ayaw niyong mapag-initan "

Huh? Ano daw?

"Ibang klase naman. Parang may something, ah" sabi naman ni Lovely.

"Hay naku! Tara na nga at pumasok" sabi ko at sabay-sabay na kaming pumasok sa unibersidad na iyon.

* END OF CHAPTER #91 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now