CHAPTER #15:ANG MABALASIK NA BOSES SA LOOB NG CR

16 1 0
                                    

NAPAATRAS pa lako ang lahat nang mas tumalim pa lalo ang tingin ni Xander kay Flor habang nakatutok pa rin sa leeg nito ang patalim na hawak niya.

"X-Xander---"

"Buong akala ko may nagbago na sa lugar na ito pero ikaw pa rin pala ang laman ng issue, huh?" Sabi niya "At kaya ako nilayo ni Mama dahil sa 'yo!" Ssbi pa niya dahil maging siya, masama ang loob sa ginawang desisiyon na iyon ni Melanie.

"H-huwag!" Sabi nito na napapaatras na.

"Tsk, nasaan na ang tapang mo kanina?" Tanong niya habang nakangisi.

"Xander, baka mapatay mo" sabi naman ng isang babae.

"E di mabuti!" Sigaw niya.

Akmang itatarak na sana niya ang patalim sa kaniyang leeg pero isang kamay ang bigla na lang humila sa kaniya. Paglingon niya ay si Melanie iyon. Sina Dean at Diane ay nauna na sa loob kaya ito na lang ang mag-isa.

"Anak, huwag!" Sabi nito at inagaw ang patalim na hawak niya.

"Tsk, papatayin mo ako dahil lang sa ugali ko? Naoakababaw mo!" Sabi naman ni Flor.

"Pwede ba? Tama na! May namatay nang kaibigan mo dahil sa 'yo!" Sabi naman ni Melanie.

"Sama kasi ng ugali" sabi naman ng mga nakikiusyosong kapitbahay.

"Tsk, isa na lang, Flor. Isang isa na lang talaga, gigripuhan na kita. At seryoso ako diyan" pagbabanta ni Xander sa seryoso niyang tinig.

"Anak, tara na. Pasok na tayo. Baka makapatay ka pa, eh" sani maman ni Melanie at hinila na siya papasok.

"Hindi ka naman nagsabi na uuwi ka"

Iyan ang sabi ni Melanie nang makapasok sila.

"Para surprise" aabi naman ni Xander na nakangiti pa rin "Grabe! Wala pa ring pagbabago ang Flor na yun. Masarap pa ring patayin" sabi pa niya.

"Hay naku! Wag mo nang intindihin yun. Talagamg ganu'n na yun" sabi nito.

"At hahayaan na lang ba natin 'yon?" Tanong niya "Matagal na siyang usap-usapan dito at mas lumala pa siya" dugtong pa niya.

Hindi na lang nakaimik ang babae...

'Hindi na ako magtataka kung isang araw, pwedeng makapatay ang anak ko'

Iyan na lang ang nasabi nito sa isip nito.

"Teka, CR muna ako" pagpapaalam niya dahil nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan.

At nagtungo na nga siya sa CR. Bubuksan niya na sana ito pero napansin niya na tila may tao sa loob.

'Jusko naman! CR na CR na ako'

Saad niya sa kaniyang isipan.

Naupo muna samay upuan at naghintay na lumabas ang kung sinumang nasa loob. Nakumpirma din niya kasi narinig niya na may nagbubuhos sa loob, indikasiyon na may naliligo doon.

"Oiy! Gabi na naliligo ka pa, ah?" Sabi niya doon sa kung sinumang nasa loob.

"Sanay ako" tugon ng isang mabalasik na boses ma nag-echo pa.

"Huh? Ano yun? Bakit parang ang balasik ng boses niya?" Tanong niya sa kaniyang sarili "Mamumuti dugo mo nyan" dugtong pa niya.

"Sanay nga ako! Ang kulit mo!" Tugon muli ng mabalasik na boses mula aa loob.

'Gagi! S-sinong nasa loob'

Iyan ang nasaad niya sa kaniyang iaipan at ngayon ay nagsimula ma siyang kabahan.

* END OF CHAPTER #15 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now