CHAPTER #48:RESEARCH

10 1 0
                                    

Third Person's P.O.V

HALOS nga mapakamot na lang ang grupo ni Melanie sa kani-kanilang ulo habang nakamasid kay Dean na ngayon au nakatalikod na sa kanila. Mas nanlumo pa sila nang marinig nila ang paghikbi nito.

"Mahal, sorry na. Ano ba kasing nangyayari, huh? Ano ba talagang nararamdaman mo? Magsabi ka naman oh" sabi ni Charmie na kinababakasan na ng pag-aalala.

"Oo nga, ano ba kasi yun?" Tanong naman ni Irina "I-Marites mo na 'yan" sabi pa nito. Pero bandang huli, wala pa rin silang nakukuhang tugon mula dito kaya namanatiling palaisipan sa kanila ang nangyayari dito, ang talagang nararamdaman nito.

Mayamaya lang ay gumalaw ulit si Dean. Pumihit itong muli paharap at niyakap si Zein na noon ay walang ginawa kundi tulog ng tulog.

"Jusko, ano bang gagawin natin kay Dean?" Nasabi na lang ni Melanie.

"Dahil yata 'to sa ginawa mo na naman kagabi, Xander. Abmoy ka kasi" sabi naman ni Diane na ipinagtaka naman nila. Si Melanie naman ay tila nagka-hint na patumgkol sa sinabi ni Diane.

"Inulit mo na naman?" Pabulong na sabi ni Melanie.

Wala na lang nagawa ang binata kundi tumango bilang pag-amin.

"Ikaw talaga. Di ba simasabi ko sa 'yo na tiwala at pagmamahal ang kailangan niya. Ayan, natakot na tuloy siya. Tila lahat tayo kinatatakutan na niya kapag kukunin natin si Zein sa kaniya" sabi niya dito.

Si Diane naman ay napahinga ng malalim at nag-typenna tila may sime-search.

"Mga Ate, tingnan niyo" sabi ng dalagita.

"Ano 'yan?" Tanong naman ni Melanie. Ibinigay naman ni Diane ang cellphone nito sa kaniya. Nasa screen nito ang isang article patungkol sa behavior at instincts ng mga aswang.

Napahinga siya ng malalim...

'Babasahin ko ito sa kanila. Mabuti na oang at uso na mag-research. Alam kong article lamang ito pero posibleng makatulong ito lalo't may kasama kaming aswang dito sa bahay'

Saad ni Melanie sa kaniyang isipan.

"Alam naman natin na ang mga aswang ay ang kinatatakutan nilalang sa balat ng mundo. Sila din ang dahilan ng pagkamatay mg ilang pursiyento ng mga tao. Pero alam niyo ba na may mabubuti ring aswang? Hindi lang mabubuti, kundi naiiba pa. Kaya sa artikulo na ito, matatalakay natin ang mga instincts at behaviors na posibleng makita mo sa isang mabuting aswang" sabi ni Melanie habang seryosong binabasa ang panimula ng artikulo na posibleng makatulong sa kanila.

* END OF CHAPTER 48 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now