CHAPTER #23:SI CARDO

13 0 0
                                    

MATAPOS ang hapunan ay nagluto si Melanie ng pancake para kanilang panghimagas at alam nila na iyon na talaga ang hinahanap ng panlasa ni Dean ngayong pangalawang buwan na ng pagbubuntis ni Charmie.

"Hmmm! Amoy pa lang, mabango na" ssbi niya.

"Ma! Ang Probinsiyano na!" Sigaw naman ni Xander mula sa sala.

"Naku! Magtungo na kayo doon at susunod ako" sabi naman ni Melanie.

At matapos nang maluto na nga ang mga pancakes ay sumunod na din si Melanie kasama si Dean. Sakto namang nagsisimula na ang palabas na gabi-gabi nilang inaabangan.

"Ayan! Ayan, barilin mo!" Sigaw ni Diane habang nakatingin sa screen dahil gaya nila, paborito din nila ang palabas ni Cardo na ilang taon na ngang umeere.

"Ay naku! Hindi na talaga nawala ang kasamaan! Isa pa 'yang Hipolito na 'yan!" Sabi naman ni Melanie.

"Hindi naman sila magtatagumpay, bleeeh" sabi naman ni Xander na dumila pa.

Si Dean naman ay tahimik lang ma kumakain ng pancake pero ang totoo, naiinis siya palabas na kamilang pinapanood lalo na sa mga scenes na barilan. Hindi naman iyon napapansin ng kaniyang mga kasama dahil lahat sila, focus sa screen.

"Ayan! Ayan! Woooh! Idol na talaga kita, Cardo!"

"Ikaw na talaga, Dalisay!"

Iyan ang sigawan nila...

"Cardo, anakan mo na ako!" Pabiro namang sabi ni Diane, dahilan para magpantong ang tainga ni Dean.

"Ano kamo?!" Sabi niya sa mabalasok na boses kaya napaatras ito ng kaunti dahil biglang nanlisik ang mga mata niya na nakatingin dito.

"W-wala po" sabi naman ng dalagita.

"Umayos ka, Diane. Kabata-bata mo pa kung anu-ano na ang pinagsasabi mo" seryosong sabi niya.

"Diane naman kasi" sabi naman ni Melanie at bahagya itong kinabig.

Mayamaya ay kumalma din agad si Dean kaya nagpatuloy na lang sila sa panonood lalo at malapit na sila sa climax ng serye.

"Lodi ko talaga 'yan! Maraming buhay" kumento ni Xander habang nakangiti.

"Hihi... Asawa ko 'yan" sabi namab ni Diane.

Mayamaya ay pasimpleng kinalmot ito ni Dean sa braso nito...

"Aaah!" Daing nito.

"Umayos ka" seryosong bulong niya.

Napatango naman ang dalagita.

"Diane, umayos ka kasi" sabi naman ni Charmie.

Mayanaya ay napunta na sa climax ang eksena kung saan may labanan nang nangyayari sa pagitan ng bida at mga kontrabida. Sa puntong iyon ay inis na tumayo si Dean at napansin naman nila iyon. Magsasalita sana si Melanie pero bigla na lang itong umalis at umakyat.

"Luh! Anyare doon?" Tanong nila at nagtatakang nagkatinginan pa.

"Bakit nag-walk out yun?"

* END OF CHAPTER #23 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now