"Mag-iingat" makahulugang sabi ko.

Nang matapos na si Edmun ay nagpasiya na din ako na umalis agad para bumalik ng Dasma. Hayst! Para ngang ayokong iwan sila. Ewan, kinakabahan ako. Tila bindi maganda ang kutob ko noong tiningnan ko sila Nick at Patrick. Hayst! Pagod lang siguro 'to. Guni-guni ko lang siguro iyon.

***

Zein's P.O.V

NANG okay na si Edmun, eksakto namang tumunog na ang bell. Hudyat iyon na magsisimula na naman ang klase namin. Tiningnan ko ang class schedule at Filipino Subject ang nandoon.

Pumasok na kami sa classroom at saktong wala pa naman yung kasunod na teacher namin.

"Okay ka na talaga?" Tanong ko kay Edmun.

"Oo, salamat" tipid na sagot niya.

"Basta, magsabi ka kung nagugutom ka, huh?" Sabi ko.

"Oo" sagot niya naman.

"Ano ulit pangalan mo? HAHAHA!"

Napalingon ako kina Nick at Patrick at nakita ko na tila pinagkakaisahan nila yung katabi ko. Magsusulat sana ito ngumit inagaw naman ni Patrick ang ballpen sabay tumawa tapos hi agid iyon.

"Patrick!" Pananaway ko. Shit!

"Hahaha... Sabihin no, hindi yung isulat mo" sabi nito na natatawa pa.

"Nick, Pattick, ano ba? Tumigil nga kayo!" Sabi ko na sinasaway sila.

"Ayaw kasi magsalita. May bibig naman" sabi naman ni Nick.

"Stop na" seryosong sabi ko. Binuksan ko ang extramg bag ko at kinuha ang extrang ballpen ko sabay binigay kay Agalon. Oo, alam ko na iyon ang pangalan niya "Agalon, oh. Ballpen. Sa 'yo na lang. By the way, Zein Verano nga pala" sabi ko pa. Mabilis naman siyang nagsulat na nabasa ko naman agad.

'Salanat'

Iyan ang nabasa ko doon sa papel.

"Ganyan ka na ba talaga?" Tanong ko. Muli naman siyang nagsulat.

'Oo, wala kasi akong boses'

Iyan ang nabasa ko.

"Nakaka-amaze ka naman" sabi ko. Nakaka-amaze lang kasi ginagawa niya ang best niya para lang makausap ang mga nasa paligid niya. Mayanaya, muli siyang nagsulat.

'Ate Zein, kapag nasa dorm na kayo ay wag na kayong lalabas sa gabi. Baka maging isa kayo sa mga biktima ni Kuya Kamatayan'

Iyan ang nabasa ko na nagpakilabot sa akin. Kamatayan? As in, si Kamatayan? Magsasalita na sana ako nang pumasok ang next teacher namin. Tumingin pa ito kay Edmun sabay ngumiti.

"Good afternoon, Class" bati nito. Tumayo kami.

"Good afternoon, Mrs. De Guzman" bati namin pabalik. Seriously? De Guzman din ang teacher namin kanina tapos De Gusman na naman ngayon? Grabe! Magkakaano-ano ba sila?

"Okay, seat down" sabi ng teacher namin na babae na sinunod naman namin "Para sa mga newbies at hindi pa ako kilala, my name is Mrs. Lenzy Flores Pacheco - De Guzman. And I'm your Filipino teacher for the whole year" sabi pa niya.

Nanatili lang ang katahimikan. Gustuhin ko mang magsalita at nagtanong pero nakakahiya lalo't first time namin dito.

Mayamaya, nagsimula nang mag-discuss si Mrs. De Guzman about sa mga tatalakayin namin, etc.

Mabilis na nagdaan ang mga sandali at natapos na din sa wakas ang araw. Hayst! Nakakapagod! May pa-assignment pa nga si Mr. Demon sa AP. Agad-agad? Psh!

"Six of you, pumunta kayo sa Dean Office. Follow me" seryosong sambit ni Sir Deadman na siya palang adviser namin. Umiling kami at tahimik lang na sumunof sa kamiya.

Habang naglalakad kami, mahigpit ang hawak ni Edmun sa kamay ko. Tila ba kabado siya. Bakit? May nangyari ba doon bukod sa kinausap siya?

Mayamaya lang ay natunton na namin ang Dean Office at nadatnan namin doon sina Mrs. De Guzman at si --- wait! Is that Undertaker? The Undead Wrestler? Woooa!

"Bakit po?" Kaswal na tanong ko. Tumayo si Undertaker at lumapit sa amin. May kinuha siyang susi sabay binigay sa amin.

"This is your dorm's key or should we call penthouse key" sabi niya. Penthouse? Tiningnan ko ang hawakan ng susi na siyang hawak ko. May number iyon and it's number 14.

"T-thank you po" naiiling na sabi ko.

"Ang swerte niyo at magkatapat lang tayo" sabi naman ni Mrs. De Guzman sabay ngiti ulit kay Edmum na para bang nang-aakit.

Tsss... Ano bang problema niya? Pqrang kulang na lang halikan na niya si Edmun, ah! Sa pagkakataon na iyon ay humigpit pa lalo ang pagkakahawak ni Edmun sa kamay ko at panay ang iwas ng tingin kay Mrs. De Guzman.

"M-mauna na po kami" sabi ni Lovely.

"Alam niyo na ba kung saan?" Natatawang tanong ni Sir Deadman.

"May mata po kami. Kaya malamang" sagot ko naman. Ewan pero biglang kumulo ang dugo ko sa babaing iyon na kanina pa ngiti ng ngiti kay Edmun. Psh!

"K" tanging sagot lang ni Sir Deadman. Palihin ko pang inirapan si Mrs. De Guzman bayo kami tuluyang makalabas ng Dean Oftice.

"Anong oras na?" Tanong ko.

"6 PM, bakit?" Sabi naman ni Lovely.

"6 PM? Nasa impluwensiya na ba ako?" Biglang tanong ko kasi nasa impluwensiya na ngayon si Edmun.

"Hnnm... Oo, Zein. Red eyes ka na kaya" sagot niya. Binuksan ko naman ang bag ko at kinuha ang maliit na salamin. Pagtingin ko sa mukha ko, wala namang nagbago maliban na lang sa mata ko at nang ngumiti ako, nakita ko pa ang sarili kong pangil.

"Zein, ang gandang aswang mo" sabi ni Lovely habang sila Nick at Patrick ay tola natigilan. Habang ako, nagulat.

Alam niyo kung bakit? Kasi wala man lang akong sakit na naramdaman! At ni hindi ko nga namalayan na nasa impluwensiya na pala ako.

* END OF CHAPTER #100 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now