CHAPTER #51:HOLD UP

9 0 0
                                    

Zein's P.O.V

"ZEIN, bat hindi ka nakapunta? Alam mo bang hinintay ka namin kagabi" sabi ni Lovely nang salubungin niya ako dito sa tambayan namin, dito sa tindahan ni Aling Anna.

"Oo nga. Naku! Ang dami pa namahg shanghai" sabi naman ng isa pa naming baekada na si Maymay na tila nang-iinggit pa. Porke ba paborito ko ang lumpiang shanghai? Duh!

Bale magbabarkada kami. Ako, si Lovely at si Maymay. Sina Nick at Patrick naman ay mga barkada namjng lalaki.

"Hoy! Napaano 'yang leeg mo?" Tanong naman ni Lovely sabay turo sa leeg ko.

"Ito?" Tanong ko.

"Obvious ba? Malamang, ayan" sagot naman ni Maymay.

"Siguro kissmark 'yan ano?" Sabi niya. Hala siya!

"H-hindi. Kinagat 'yan ni Papa kagabi kasi nagutom" sagot ko naman. Alam din naman nila ang identity ni Papa dahil nakikita din naman nila ito na nasa impluwensiya kapag napapagawo sa bahay.

"Wengya! Si Tito talaga" nasabi na lang ni Maymay.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusapnnang makita naming dumaan ang jeep ni Papa. Papasada na yata ito dahil kasama pa si Kuya Edmun. Kinawayan ko pa ito at kumaway naman ito sa akin pabalik.

"Pa, pasalubong!" Pahabol na sigaw ko na alam kong narimig niya.

Hayst! Ang Papa kong kakaiba talaga. Mayamaya lang ay dumating sina Nick at Patrick.

"Hi... Zein!" Bati ni Nick sa akin. Nahihiya naman akong tumingin.

"H-hi, h-happy birthday. Pasensiya na at hindi ako nakapunta" sabi ko.

"Ayos lang. Nauunawaan ko naman" sabi naman ni Nick.

"Thanks" sabi ko naman.

"Ano? Tara, mag-SM tayo" pagyayaya ni Maymay.

"Sige, arat" pagsang-ayon ko naman.

"Magpapaalam lang ako kina Mama" sabi ko at patakbo na umuwi ng bahay.

Pag-uwi ko ay nadatnan ko sila Mama at Tita Mela na nag-uusap.

"Mama, Tita, excuse me po. Magpaoaalam lang po ako na pulunta kami ng SM. Kasana ko naman sila Maymay" diretsong sabi ko.

"Basta wag magpaoagabi, anak. Alam mo naman ang ama mo. Tingnan mo't may kagat ka pa sa leeg" sabi naman ni Mama.

"Opo. Baka nga po bago makauwi si Papa ay narito na ako" sambit ko.

"Sige na. Magbihis ka na doon" sabi naman ni Tita Mela.

Hayst... Makakagala din...

***

Dean's P.O.V

"KUYA, pasakay"

Iyan ang sabi ng isang lalaki na pumara sa akin. Wala aong pasaheto dahil naibaba ko na at patungo na sana ako samay paradahan kung saan kami nagtatambay at kumukuha ng pasahero. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay sumakay na ito at sa tabi ko pa naupo.

"Kuya, diyan lang po" sabi nito. Bigla naman ay lumakas ang pakiramdam ko. Naramdaman ko na tila may nakaambang panganib.

Bagama't masana ang pakiramdam ko sa lalaking ito ay nagmaneho na ako. Sesenyas namah siya oras na nandoon na siya. Sa kalagitnaan ng pagmananeho ko ay naramdaman ko na lang na may biglang umakbay sa akin. Napalunok ako nang makita ko na may nakatutok na pataim sa akin. Mabuti at nagawa kong makapagpreno.

"Hold up 'to. Ibigay mo ang lajat ng pera mo sa akin kung ayaw mong masaktan"

* END OF CHAPTER #51 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now