CHAPTER #60:SWEET DAUGHTER

11 0 0
                                    

Zein's P.O.V

"Edmun, ang saya mo yata ngayon" puna ko kay Edmun nang magkita-kita kami dito samay tambayan nang umagang iyon. At dahil alam naming wala namang silang pasada kasama si Papa ay nagkayayaan kami na mag-jogging.

"Naman! Hihi" sabi naman nito.

"Oh, napaano leeg mo?" Bigla namang tamong ni Lovely. Doon ko lang napansin ang kagat sa leeg niya.

"Naku! Si Papa ba may gawa nyan? Pasensiya ka ma sa kaniya, huh?" Sabi ko.

"Naku! Okay lang. Basta para sa 'yo, Donut" sabi niya.

Huh? Ano daw?

"Ano? Donut?" Tanong ko.

"Aaaah! Wala. Ano kasi... Donut... Pagkain kasi" sabi niya naman. Ang dalawang babaita naman ay tila mga natatawa lang.

"Gutom ka na yata, eh" sabi naman ni Maymay.

"Langya! Ang tagal naman ng dalawang kumag na 'yon" sabi naman ni Lovely na ang tinutukoy ay sina Nick at Patrick.

"Oo nga---"

"Nandito na kami" sabay na sabi ng dalawa na bigla na lang sumulpot.

"Tch, akala namin kung napaano na kayo, eh" sabi ni Edmun.

"O siya, tara na hangga't maaga pa" sabi naman ni Maymay.

Maglalakad na dapat kami pero mayamaya, bigla na lang sumulpot si Papa. Huh?

"Kuya Dean, good morning. Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Edmun kay Papa na seryoso lang nakatingin sa amin.

"Oo nga po. May bibilhin ka po ba kay Aling Anna?" Tanong ko naman.

"Ahh, wala nmn akung bibilhin
Gusto ko lang sumama sa inyong mag jogging. Ngayon lng Kasi ako may pagkakataon na tumakbo
Naging busy Kasi ako sa pamamasada" sagot naman ni Papa.

"Aaah! Okay, game" masayang sabi naman ni Edmun. Si Nick naman ay nakangiting nakatingin lang sa akin.

"Sige, arat" sabi naman ni Maymay. Akma sanang hahawakan ni Nick ang kamay ko pero naunahan naman ni Papa iyon. Hala!

"Tsk! Dito ka Zein sa tabi ko..." Sabi niya.

"O-okay po" sabi ko naman.

At nagsimula na nga kami na mag-jogging. Maluwag naman sa area na ito kaya okay lang.

"Woooh! Grabe! Ang sarap pero mas masarap pag may ka-holding hands" makahulugang sabi ni Nick.

"Hay naku! Ikaw, ah! Pasimole ka lang, eh" sabi naman ni Maymay habang tumatakbo kami.

"Ha!!! Ikaw talaga Nick, para kang ewan. At saan ka nmn nkakita NG nag jogging NG may kaholding hand? Aber!!!!" Sabi naman ni Edmun.

"Tingnan mo naman sila Zein at Kuya Dean. Holding hands di ba?" Sabi naman ni Nick kay Edmun. Namalayan ko na hawak pa rin pala ni Paoa ang kamay ko habang nasa kalagitnaan kami ng pagtakbo. Isang kutos naman ang binigay ni Edmun kay Nick.

"Engot ka pala Nick no! Natural n ganyan sila. Mag ama Kaya sila..
Ganyan na sila,simula NG Bata pa si Zein. Tsaka Kung gusto mo NG kaholding hand at naiingit k sa kanilang mag ama, humanap k NG I holding hand mo,at wag si Zein ." Sabi nito.

"Ayiiie, si Edmun nagseselos" pabulong na sabi ni Maymay pero narinig ko yun. Si Papa maman, tila seryosong makikinig sa kanila

" ahm..

" Hindi no? Sinasabi ko lang nmn Ang totoo. Ikaw talagang babae ka
Yang bibig mo kukutusan Kita dyan,Makita mo.Wag Kang maingay.." sabi naman ni Edmun sa mahinang boses. Luh! Ano ba kasing pinag-uusapan nila? Nakakapagtaka.

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Место, где живут истории. Откройте их для себя