CHAPTER #22:DEAN'S IMPROVEMENT

14 1 0
                                    

NANG kapmado na ang lahat ay gunamot ni Melanie ang mga kalmot na natamo ni Xander mula kay Dean. Mabuti ma lamang at hindi malala yun.

"Pasensiya na sa nangyari, huh?" Sabi ni Charmie habang pinagmamasdan kung paano gamutin ang bata.

"Ayos lang po. Kasalanan ko din naman" sabi naman ni Xander.

"O siya, tapos na. Tara na at maghahapunan na" sabi nito at napabaling kay Dean "Dean, tiyak ay magugustuhan mo yun. Hayaan mo, wala nang bawang yun" dugtong pa nito.

"Talaga po? Sige, susubukan ko. Wala po ba tayong p-pancake?" Nahihiyang sabi ni Dean dahil tila iyon naman ang hinahanap ngayon ng kaniyang panlasa.

"Gusto mo din ba? Magluluto ako. Meron pa akong sangkap doon" nakangiting sabi ni Melanie.

"Kayo po ang bahala" sabi naman ni Dean.

At nagtungo na nga sila sa kusina para maghapunan. Si Xander ay tahimik lamang. Tila ba may iba itong nararamdaman para kay Dean.

"Oh, ayan. Kain na, huh?" Sabi ni Melanie.

At noon nga ay kinain ni Dean ang tapsilog na kaniyang paborito na tila nornal lang.

"Masarap?" Tanong ni Charmie.

"Naku! Sobra! Mapapadami yata ako" sagot niya naman.

"Ehem! Lutong karne 'yan, Kuya Dean" sabi naman ni Laurell.

"Hmmm... Masarap pa rin. Parehas lang sa hilaw" nakangiti namang sambit niya.

"Pero mas masarap pa rin ang buhay di ba?" Nang-aasar na sabi ni Irina.

"Hmmm... Oo, pero mas masarap ang pancake" sabi naman ni Dean.

"Hayaan niyo, magluluto ako" sabi naman ni Melanie.

"Ma, ang sipag ah! Baka manaba si Kuya Dean nyan" natatawang sabi ni Xander. Pilit na iwinawaksi ang mararamdaman para kay Dean.

'Hindi ko pwedeng maramdaman 'to. Hindi ako pwedeng magselos'

Iyan ang saad nito sa isipan nito habang patuloy sila sa masarap at masayang hapunan. At mas lalo pang sumaya dahil tila nag-improve ang aswang na kanilang pinakaiingatan.

* END OF CHAPTER #22 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now