CHAPTER #50:ANG MAKULIT NA BATA

12 1 0
                                    

Third Person's P.O.V

FAST forward...

Taon ang nagdaan, dahil sa kabutihan ni Kapitan Dagz ay nagkaroon ng trabaho si Dean. Isa siyang simpleng jeepney driver lamang. Sa kaniya kasi ipinapasada ni Kapitan Dagz ang jeepney nito, kaysa naman daw masira lamang doon ay mas maiging pakinabangan pa niya. Kasa-kasama niya naman ang amak ni Kapitan Dagz na si Edmun. Ito ang gabay kapag sasapit ang oras na mag-iibang anyo si Dean bilang isang aswang at nasa kalsada pa sila.

Samantala...

Taon din ang nagdaan ay lumaki si Zein. Ito ay nagdalaga ng simple pero maganda. Sa ngayon ay nasa first year highschook na siya nitong parating na pasukan. At ito pa ang masayang balita. Alam niya ang buong pagkatao ng kaniyang Papa Dean. Bata pa lang, ipinaalam na ito sa kaniya at ipinaliwanag ng kaniyang Mama Charmie at Ate Melanie kaya naman ngayong nagsisimula na siyang magdalaga ay lubos na niya itong naiintindihan.

"Ate Diane, mgasaya daw ang highschool" sabi ng dalagita. Gabi iyon at nasa imoluwensiya si Dean. Nasa sala sila nila at nagkukwentuhan habang si Dean ay tahimik lang at palihim na nakikinig sa kanila.

"Oo, Zein. Maraming pogi hahaha" tatawa-tawang sambit ni Diane.

"Ay!" Sabi naman ng dalagita.

"Gagi, magkakaroon ka ng crush tapos may pagpipilian ka pa" tatawa-tawang sambit nito.

"Ayiiie... Sana may mapili ako. Hindi ko pa kasi naranasan na magka-crush" sabi niya naman dahil sa talambubay niya, hindi pa. Wala pa siyang naramdaman na nahka-crush siya sa isang lalaki.

"Basta, mararamdaman mo din yan. Tapos pag nagka-crush ka pakilala mo kay Papa mo. Sabihin mo agad asawa mo" tatawa-tawang sabi ni Diane na hindi naman nakaligtas sa pandinig ng lalaking aswang kaya isang kalmot ang natamo nito "Aray!" Sabi pa nito na nakaramdam.

"Ano bang pinagsasabi mo Diane sa pamangkin mo,Bata pa Ang anak ko Kung ano anung walang kabuluhang bagay Ang pinapasok mo sa utak nya" sabi nito na sobrang seryoso "Imbis na pag aaral Ang atupagin mo,puro lalaki Ang nsa isip mo
Bata pa yang pamangkin mo,wag Kung ano ano Ang ituturo mo maging mabuti kng ehemplo nya" dugtong pa nito.

"Hay naku! Si Kuya. Dalaga na 'yan oiy" panunuril ng dalaga sa seryosong aswang na mahahalata ang pagkastrikto pero hindu naman gaano.

"Anung dalaga Ang pinagsasabi mo dyan Diane
Basta bawal pa syang magka nobyo Bata pa Ang anak ko pag aaral muna Ang unahin nya.." sabi mito.

Tatawa-tawa namang tumingin ito kay Zein na tahimik lang habang panay lunok ng laway para iwasan ang kaba. Oo, alam na kasi niya na aswang ang ama niya. Pero sa mabalasik na boses lang nito siya nangangamba madalas.

"Naku Kuya, maganda kaya si Zein. Naku! Pagkakaguluhan 'yan" sabi naman ni Diane.

"Hoy! Bolera ka, Tita. Hindi naman e---"

"Ooooh... E si Patrick? Yung classmate mo noon? May crush yun sa 'yo di ba?---"

"Hoy!" Sabi naman ni Zein. Ang timutukoy na Patrick ni Diane ay amg kaklase ni Zein noong grade 6 na mau crusn diumano dito pero boy bestfriend lang ang tingin doon ni Zein "Kaibigan ko lang yun, ano ka ba?" Sabi pa niya na ikinaseryoso naman lalo ng kasama nilang nilalang.

"Basta Bata ka pa ank ayoko na magpapaligaw kna unahin mo Ang pag aaral mo,wag mo kakalimutan Ang mga magandang pangaral nmin ng mama mo sau,Ang pakikipag bf may tamang panahon at oras yan" sabi nito sabay seryosong bumaling kay Diane "Ikaw Diane Kung gusto mong pilipitin ko Ang leeg mo wag kng tumigil sa pang eenganyo mo sa pamangkin mo," dugtong pa nito.

Napakagat naman sa ibabang labi si Diane dahi sa sinabi mg kapatid.

"Joke lang naman, eh" sabi nito.

Mayamaya, naramdaman ni Zein na nag-vibrate ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at message ni Lovely, bestfriend niya ang nandoon.

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now