CHAPTER #1:ANG PAMAHIIN

122 2 0
                                    

MATAPOS ang insidenteng iyon ay labis na trauma ang ibinigay nito kay Dean. Kung may nakakatakot mab na naging karanasan nito, siguro ay ang ang mismong insidente na iyon na kung saan ay muntikan pang mawala si Charmie na napag-alaman nga nilang reincarnated version ni Lanie.

At upang hindi na mapaalala pa ang insidenteng iyon ay nag-resign sa trabaho sina Charmie, Laurell at Irina. Nagbalot sila ng kani-kanilang mga gamit at lumipat ng tiraban. Nakahanap naman agad sila ng murang tirahan dito sa Dasma Cavite. Bagong lugar, bagong kapitbahay at siyempre, bagong buhay na naman ang kanilang tatahakin. At upang hindi na sila lumabas pa para magtrabaho ay nagtayo na lamang sila ng mumunting sari-sari store upang sa bahay na kanilang tinitirhan upang kanilang pagkakitaan.

Dalawang buwan din makalipas ang pangyayaring iyon ay isang masayang balita ang kanilang napag-alaman. Napag-alaman kasi nila na nagbunga ang pagmamahalan nina Dean at Charmie. Nagdadalantao ito at mas nakumpirma pa nila ito nang magpa-check up siya.

"Talaga? Buntis ka? Yes! Magiging Tatay na ako!" Halos maisigaw ni Dean nang malaman ang balita na iyon. Napayakap ito sa kaniya at halos wala nang mapaglagyan ang ngiti nito.

"Naku! Ang cute mo talagang ngumiti" sabi niya.

"Hmmm... Basta sabihin mo sa akin kung anong gusto mo. Bibilhin natin" nakangiting sabi nito.

"Sus! Ikaw talaga. Handang-handa, huh?" Sabi naman ni Charmie at tinapik pa ang likod nito.

Sa mga nagdaan ngang araw ay naging kalbaryo kay Charmie ang kaniyang pagbibuntis. Nandiyan na tuwing umaga, suka siya ng suka, nahihilo siya at napakaantukon niya. Naghahanap din siya ng pagkain lalo na yung mga maaasim.

"Ganito pala 'to, Ate" sabi niya habang nilalantakan ang mangga na sinawsaw sa bagoong.

"Oo, sama ng pakiramdam ang talagang kalaban mo" sabi naman ni Melanie.

"Hay naku Mahal, kung pwede lang ma ako ang sumalo nyan? Akin na lang 'yan" sabi naman ni Dean. At dahil sa narinig ay isang kalokohan ang pumasok sa isip ni Irina. Lumapit ito kay Charmie at naupo sa tabi niya.

"Uy! Alam mo ba na pwedeng malipat sa mister ang paglilihi.mo" pabulong na sabi nito at tila naman naging intresado siya.

"Huh? Paano?" Tanong niya.

"Ang sabi ng Lola ko, hakbangan mo daw ang mister mo at mapapasa 'yan sa kaniya. Gawin mo nang magkaambag naman si Dean diyan sa pagbubuntis mo" pabulong na sambit nito.

Noon ay napaisip siya...

"Oo nga ano! Siya na din naman ang nagsabi na gusto niyang saluhin. E di go, ipasa natin"

Iyan na lang ang nasabi niya sa kaniyang sarili habang bahagya pang natatawa.

* END OF CHAPTER #1 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now