#21

66 5 1
                                    


DOUBLE SIZE ANG GIRLFRIEND KO


"Hindi ka ba nag sisisi?" napa ayos ako ng upo, tiyaka bumaling sa kaibigan kong si Wayne.

"Saan?" pormal na tanong ko tiyaka uli, ibinaling ang tingin ko sa girlfriend kong bumibili ng pag kain.

"Dude! Wake up, she's fat and ugly! Sayang naman itsura mo p're kung mapupunta ka sa ganiyang klase ng babae! Look, remember Cyra? Dude, she's totally hot at gusto ka no'n." tumatango pa bilang sang ayon sa sariling sinabi niya.

Napailing nalang ako, pinagmasdan ko ang girlfriend ko. She's not sexy, obese na nga ang tawag sa klase ng laki niya. Pero hindi siya pangit. She's beautiful inside and out. Napabuntong ako bago tumingin sa kaibigan ko.

"Kapag kasama ko ang girlfriend ko, wag ka ng lalapit. Kaibigan kita, pero anong klase kang kaibigan sa sinasabi mo? Hindi ba't ikaw dapat ang nag sasabi na wag kong lolokohin ang girlfriend ko? Na dapat tanggapin mo siya dahil sa kaniya ako masaya?" mahinahon na tanong ko sa kaniya.

Tumitig siya sa akin, "She's not worth it dude," ika niya.

"You're not worth it as well, as my friend. Ang bait mo sa harap ng girlfriend ko pero gago ka kapag nakatalikod ka na sa kaniya. Sa akin mo pa talaga sinabi 'yan? Mismong sa akin, na girlfriend ko pa ang nilait mo. Tinuruan mo pa akong gaguhin ang girlfriend ko, at ipagpalit sa malanding kaibigan mo." madiin ang pagkabigkas ko sa huling sinabi ko.

"What did you say?" tiim bagang na tanong niya.

"Uulitin ko pa ba? Paalala ko lang, hindi ko lang girlfriend ang nilait mo. Mismong kapatid mo. Tarantado ka, kapatid mo ang girlfriend ko pero sinisiraan mo?" galit na sabi ko.

"She's not my god damn sister. Alam mo kung saan siya nag mula!" tinulak niya ako tiyaka hinawakan ang kwelyo ko.

"Wala siyang ginawa sa'yo. Sa inyong dalawa, parang ikaw pa ang anak sa labas sa ginagawa mo." walang buhay na sabi ko.

"Ang taba mo!"

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mong baboy ka!"

"Ang bigat kasi ng katawan kaya hindi makakilos ng maayos, kain pa ng kain!"

Napatingin ako sa tatlong babaeng sumisigaw, nakita ko yung itsura ng girlfriend ko. Mukhang katatayo tayo niya lang dahil nagpapagpag siya ng pwetan. Nasa sahig narin ang pagkain na ibinili niya para sa amin ni Wayne. Magkapatid sila ni Wayne sa ama. Mag kasundo naman sila pero hindi ko alam kung bakit gano'n ang ugali ni Wayne kapag wala si Iya.

"Hoy!" nagulat ako sa sigaw ni Wayne.

Lumapit siya do'n at tinignan mula paa ang hanggang ulo yung mga babaeng umaway kay Iya.

"Makalait ka, akala mo maganda. Ang panget mo!" sigaw ni Wayne tiyaka hinawakan si Iya sa braso.

"Siksik na kasi sa taba 'yang kasama mo." mataray na sabi ng isa.

Lumapit ako, at niyakap ang girlfriend ko. Umiiyak siya. Tahimik na kinikimkim ang sakit.

"Siksik din sa pera. Ikaw? Siksik sa kapal ng mukha? Ang lakas ng loob mong mag salita, tinanong ba kita?" sarkastikong tanong ni Wayne.

Hinawakan ko ang mukha ni Iya, pilit na iniharap sa akin. Nakatingin pa rin ang namamasang mata niya sa baba. Hindi siya sanay sa mga ganitong sitwasyon, sobrang bait niya.

"Ang g'wapo ng kasama mo. Look handsome, bakit nakayakap ka sa pangit at baboy na yan?" tanong ng nasa gitna.

Ngumiti ako sa kanilang tatlo. Tinignan ko ang mukha nila na puro kolorete at ang mga suot nilang nagkulang sa tela.

"Ang taba niya diba? Hindi siya kasing payat niyo, kasing ganda niyo. Pero kung pag didikitin kayo, walang wala kayo sa bait at sa talino niya. Utak ang ginagamit niya, hindi puro kaartehan at puro ganda. Mas magandang may utak sa ganitong panahon." nakangiti ngunit seryosong sabi ko.

Rinig ko ang pag hikbi ng katabi ko, ramdam ko ang pagtitig ni Wayne sa akin, at kita ko sa gilid ng mata ko ang sama ng tingin niya.

