CHAPTER #79

9 0 0
                                    

Zein's P.O V

DAHIL tila wala naman kaming magagawa sa loob ng maghapon at hindi naman papasada si Papa ay nagkaayaan kami nina Maymay at Lovely na mahbalik sa SM. And this time, kasama na si Papa. Pumayag naman siya sa gusto namin. Gusto din daw kasi niyang mamasiyal at makakita ng ibang tanawin.

"Ngapala, isama natin si Edmun, huh?" Sabi ni Papa nang makabihis na ako.

"Oo nga po pala" sabi naman ni Maymay.

"Mas masaya pag nandito yun. May magpapatawa na naman" sabi naman ni Lovely.

"Huh? Baka may korni" sabi naman ni Maymay.

"Hoy! Grabe naman kayo kay Edmun" sabi ko.

"O siya, tara na at baka magbago isip ko" sabi naman ni Papa.

At noon nga ay nagpaalam na kami kina Mama at umalis na ng bahay. At siyempre, sa jeep kami sumakay at si Papa ang nagmamaneho. Bale sa harap siya at sa likod kaming tatlong magbabarkada.

"Pupuntahan natin si Edmun sa bahay nila" sabi ni Papa habang seryosong nagmamaneho. Tumango naman kaming pare-pareho. Malapit lang naman sa amin ang bahay nina Edmun kaya maaari din namang lakarin.

Tahimik lang kami habang nagbabyahe pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla akong may naramdaman. Nakaramdam ako ng kaba, masamang kutob. Pakiramdam ko ay tila may hindi magandang mangyayari.

"Zein, okay ka lang?" Tanong ni Maymay sa akin.

"H-huh? O-okay lang ako" sagot ko na lang. Shit! Bakit ako kabado? Bakit ang sama ng kutob ko?

Mayamaya, namalayan ko na lang na nakahinto na pala sa harap ng gate nila Edmun ang jeep. Bumaba kami kasabay ng pagbaba ni Papa. Nag-doorbell ito ng ilang beses at mayamaya ay bumukas ang pinto at si Ate Jean ang bumungad.

"Oh, Dean. Anomg sadya mo?" Tanong nito.

"Nandiyan ba si Kapitan? Ipapaalam ko lang sana si Edmun, dh. Mamamasiyal kasi kami kasama ang mga ito. E isasama ki din sana ang anak-anakan ko" sabi niya na nakangiti pa.

"Naku! Si Dagz, pumasok sa barangay. Si Edmun naman, may sakit. Bigla kasing nilagnat ng mataas" sabi naman ni Ate Jean pero nahuli ko na tila hindi nakumbinsi si Papa sa sinabi nito pero tila mas pinili niya na manahimik na lang. Kahit ako ay tila hindi rin kumbinsido, eh. Yung kaba ko ay tila mas lalong tumindi. Pakiramdam ko ay tila nagsisinumgaling ang kaharap namin.

"G-ganu'n ba? Sayang naman" sabi ni Papa pero nahuhuli ko talaga na hindi talaga siya kumbinsido.

"Oo nga eh" sabi naman ni Ate Jean.

"O siya, mauna na kami. Pakisabi kay Edmun na magpapagaling siya. Kailangan ko ng makakasama bukas" sabi niya. Tumango naman si Ate at nauna nang pumasok. Kami naman ay sumakay na ng jeep at nagbyaheng muli at sa mga oras na ito, papunta na kami sa mall.

"Sayang, may sakit pa ang loko" sabi ni Maymay.

"Kaya nga. Ang lungkot tuloy ng atmosphere" sabi naman ni Lovely. Mayamaya ay kinalabit nila ako.

"Zein, okay ka lang? Baka malunod ka kakaisip diyan" sabi naman ni Maymay. Tumingin naman ako sa kanila at bahagyang sumeryoso.

"Uhmmm... Hindi ako kumbinsido sa sinabi ni Ate Jean, eh. P-parang may mali" sabi ko.

"Paanong mali? Mukha namang nagsasabi siya ng totoo" sabi naman ni Maymay.

"Manaya dalawin na lang natin siya" sabi naman ni Papa.

"Oo nga. Agree" sabay-sabay na sabi namin.

***

Third Person's P.O.V

SAMANTALA, oanay ang tulo ng luha ni Edmun habang sinisikap pa ring kalampagin ang pinto ng kaniyang kwarto. Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ni Dagz at ng kaniyang tiyahin pero tila walabg tumutugon. Tumitindi na rin ang init sa kaniyang katawam at ang mga instincts ay naglitawan na subalit hindi niya magawa dahil nga nakakulong siya sa kwarto na ito.

"Tiyang, Itay! Buksan niyo, pakiusap naman" umiiyak nang sabi niya.

"Edmun! Pwede bang huwag kang maingay! Kanina ka pa nangangalampag diyan!" Sabi ng boses sa labas. Nabuhayan siya ng loob nang marinig ang boses ng kaniyang Tita Jean mula sa labas.

"Tiyang? Tiyang! Pabukas po!" Sabi niya.

"Hindi! Manatili ka diyan, demonto ka! Halimaw!" Sabi nito at klarong-klaro iyon sa kaniyang pandinig.

"Tiyang!" Sabi niya at mas lalo pa niyang nilakasan ang pagkalampag pero wala talaga. Hinsi na tumugon pang muli si Jean.

'Susubukan ko ulit na mag-teleoort'

Saad niya sa isip niya. Sinubukan niyang muli iyon pero wala talagang nangyayari. Hindi siya makalipat sa isang lugar na nasa isip niya.

'Lintek! Bakit ba ayaw?! Nag-iinit na ako, oh!'

Inis na sabi niya sa kaniyang isipan. Sinubukan pa niya ng sinubukan pero wala talaga. Sa inis niya ay nasuntok na niya ang pader at sa lakas ng kamai niya ay nagkroon ito ng malaki-laking crock.

"Aaaaah! Nakakainis! Ano bang ginawa ko?!" Nasigaw niya na lang at napaupo sa isang gilid habang nakakuyon ang kaniyang kamao.

* END OF CHAPTER #79 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now