CHAPTER #68

8 1 0
                                    

Third Person's P.O.V

SAMANTALA, mabalik tayo sa grupo nina Damian...

Matapos mamalengke ay umuwi na din naman sa wakas sina Anya at Kenjie. Saktong pag-uwi pa nila ay sumagi sa isip ni Kenjie ang nakita niya kanina.

"Inay, Tita Salome, alam mo ba na aswang yung jeepney driver na sinakyan namin kanina. Tapos nga nakatabi ko pa" agad na salaysay ni Kenjie kina Lina at Salome "Tapos taga diyan lang daw sila sa tabing bahay natin" sabi pa miya.

"Ano kamo? Taga-diyan lang sa tabing bahay natin? E di ba yung babaing lumapit sa 'yo e taga-diyan din?" Sabi naman ni Salome.

"Opo" sagot naman ni Kenjie.

"Aaah! Ngayon ko lang naisip. Kaya siguro sinabihan ka ng babae na iyon na ipinagbabawal ang pagsusunog ng goma e dahil may itinatago siya" sabi naman ni Lina.

"Oo nba. Either pamilya sila ng mga aswang o... Baka may kasana silang aswamg" sabi naman ni Lina.

"Oo nga po. Kitang-kita ko doon sa katabi ko sa jeep kanina, nakabaliktad ako sa mga mata niya" sabi naman ni Kenjie.

"Naku naman. Ang ganda nga ng nilipatan natin pero may kapitbahay naman tayong aswang" sabi naman ni Lina.

"Kaya magdoble-ingat tayo lalo at may kasama tayong buntis dito sa bahay" sabi naman ni Salome.

Samantala, umuwi na din si Dean nang mga oras na iyon dahil nga walang nadalang pamalit at kinakailangan na nitong magbihis. Kaagad naman itong sinalubong ni Charmie at pagkahubad nga ng suot na jacket nito na binigay ng iniidolo ay bumungad aa kaniyang paningin ang duguan nitong damit.

"Naku! May nagtangka na naman bang mamng-hold up sa 'yo, Mahal?" Tanong ni Charmie. Tumango naman si Dean at mayamaya din ay sabay na silang pumasok sa bahay.

"Ma, siya yun" sabi naman ni Kenjie sabay pasimpleng turo sa lalaking papasok ng bahay kasama ang asawa nito.

"Oo nga! Duguan ang damit, eh. At wag miong sabihing nagreregla 'yan" sabi naman ni Salome.

"Naku po! Paano na lang pag nanganak si Anya? H-hindi safe ang bata dito" sabi naman ni Damian.

"Hay naku, wag kang mag-isip ng ganyan. Basta maglagay lang tayo ng mga pangontra at matic, hindi na tayo malalapitan ng aswang na 'yon" sabi naman ni Lina.

"Oo nga at oras lang na kunin niya ang baby niyo, ah! Susuntukin ko yun, babayagan ko pa" sabi naman ni Kenjie.

"Wow! Ayos, ah!" Sani naman mi Dean.

"Siyempre, astig ako eh" sabi naman ni Kenjie at ang kaninang pangamba, ngayon ay napalitam na ng tawanan.

Sumapit na naman ang ala-sais ng gabi at gaya ng ginawa nila sa unang araw ay ganu'n na naman ang kanilang ginawa ngayong ikalawang araw.

Samantala, lalabas na sana si Kenjie upang magsunog ng goma pero bigla siyang hinawakan ni Lina sa kamay.

"Nay, bakit?" Tanong ng binata.

"Ako ang magsusunog ng goma. At oras na sitahin na naman ako ng babaing nanita sa 'yo kagabi, ah! Kumpirmadong may aswang nga sila na itinatago" sabi nito.

"Sige... Sige, sasama po ako sa inyo at ituturo ko agad kung siya iyon" sabi naman ni Kenjie kaya naman sabay na silang lumabas at nagsimula nang magsunog ng goma.

* END OF CHAPTER #68 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now