#50

93 1 0
                                    


RESPECT IS THE REASON WHY WE BROKE UP


"Nag react yung ex mo sa dp mo ah? Ang sexy mo daw." hindi ko siya tinapunan ng tingin, nagpatuloy ako sa pagkakanaw ng kape dahil pareho kaming may pasok sa trabaho.

"Ano naman? Hindi naman big deal sa akin. Wala na akong pakielam sa kaniya, Brenson." natatawa siya ngunit ramdam ko ang bahid ng inis sa boses niya.

"May nararamdaman ka pa ba sa kaniya?" I asked her directly kaya nanlalaki ang mata niyang tumingin sa akin.

"What the heck, Brenson? Mag a-apat na taon na tayo! Bakit nagtatanong ka pa ng ganiyan, of course not. Hindi ko na siya mahal!" binabasa ko ang sinasabi ng mga mata niya.

Sana nga mali ako. Ang hirap, yung tipong naibigay na niya lahat do'n sa taong yon pero samantalang sa akin, ni hindi ko siya napilit sa isang bagay. I respect her that much kaya natatakot akong sabihin sa kaniya ang mga napapansin at nakikita ko. Ayokong masaktan siya.

Isang araw galing sa trabaho nag text ako sa kaniya na baka gabihin ako dahil traffic at baka malate kami sa meeting. Nangyari 'yon ngayong araw kaya bandang 11:30 na ako ng gabi nakauwi. Thank God, hindi niya akong ni-lock-an ng pinto.

"Hon?" walang sumagot kaya nag tungo ako sa k'warto namin at may narinig akong halinghing.

Halos manlamig ako sa kinatatayuan ko. Nagsimula akong pagpawisan ng may narinig ako na mahihinang ungol galing sa kaniya. Hindi ako makakilos sa p'westo ko. May kasama ba siyang iba? Bubuksan ko sana ang pinto ng k'warto namin ngunit nakita ko ng bukas ito at may siwang na kaunti.

Halos matulala ako ng makitang nilalaro ang sarili niya, at tila may kausap siya sa cellphone dahil nakatapat 'yon sa kaniya.

"Ohhh, James! Sige pa! I miss this ohh!" naginit ang mga mata ko at nanlalabo dahil sa namumuong luha.

Ang sakit sa akin na ako mismo ang makatuklas sa kababuyan na ginagawa nila. Nanatili akong tahimik. Hindi ako nagsalita at hinintay ko siyang matapos. Masyado ko siyang mahal at ayokong mawala siya sa akin.

Nag hintay ako ng ilang oras tiyaka ako nagpanggap na kapapasok lang. Nilakasan ko talaga ang pag tawag sa pangalan niya at nakangiting nag aabang sa paglabas niya.

Sumalubong sa akin ang nakangiting girlfriend ko, napatingin ako sa katawan niya. Hindi ko maiwasang mandiri. Nandidiri ako.

"Nakauwi ka na pala. Nagugutom ka na ba?" humalik siya sa labi ko at hindi ko maiwasang lumayo at nagpanggap na may tumatawag.

Nanatili siyang naghihintay, kunwaring natapos ang tawag at niyakap ko siya. Baka sakaling mawala yung sakit.

Lumipas ang mga araw, inulit ulit ko ang gano'ng uwi. At sa araw araw na 'yon paulit ulit ko ring nakikita ang kababuyan na ginagawa niya sa harap ng camera sa ibang lalaki. Isang araw, sinadya kong umuwi ng maaga. Binati ko siya at hinalikan sa labi.

Sinubukan kong akitin siya at tumalab, gusto niyang gawin sa akin yung ginagawa niya gabi gabi sa ex niya.

"I was just kidding hon, hindi pa tayo kasal. May usapan na tayo hindi ba?" nakita ko ang disappoinment sa mata niya at nagtuloy sa pagaayos ng pagkain.

Akala ko tapos na do'n 'yon, pero kinagabihan naramdaman ko ang pagpatong niya sa akin. Nag simula siyang gumalaw ng nakaka-akit sa ibabaw ko at sa mga oras na yon mas lalo akong nasaktan. Hindi ako nadala. Ini-imagine kong ganito rin ang ginagawa niya sa nauna niya, at sobrang sakit no'n.

"I can't. I'm sorry. Nirerespeto kita at ayokong bawiin ang pangako kong kasal muna." hinawakan ko siya ng may paggalang at inalis sa ibabaw ko tiyaka tumalikod.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now