CHAPTER #64:PANGONTRA SA ASWANG

10 1 0
                                    

Third Person's P.O.V

AT dahil nga sa narinig ay nagpasiya na si Anya na umuwi at nadatnan niya na patapos na si Damian sa pag-aayos.

"Hon, nandiyan ka pala. Ngapala, tumawag sa akin si Mommy. Dito daw siya sa atin mag-s-stay" masagang sabi ni Damian "Pati din si Tita" dugtong pa nito na bagpangiti naman kay Anya at bahagyang nagpawala iyon ng kaniyang pangamba.

"Talaga, Hon?" Tanong niya.

"Oo, excited sila na mag-alaga ng unang apo nila" nakangiting sambit naman ng lalaki. Mayamaya naman ay nanumbalik na naman ang sinabi ng ale kay Anya kaya nakadama na naman siya ng kaba.

"Hon, may nagbabala sa akin kanina" sabi niya.

"Anong sinabi niya?" Tanong naman ni Damian.

"Mag-iingat daw tayo kasi hindi pa daw niya tayo kilala" sagot naman ni Anya "Hon, b-baka may kinakatakutang siga dito" sabi pa niya.

"Hayst! Akong bahala diyan, huh?" Sabi naman ni Damian at inakap ang asawang kinakabahan "Makampante ka. Nandito ako" dugtong pa nito

Ala-singko ng hapon nang dumating na ang mag-balaeng Lina at Salome. Si Lina ay Nanay ni Anya, samantalang si Salome naman ay Mommy ni Damian. Masaya naman silang sinalubong ng mag-asawa.

"Nanay, Tita Salome, nag-abala pa po talaga kayo na magbyahe papunta dito" sabi nj Anya.

"Naku! Basta para sa inyo. Kahit na may katandaan na kami, gagabayan pa rin namin kayo at excited na din kaming mag-alaga ng aming unang apo" sabi naman ni Salome. Si Linda naman ay pasimpleng kinalabit si Salome sapagkat may napansin ito sa botelyang dala-dala nito. Naglalaman iyon ng langis na Lanna.

"Bakit, balae?" Tanong nito.

"Tingnan mo ang langis na dala mo" medyo seryosong sabi ni Linda dahil bawat isa sa kanila ay may tag-isang bote ng langis ng Lanna. Palagi nila itong dala-dala, saan man sila magtungo.

Kinuha naman ni Salome ang maliit na botelya sa bag at halos manlaki ang kaniyang mga mata nang makitang kumukulo ito, gayon din ang botelyang hawak ni Linda.

"May aswang sa paligid" nasabi nila.

"Jusko po!" Nasabi na lang ni Linda.

"Damian, maging alerto ka. May aswang sa paligid at malamang, naaamoy nito ang sanggol sa sinapupunan ni Anya" sabi naman ni Linda.

"Hala! Nakakatakot naman. H-Hon, b-baka kunin niya si Baby" sabi naman ni Anya habang si Damian naman ay sumeryoso.

"Hindi! Wala siyang makukuha dito" seryosong sabi nito.

At dahil mag-aalasais na at nalaman pa nilang may aswang sa paligid ay ginawa ng dalawang matanda ang isa sa mga pangontrang alam nila. Nagsaboy sila ng asin sa bawat sulok ng bahay, specially sa pinto at mga bontana. Naglagay din sila ng bawang sa bintana ng kwarto ng mag-asawa bilang proteksiyon.

"Anya, magsuot ka ng itim ma daster" sabi ni Lina kay Anya at inabot ang isang itim na daster kay Anya.

"Inay, kailangan ba talaga 'to?" Tanong naman ni Anya.

"Oo, kailangan para hindi makita ng aswang ang sanggol sa iyong sinapupunan. Hay naku! Wag ka nang makulit" sabi naman ni Lina.

"Oo nga, Ate" sabi naman ni Kenjie na noon ay kakarating lamang. Sumunod kasi ito sa kanila. Mayamaya naman ay nabaling sa binata ang tingin ni Linda.

"At ikaw naman, magsunog ka ng goma sa labas. May nakita akong gulong na hindi na mapapakinabangan pa. Gawin mo yun dahil pantaboy din yun sa aswang" sabi nito.

"Ako talaga gagawa?" Angal na sabi ni Kenjie.

"Aba't... Gusto mo bang pati ikaw kainin ng aswang?" Pananakot

"S-sabi ko nga" sabi naman ng binata at lumabas na ng bahay. Nakita nga nito ang isang gulong na hindi na mapakinabangan.

Kaagad siyang kumuha ng posporo at sinindihan iyon na mabilisan namang nagliyab. Kumalat naman sa paligid ang amoy ng nasusunog na goma.

"Yes!" Nakangiting sabi niya na pumalakpak pa "Hmmmp! Hindi mo kami malalapitan, Aswang. Hindi mo malalapitan ang Ate Anya at ang pamangkin ko" dugtong pa niya habang nakangiti pa na waring nang-aasar.

* END OF CHAPTER #64 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now