CHAPTER #103

6 0 0
                                    

Zein's P.O.V

NANDITO na kami sa classroom ngaton at tahimik lang ako habang iniisip yung sinabi ng babae kanina. Sino si Sam? Posible kayang isa din 'yon sa mga De Guzman? At bakit sila magkakaapelido? Are they connected or magkakaapelido lang. Yayks! Hindi ko na ito dapat isipin pa, pero nakakapagtaka lang.

"Zein, okay ka lang?" Tanong sa akin ni Edmun.

"Oo, may iniisip lang" sagot ko naman.

"Alam ko ang iniisip mo at iniisip ko din 'yan" pabulong na sambit niya.

"Ano sa tingin mo? Are they relatives or sadyang magkakaapelido lang sila?" Tamong ko sa mahinang boses.

"I fhink, konektado sila. Halos lahat 'ata ng Teachers natin, De Guzman ang apelido" sabi niya "At may isa pa akong napag-alaman" sabi pa niya at tila may sumagi sa isip niya.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"Si Sir Deadman, Prinsipe siya ng Incubus. Yung Filipino Teacher baman natin na kamuntik kong napasok kahapon, Queen of Succubus at yung pinaka-Dean dito, si Undertaker... Is the King of Incubus" sabi niya na talaga namang nagpagulat sa akin. Seriously?!

"I-ibig sabihin, nandito ang pinakamatataas na manggagalaw?" Gulat na tanong ko.

"Iyon ang kukumpirmahin natin" nakangiting sagot niya. Kukumpirmahin?

"Hay naku!---"

Natigilan ako sa pagsasalita nabg dumating si Sir Deadman na siyang first subject namin. Math pa nga.

"Good morning class. Get your notebook dahil magsusulat kayo habang nag-di-discuss ako" seryosong aambit niya. Mayamaya, napansin ko ang isa kong kaklase na biglang nagtaas ng kamay "Yes?" Tanong pa niya.

"Sir, hindi pa po tayo nakapag-ellect ng Class Officers" malumanay na sabi nito.

"Oo nga pala. Well, hindi na natin kailangang magbotohan. May napili na akong Class President natin" sabi niya sabay tiningnan si Agalon na katabi ko "Mr. Agalon De Guzman, please come in front" sabi pa niya. Napayuko namam itong tumayo at nagtungo sa harap. Mayamaya, nakarinig ako ng pagtikhim.

"Seryoso? 'Yang walang boses na 'yan? Paano naman 'yan magsasaway? Ano? Isusulat ba?" Sabi ni Nick na ikinalingon namij. Kaba, iyan ang biglaan kong naramdaman lalo na nang maramdaman ko ang pagbigat ng presensiya ni Sir Deadman.

"Any problem, Mr. Celeste?" Malumanay ngunit seryosong tanong ni Sir Deadman.

"Tsss, nagsasabi lang naman ako ng totoo. Kabit ikamatay ko pa. Hindi yun magbabago" sabi naman ni Nick.

"Nick, tumigil ka na" sabi ko naman.

"Psh" sabi na lang nito.

"Isa pang salita, Mr. Celeste. Papasukin kita sa harap ng mga kaklase mo!" Sabi ni Sir Deadman. Nakadinig na ako ng mga bulungan sa paligid. Sa pakiwari ko, alam ng lahat ang ugali ng kaharap namin. Mayamaya, muli siyang bumaling kay Agalon at sinenyasan ito na magsulat. Binigay niya ang whiteboard marker. Mayamaya, nagsimula na itong magsulat na binasa ko naman ng maigi.

'My name is Agalon Pacheco De Guzman. Wala nan akong boses pero kaya kong gampanan ang tungkuling ibinigay sa akin. Salamat'

Iyan lang ang nabasa ko.

"Psh, nagsayang pa ng tinta" Dinig kong bulong ni Patrick.

"Narinig ko 'yon, Mr. Aquino" sabi na naman ni Sir Deadman na napakadilim na ng aura.

"Sir, pasensiya na po sa mga kaibigan ko. Mga kalog lang talaga" sabi ko. Ako na ang humingi ng pasensiya para sa kanila. Mayamaya naman, namalayan ko na katabi ko na pala ulit si Agalon.

"You know, didirektahin ko na kayo, guys. Sa paaralang ito, mababait ang mga narito. Pero pag naging asal hayop ka, mas asal hayop din kami. Tbat's it. Kaya kung gusto niyong maging maluwag ang buhay ninyo habang nandito kayo, makisama kayo ng maayos at pakikisamahan din kayo ng maayos" prangkang sabi niya. Nagtanguan na lang ang lahat. At mayamaya lang ay nagsimula na siyang mag-discuss habang kami, kaniya-kaniyang sulat.

Masasabi mong may takot ang lahat sa kaharap namin ngayon dahil kung sa ibang school, nagagawa pa nilang magdaldalan at gumawa ng ibang bagay. Dito, hindi. Ni isang bulong o salita, hindi nila halos magawa. Tila ba ikakamatay nila oras na gumawa sila ng kahit isang maliit na pagkilos lang. Kakaiba talaga.

"Okay, class dismissed! Bukas may Quiz tayo"

Namalayan ko na lang na tapos na pala ang discussion at ngayon, nakatingin si Sir Deadman kina Nigk at Patrick.

"And two of you, your attitude, huh? Baka naman magbago pa 'yan" sabi niya sa seryosong boses.

"In your dreams" pagpaparinig naman ni Nick.

"May sinasabi ka, Mr. Celeste?" Tanong niya at nakita ko na tila nagbababala ang mga mata nito "Alalahanin ninyo, pagpasok niyo pa lang dito sa M.U, may atraso na kayo" sabi pa niya.

Huh? What did he mean?

* END OF CHAPTER 103 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now