CHAPTER #43:SAMA NG PAKIRAMDAM

16 0 0
                                    

Third Person's P.O.V

NAKAMASID lang si Charmie sa natutulog na asawa. Nagtataka siya dahil magmula nang ilabas si Zein, palagi lang itong natutulog. Gigising man pero panandalian lang. Napapansin din niya ang pananamlay nito sa mga nakaraang araw.

Mayanaya ay pumasok si Melanie sa kwarto na nakangiti...

"Kumusta dito? Naku! Ang cute talaga ni Zein. Maganda talaga ito paglaki" sabi nito.

"Oo nga po, eh. Pero may problema po tayo" sabi ni Charmie na halata sa mukha ang problema.

"Ano?" Tanong naman nito.

"Kasi magmula nu'ng ipanganak si Zein, naging antukin naman itong si Dean. Tulog ng tulog" sagot niya naman.

"Naku! Baka naman pagod 'yan" ssbi naman ni Melanie.

"Hindi naman siya ganyan dati. Tapos nananamlay pa" sabi niya naman.

"Baka naman masama ang pakiramdam" sabi namah ni Melanie. Lumapit ito sa natutulog na lalaking aswang at kinapa ito sa leeg at noo. Labis ang pagkagimbal nito nang may maramdaman.

"Ate? Bakit po?" Tanong niya.

"C-Charmie, kapain mo" sabi nito. Hinawakan niya din sa noo ang asawa at doon nga nila napagtanto na mataas ang lagnat ni Dean.

"Jusko po!" Nabulalas niya.

Kaagad na tinungo ni Melanie ang kaniyang kwarto at kinuha ang thermometer. Nagbalik siya sa kwwrto ng mag-asawa at tiningnan ang temperature ng lalaki at halos manlumo siya dahil mataas talaga ito.

"Jusko po! 29, huh? Malapit na sa 30!" Sabi niya na ipinag-alala naman ni Charnie. Kaya nagpasiya sila na gisingin si Dean at nagising naman ito at sa eksakto pang ala-sais.

"Dean... Jusko po! Anong nqraramdaman mo, huh? Grabe baman, may kaaama tayong baby dito" sabi niya.

"Hmmm... Masakit ulo ko, nahihilo ako" tipid na sagot nito na ikinalumo naman nila.

At dahil nga sa pangyayaring iyon ay nagpasiya silang ibukod muna ng kwarto si Zein. Ipinagkatiwala nila ito kina Irina at Laurell at sumang-ayon naman ang mga ito.

"Jusko po! Hindi ka naman gaano naglalabas, ah. Bakit ka nagkaganyan?" Nanlulumong sambit ni Melanie habang pinupunasan ito ng basang face towel para kabit paano ay makaramdam ito ng lamig at ginhawa.

"Sa weather yata 'yan. Paano kasi, uulan then aaraw" sabi naman ni Diane.

"Jusko naman..." Sabi na lang ni Charmie.

"Hmmm... N-nasaan si Zein? I-itabi niyo siya sa akin" sabi nito sa mahinang boses.

"Mahal, baka mahawa sa 'yo. Wag muna" sabi naman ni Charmie.

"Hmmm... Baby Zein" mahinang sambit nito bago pumikit at makatulog muli dahil sa sama ng pakirandam.

* END OF CHAPTER #43 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now