"Kung ako nga ang tatanungin, sa unang tingin wala kang gugustuhin sa kaniya. Sa iba, she's nothing. She's just a big fat ugly girl." panlalait ko sa sarili kong girlfriend.

"See? Pati kasama mo, alam na pangit at mataba ka. Hahaha!" natatawang sabi ng nasa gitna at nakitawa naman ang dalawa.

"Sinabi ko bang tumawa ka? She's my wife. Kapatid niya ang nasa tabi niya. She's a cumlaude, and a psychiatrist. Baka gusto niyong magpatingin, mukhang malala na kayo." nakangiti ngunit nang iinsulto na tanong ko.

Napayuko yung nasa kanan. Tumaas naman ang kilay ng nasa kaliwa at sumama naman ang tingin ng nasa gitna sa girlfriend ko.

"Sa mga nanlalait sa asawa ko, wala pa man din kayo sa kalingkingan niya nagsasalita na kayo ng hindi maganda. She's beautiful, at mas gugustuhin kong ganito ang weight niya para wala akong kaagaw. Hindi kayo mapapalamon ng ganda at ng kaartehan niyo, those boys na naghahangad sa inyo tawag ng laman ang tawag at hanap no'n. Iiwan din kayo kapag natikman na kayo." lumapit ako sa kanila tiyaka tinignan isa isa.

"Compare to my wife, for me you're just nothing. A pathetic with no brain woman. Yung babaeng nilait niyo, may napatunayan na. Nakatulong na sa pamilya, baka kayo pabigat pa rin at puro asa. Now if you"ll excuse us. May date pa kami. Thanks for ruining our moment and thanks for your nonsense scene." hinawakan ko ang kamay ni Iya,

Kita ko ang pag pahid ng kamay niya sa mata niya, nag pupunas ng luha at yung isang kasama namin ay nanatiling walang imik.

Napabuntong hininga ako ng makita kong hawak niya parin ang plastik na hawak niya na may laman na natapon na pagkain kanina. Kita ko din ang sintas niya sa sapatos na wala na sa pag kaka ribbon.

Inayos ko ang bag ko, tiyaka lumuhod sa harapan niya. Inayos ko ang sintas niya. Rinig ko ang impit na pag hagulgol niya sa simpleng ginawa ko. Napatingin ako sa kaniya na walang ginawa kundi ang mag punas ng mata dahil sa patuloy na pag iyak niya.

"S-Sorry. Ang taba ko kasi. Nang dahil do'n napaaway pa kayo, I'm sorry. S-Sorry." umiiyak at sumisinghot pa na sabi niya.

Napangiti nalang ako, she's such a crybaby.

"You're beautiful. For me, you're sexy. Don't be sorry because of your physical appearance. Don't waste your tears to those nonsense people. For me, you're enough. I don't care if your fat or ugly or what. I love you and that's period." hinalikan ko ang noo niya tiyaka siya niyakap.

Yumakap siya sa akin tiyaka umiyak ng malakas kaya natawa ako. Worth it ang 9 years na kasama ko siya. Wala akong pinag sisihan.

"Dude, okay na. Pasado ka na sa akin. Kapag sinaktan mo ang kapatid ko, ilalagay kita sa kabaong ng humihinga." nakangiti ngunit bakas ang sensiridad sa mukha niya.

"You're testing me huh?" pabirong tanong ko.

"Ayokong mapunta ang kapatid ko sa basta lang. Boto na ako sa'yo." nakangiti sabay tapik sa balikat ko.

"Alam ko ginagawa ni Wayne. Nakarecord lahat ng sinasabi niya. Planado niya daw 'yon kung sakaling sumangayon ka sa kalokohan niya." kwento ni Iya sa gitna ng pag hikbi niya.

Napailing ako at natatawang tumingin kay Wayne, niyakap ko ng mahigpit si Iya tiyaka siya muling hinalikan sa noo.

WAKAS.

PS. Hindi nababase ang magandang kalooban at ang talino ng isang tao sa pisikal na katangian. Hindi nababase sa ganda, sa balingkinitang katawan ang pag mamahal ng isang tao. Hindi nasusukat ng panlabas na anyo ang pag mamahal at pagiging totoo ng isang tao sa'yo. Dahil ang pagiging totoo at pagtanggap sa sarili ay katumbas ng totoong pag mamahal mo sa taong mahalaga sa'yo. Wag kang manlait dahil lang sa pangit, mataba o baduy ang panlabas na nakikita mo. Look at yourself first before you judge the other. Dahil hindi mo ikauunlad ang panlalait at paghusga mo, bagkus babalik din ng doble ang masamang impact sa'yo. No hate just love. Godbless. 

---

Date kung kailan nagawa: September 25, 2020.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now