CHAPTER #102

5 0 0
                                    

Zein's P.O.V

UMAGA na naman. Bagong araw at siyempre, bagong simula. Sa kasalukuyan, maaga pa kaya naman naglalakad-lakad muna kaming magkakaibigan dito sa wide space. Nagkukwentuhan sila habang ako, tahimik lang dahil iniisip ko pa rin yung kagabi. Seryoso? Nag-transform talaga ako ng di ko namamalayan! As in, no pain at all. At ni hindi nga nagbago ang hitsura at boses kom wow!

"Zein"

Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ni Maymay ang pangalan ko, dahilan para lingunin ko sila.

"Ano?" Tanong ko.

"Kanina ka pa tahimik diyan? Baka malunod ka sa lalim ng imiisip mo" sabi nito. Napailing na lang ako.

"Nag-transform ba talaga ako kagabi?" Tanong ko.

"Oo, pero mas gumanda ka" sabat naman ni Edmun.

"Psh, talaga lang, ah! Nambobola ka lang, eh" sabi ko.

"Totoo. Lalo kang gumaganda pa nasa impluwensiya ka" sabi niya.

"Tsk, Oo na lang" sabi ko. Mayamaya ay nakasalubong namin ang isa naming kaklase na si Agalon. Tumingin pa ito sa amin at kumaway na kinawayan ko din naman.

"Hindi talaga siya nagsasalita" sabi ni Lovely.

"Kaya nga mapalad tayo kasi may boses tayo" sabi ko naman. Mayamaya, sumenyas siya at lalagpasan na sana kami pero nakota ko ang pasimpleng ginawa ni Nick, dahilan para mapadapa ito "What the! Okay ka lang?" Tanong ko at nagmamadali siyang pinuntahan.

"Tara na, Zein. Iwan na natin 'uan" sambit naman ni Patrick na sinamaan ko naman ng tingin.

"Sinadya niyo 'yon, ano?" Sabi ko. Hindi sila umimik pero kita ko ang pigil na tawa sa mga mukha nila. Seryoso, kailan pa natutong mang-bully ang mga ito?

Hindi ko na lang sila pinansin at inalalayan kong makatayo si Agalon. Chineck ko din kung nagkagalos ba siya, pero salanat dahil wala naman.

"Wag kasing paharang-harang sa susunod" sabi ni Nick.

"Tumigil na nga kayo" sabi ko. Alam ko naman kasi na sinadya nila iyon. Mayamaya, kumuha siya ng papel at ballpen sa bag at nagsulat doon.

'Kita na lang tayo sa room'

Iyan ang nabasa ko. Umiling na lang ako. Mayamaya din, umalis na ito.

"Psh. Bat ba masiyado kang comcern du'n?" Tanong ni Nick.

"Tsk, sinadya niyo 'yon ano? Kailan pa kayo natutong mang-bully?" Sabi ko.

"Oo nga, hindi naman ganyan ang pagkakakilala namin sa inyo, ah!" Sabi naman ni Maymay.

"Hehe, trip lang kasi. Walang basagan ng trip" sabi naman ni Patrick kaya binigyan ko sila ng tag-iisang kutos.

"Tumigil nga kayo!" Nasabi ko na lang. At nagpasiya na kami na patuloy sa paglalakad. Nakakailang hakbang pa lang kani ay isang babae ang humarang sa amin. Sa palagay ko, teacher din ito pero hindi kabilang sa mga teachers namin.

"Newbue?" Tanong nito sa amin.

"Yes" ako na ang sumagot. Mayanaga ay tumingin siya sa dalawa naming kasama, which is Nick and Patrick

"Mga kaibigan mo?" Tanong niyang muli.

"Opo, bakit?" Tanong ko na binalot na ng pagtataka. Ano ba siya? Nakiki-Marites ba siya?

"Hmmm... Pag-ingatin niyo sila, huh? Nakita ko ang ginawa nila kanina doon sa estudyanteng iyon. Naku! Baka pag umabot 'yon sa kaniya, hindi patawarin ang dalawang iyan" sabi niya na tila nagbababala ang boses. Sino naman ang timutukoy niya? "Walang pata patawad kapag si San ang nagalit. No one can srop him, liban kung dumating si Zy. Kaya mag-iingat kayo. Baka pati kayo madamay" sabi pa nito. Magsasalita pa sana ako pero bigla na lang siyang nawala.

Shit! Anong ibig niyang sabihin? Sino si Sam? At kumg mapanganib man siya, gaano? Gaano kapanganib? Shit! Kinakabahan ako, hindi lang para sa akin kundi para sa mga kasama ko. Nakakakaba, nakakatakot. Ano va 'tong napasok namin?

* END OF CHAPTER #102 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now