CHAPTER #10:SAMPAL SA ASWANG

19 1 0
                                    

KUMULO nga ang dugo ni Dean dahil sa nakita. Sa isip-isip niya, matanda na yung tao tapos sinampal pa. Para sa kaniya, sagad na iyon sa kawalan ng respeto sa nakakatanda.

At karagdagan pang impormasiyon, madali lang mainis ang mga aswang lalo na kapag nakakita sila ng mga taong nang-aaway lalo na ang mga taong nananampal.

Naglakad siya palabas ng tindahan at tinungo niya agad any direksiyon nila dahil malapit lang naman iyon sa kanilang tindahan.

"Hoy! Ikaw! Bat mo sinampal si Lola?!" Galit na tanong niya nang makalapit na siya doon habang masama ang tingin sa dalagita "Masiyado ka nang sagad sa kawalan mo ng respeto, huh? Ano? Lantaran?!" Galit na dugtong pa niya.

"Aba! Nagsalita ang baguhan!" Sabi naman ng dalagita.

"Bastos ka na talaga!" Sabi naman ng matandang sinampal nito.

"Tsk, gusto mo ba ulit ng sampal?" Sabi naman ng dalagita kaya lalong tumiim ang tingin ni Dean.

"Sige! Subukan mo!" Pagbabanta niya.

"At bakit ka apektado, Kuyang baguhan?" Tila nan-aasar na tanong nito sa kaniya.

"Oo! Tawagin mo akong baguhan pero dama ko ang sama ng pag-uugali mong bata ka!" Madiing sambit ni Dean.

"Oo, Kuya! Masama talaga ang ugali nyan. Sinisiraan niya ang sarili niyang ina 'yan" sambit naman ng isang babaing kapitbahay habang siya naman, masama pa din ang tingin.

"Hindi ka ba nahihuya? Pahiyang-pahiya ka na, Ineng! Ganito ba talaga 'to?!" Seryosong sabi niya.

"Oo, ganyan talaga 'yan" sabi naman ng isa pa.

"Tsk, wala akong pake! Gusto niyo hanapin ninyo" sabi naman ng dalagitang nakapamewang pa.

"Mahal, pasok na dito!" Sabi naman ni Charmie na nag-aalala na.

Kasama nitong nakamata si Melanie at dahil ito ang mas panganay ay kilalang-kilala na nito ang ina ng nasabing dalagita kaya maging ito, alam na alam din ang issue sa lugar na iyon.

"Aba! Loko ka talaga ano?" Sabi naman ni Dean "Walang hiya ka talaga ano? Kabata-bata mo pa lang, sinasagupa mo na ang mga mas matatanda sa 'yo! Pati Mama mo sinisiraan mo!" Dugtong pa niya. Hindi man niya alam ang kabuuan ng issue pero ramdam niyang nagsasabi ng totoo ang mga kapitbahay nila sa lugar na iyon.

"Ayan! Nakahanap ka na ng katapat mo!" Sabi naman ng isang babae.

Pero mayamaya lang, biglang kumilos ang dalagita at walang pasabibg sinampal si Dean sa magkabilang pisngi, dahilan naman para mapamura ng malutong ang mga kasama niya na nakamasid mula sa tindahan, higit lalo si Melanie na isa sa mga may alam ng buong issue na noon pa nag-e-exist sa lugar na iyon.

* END OF CHAPTER #10 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now