CHAPTER #20:ML

13 0 0
                                    

MATAPOS nilang magmarienda ay napagpasiyahan nila na magbukas ng TV. May inaabangan kasi silang palabas mamayang gabi.

"Ate, ang advance mo. Wala pa naman yung inaabangan nating palabas" sabi ni Charmie.

"Okay lang 'yan" nakangiting sabi ni Melanie dahil sa isip nito, mabilis lang naman ang takbo ng orasan.

Bandang alasais ay nagsimula na namang pahirapan si Dean ng pwersahang pag-iibang anyo nito at gaya ng nakasanayan, lahat sila ay nasa tabi nito kabilang na doon si Diane.

"Hala! Ganyan na talaga siya?" Tanong ng dalagita na tila nag-uusisa.

"Oo, hirap na hirap talaga siya" sabi naman ni Charmie.

"E ano namang next niyang gagawin pagkatapos nyan?" Tanong naman ni Xander.

"Dapat aatake pero dahil kontrolado niya naman, mangangagar lang ng leeg 'yan" sabi naman ni Melanie.

"Gusto niyo bang isa sa inyo ang sumubok?" Tanong naman ni Laurell kaya nagkatinginan ang dalawang teen ager.

"Ikaw Diane? Gusto mo?" Tanong ni Xander.

"Eh? Ikaw muna. Pag hindi mo sinubukan, ibig sabihin bakla ka" nang-aasar na sambit ni Diane.

"Hoy! Bakit ako? E kapatid mo 'yan. Kaya ikaw ang sumubok" sabi naman ni Xander kaya natawa si Diane.

"Wala... Bakla ka pala, eh. Ate, bakla pala 'to, eh" sabi nito na natatawa kaya nakaramdam ng pagkainis si Xander.

"Ah! Gusto mo ng patunay? Okay game! Susubok ako pero oag ako ang naubusan, mumultuhin kita" sabi naman ni Xander habang si Diane ay tawa ng tawa.

"Subukan mo" sabi naman ng dalagita.

"Hay naku! Kayo talaga. Heto lang ang mahigpit na bilin ko, Xander pag nasa ganoong sitwasiyon na siya, huwag mo munang ituon sa iba ang atensiyon mo. Mag-focus ka sa kaniya. Kasi pag pagod ang katawan niya, nawawala 'yan sa kontrol" sabi naman ni Melanie.

At matapos nga ang halos ilang minuto ay narapos na din sa wakas sa opisiyal na pag-iibang anyo si Dean at gaya ng inaasahan, pagod at lupaypay ang katawan nito.

"Xander, ikaw na bahala diyan. Kaya mo 'yan" nang-aasar na sabi ni Diane.

At mayamaya nga, si Xander lany ang naiwan samay sala kasama nga si Dean na kagat-kagat na siya sa leeg. Napatingin siya sa TV at wala pa naman ang palabas na kamilang pinapanood.

"Ang boring! Kuya Dean, ML lang ako, ah" sabi niya.

Hindi naman umimik si Dean na nagbabawi pa rin ng lakas sa pamamagitan ng kaniyang dugo.

Samantala, kinuha ni Xander ang cellphone sa tabi niya at nakangiting nagbukas ng ML.

"HAHA! Dudurugin ko ang mga kalaban na ito" sabi niya sa sarili.

At nagsimula na nga siyang maglaro ng ML. On mic pa ang mga kakampi niya kaya nag-uusap usap sila sa pamamagitan ng boses

"Pre! Sugurin na natin!"

"Atake!"

Iyan ang sabi ng mga kausap niya sa mic.

"Wooooh! Panalo na ito!" Sabi niya at mas pinagbuti pa ang paglalaro ng ML. Tila nakalimutan na si Dean na nakakagat sa kaniyang leeg.

"Langya! Ang daya! Bat nag-Lord?" Sabi ng kakampi niya.

"Madaya 'yan! Sugurin na natin! Lakasan na natin pwersa natin!" Sabi niya.

"Mga Lods, pabuhagt!" Sabi ng isa.

"Ayan na naman si pahuhat" inis na sabi niya.

At nagpatuloy pa nga siya sa paglalaro lalo na at rank na iyon. Nakangiti pa siya dahil konti na lang, mananalo na ang team niya. Sa kalagitnaan ng pakikipaglaban niya sa mga kalaban sa ML, nakaramdam siya ng pagkalmot sa bandang dibdib niya, dahilan para mabitawan niya ang cellphone niya.

"Aaaah!"

* END OF CHAPTER #20 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now