CHAPTER #56:HOLD UP AGAIN

9 1 0
                                    

Third Person's P.O.V

MAAGANG nagising si Dean nang umagang iyon. Bagama't masama ang pakiramdam dulot ng pangalawang paglilihi ay naisipan niyang mamasada pa rin. Si Zein din ay maagang nagising nang umagang iyon dahil nga mag-e-enroll ito kasama ang dalawa nitong kaibigan.

"Nak, yung usaoan natin. Alam mo na" sabi ni Dean na medyo seryoso.

"Opo, Papa" sabi naman ni Zein. Mayamaya ay napatingin si Dean sa leeg ng dalagita at basta niya na lang na sinunggaban. Ang mga nakakita ay nagkibitbalikat na lang.

"Hmmm... Ang sarap ng dugo mo lalo na sa umaga. Ang init" sabi niya nang malasahan ang dugo nito na tila napaglilihian niya talaga sa kasalukuyan pero bikod doon, may isa pa siyang gusto. Tila ba nagbalik ang craving niya sa putaheng ito noong si Zein pa ang kaniyang ipinaglilihi.

"Sige lang po, Pa. Magpalakas po kayo" sabi ng dalagita habang hinihimas ang kaniyang ulo.

"Hmmm... Anak, wag mo na ako tatakasan ulit, huh?" Sabi niya.

"Opo, wala nang takasan na mangyayari, Pa" sabi nito at hinalikan siya sa noo.

"Tatandaan ko 'yan" sabi niya.

Matapos makuha ni Dean ang kaniyang nais, sakto namang dating nina Maymay at Lovely.

"Good morning po. Good morning, Kuya Dean" bati ng mga ito.

"Magandang umaga dim naman" sagot niya "Sumabay na kaya kayo sa akin para madali kayong makapunta. Tutal kasama ko din naman si Edmun at mukhang sasabay din siya sa inyo" sabi pa niya.

"Sige po" sabi naman ni Lovely.

"Buti may pamasahe" sabi naman ni Maymay.

"Naku! Hindi na kailangan. Libre na 'yan. Tutal kasama niyo naman si Zein" sabi niya naman.

"Sigurado po kayo, ah?" Sabi maman ni Lovely.

"Oo naman. Basta ba huwag niyo lang sisirain ang tiwala ko sa inyo" makahulugang sambit naman ni Dean.

"Oo naman po" sabay pang sabi nina Maymay at Lovely.

Matapos ang ilang minutong usapan ay umalis na sila kasama si Dean. Isinabay na nga niya ang mga bata dahil madadaanan din naman ng ruta niya ang school na kanilang papasukam.

Samantala, palihim na napapangiti na lang si Edmun dahil sa wakas, nakita na naman nito ang babaing napupusuan.

"Bhe, sana magkaklase tayo ano?" Sabi nito kay Zein habang nasa byahe sila.

"Sana nga" sabi naman ni Zein savay ngiti.

'Diyos ko! Ang ganda niya talaga pag ngumingiti'

Saad ni Edmun sa kaniyang isipan.

"At bakit mo naman hinihiling na maging kaklase mo si Zein?" Natatawang at nang-aasar na tanong ni Maymay.

"Oh, bakit? Masama?" Tanong naman ni Edmun.

"Ayiiie, crush mo yata si Zein, eh" sabi naman ni Lovely.

"Hoy! Hindi, ah!" Sabi naman ni Edmun.

'Langya! Ang iingay ninyo'

Saad niya na lang sa isip niya at napatingin kay Dean na abala at seryosong nagmamaneho. Mayamaya ay isang pasahero ang pumara at sa likod ito sumakay, sa tabi nila.

"Kuya, bayad!" Sabi nito sabay inabot ang bayad.

"Saan ka?" Seryosong tanong naman ni Dean.

"Sa school po" tugon namn ng pasahero na kasabay nila.

Nagpatuloy ang byahe at ang kwentuhan ng magkakaibigan.

Mayamaya lang, biglang kumilos ang lalaki at bigla na lang inakbayan yung dalawang babae.

"H-hoy---"

Natigilan sila nang bigla itong maglabas ng baril ang lalaki...

"Hold up 'to! Walang kikilos ng masama!" Sabi nito.

Mayamaya ay may isang grupo na pumara tapos nagsakayan pa. Mga kasabwat pala ito ng lalaki at ito ang pinaka-leader.

"Papa!" Tawag ni Zein.

Mayamaya ay namalayan na lang nila na nakahinto na ang jeep.

"Ibigay niyo ang nais namin. Walang masasaktan!"

* END OF CHAPTER #56 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now