#45

47 2 0
                                    


YEARS DOESN'T MATTER


Sabi nila kapag nagtagal na kayo ng limang taon mahigit, do'n niyo makikilala ang isa't isa. Do'n kayo mas lalong titibay. Mas lalong hihigpit ang pagkakahawak lalo na kung hindi naman kayo madalas mag away.

I'm Kiel, she's Ryne.

We've been together for 9 years. Going stronger, and still in love.

Mahaba ang pasensya niya, maikli naman ang akin.

Para sa akin, siya ang depinisyon ng pag ibig at saya. Sa tagal namin, hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa akin. She always smiled, laughed and she's always ready to listen.

You know? Nagising nalang ako na mahal ko na siga at mas minamahal pa. Siya din ang depinisyon ko ng pahinga, lalo na kapsg pagod na pagod na ako sa buhay. She's my strenght, my bestfriend, my companion.

"Kiel, paano kung one day mag bago ang ikot ng mundo. Tapos sa-sabihin mo sa akin na nakaramdam ka na hindi mo na ako mahal. Anong gagawin mo?" she asked.

Nahinto ako sa pag luluto at napatingin siya kaniya, ngumiti siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit at tila naghihintay sa sagot ko.

"Iisipin ko kung paano kita minahal. Pipilitin kong ibalik ang pagmamahal ko. Ayokong mawala ka." nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib sa tanong niya.

Anytime p'wedeng mangyari 'yon. Mawalan ako ng nararamdaman, o siya.

"I love you." mahinang sambit niya.

Bumuntong hininga ako't isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya.

"Don't leave me. Don't waste our relationship. Kung mangyaring ayaw mo na, please ayusin natin." malungkot na saad ko.

Nanatili siyang walang imik. Ang masakit na katanungan na 'yon at nadagdagan. May nagbago sa babaeng mahal ko. Tila palaging malalim ang iniisip, at madalas ilag na siya sa akin.

I tried to recall everything. Iniisip ko kung may nagawa akong mali o kasalanan. May araw na hindi siya kikibo o ngiti nalang ang isinasagot niya sa akin. Hindi ko na maramdaman yung saya, yung sobra sobrang pagmamahal niya.

So I planned something. I want to surprise her, and I'm hoping to break the ice between us. Kaya dinala ko siya sa isang beach resort. Nag asikaso ako ng dinner date namin, and I tried my very best for us to have a special and very romantic date.

Inarkila ko ang second floor sa isang resto sa beach resort na pinuntahan namin. Tinulungan pa nila akong pag ayos. Pinaligiran ng red balloons, flowers, petals sa sahig at mga kandila na hanggang sa hagdan. Also, naglagay kami ng romantic musics and naghanda rin kami ng love stories na movies.

When the time comes, pinanood ko siyang naglalakad papalapit sa akin, kasabay ng kantang Thousand Years. Nakita ko ang luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata niya, pero hindi ko masabi kung dahil sa saya o sa kung ano pang p'wede niyang maramdaman.

Nandito yung kaba, takot at saya na may halong kilig nang maimagine kong nasa simbahan na kami ng pinagmasdan ko siyang naglalakad. Kaba at takot dahil baka hindi niya magustuhan at hindi bumalik ang babaeng mahal ko.

"Hi, baby." inisang hakbang ko ang pagitan namin at ginawaran siya ng halik sa noo.

"I saw my future in you. I'm really to settle down love. Hindi ko alam, pero no'ng magising ako naramdaman ko ng mahal na mahal kita. At palalim pa ng palalim. Im so inlove with you." nakangiting anas ko at hinakawan ang mukha niya.

Nawala ang sayang nararamdaman ko ng bigla siyang yumuko at nagsimulang umiyak.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya. Nagulat nalang ako ng msgising ako, naramdaman ko nalang na wala na. Wala na yung nararamdaman ko. Wala na yung pagmamahal ko sa'yo. Nagising nalang ako na hindi na kita mahal. And I'm so sorry." halos manghina ang tuhod ko sa sinabi niya.

"Gano'ng kadali? Ano 'yon? Wala akong ginawang mali tapos nagising ka nalang na hindi mo na ako mahal? Bakit gano'n? Anong kulang? I think I deserve more than this." nag init ang mata ko at nagsimulang manlabo.

Sobrang sakit. Ang sakit.

"I-I don't know. Sinubukan ko namang ibalik pero wala. Hindi ko na naramdaman. Kahit ilang beses ko pang balikan yung dahilan kung bakit ako nanatili. Kung bakit kita minahal." parang pinira piraso ang puso ko ng marinig 'yon.

"Hindi mo na ako mahal?" torture yung sinabi na nga, gusto ko pang ipaulit. Baka mag bago pa ang isip niya.

"Hindi na."

"Hindi mo na talaga ako mahal?" I asked again, at umiiyak na umiling siya.

Natatawa akong napaupo sa dapat na magiging upuan ko sa date namin.

"Sabihin mong mahal mo ako, kahit kunwari nalang. Wag naman ganito! Ilang taon tayo! Tangina. Nakakaloko!" umiiyak akong sinipa ang upuan sa tabi ko.

Bakla na kung bakla. Natapakan ang pagkalalaki ko.

"I'm sorry. I don't love you anymore, Kiel." and it hits me.

It's really over. Tumayo ako at pinunasan ang luha ko. Tumingin ako sa kaniya at kita ko ang impit na pag iyak niya habang nakayuko.

Sobrang sakit, pero pinilit kong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa balikat. Mahirap man pero hinalikan ko siya sa noo nang tumingala siya para mapantayan ang tingin ko. Bumaba ang dampi ng halik ko sa ilong niya at napunta sa labi.

"Bakit ganito naman kasakit, mahal? Alisin mo naman 'to. Kahit magkunwari ka nalang. Wag mo naman akong iwan ng ganito. Wala tayong problema eh, maayos tayo pero bakit ganito?" umiling iling siya at yumakap sa akin.

"Hindi ko alam. Ayokong lokohin ka, at ang sarili ko."

"May iba na ba?" ramdam ko ang pag iling niya kaya mas lalong masakit.

"Kapag naramdaman mong mahal mo pa ako, bumalik ka lang. Tatanggapin kita. Basta bumalik ka lang." narinig ko ang paghagulgol niya. Dinaluhan ko siya.

Natapos ang relasyon namin kasi nawalan ng nararamdaman yung isa. Bumitaw hindi dahil may iba na. Kundi dahil wala na yung pagmamahal niya. Ang sakit lang, yung naghiwalay kayo ng walang problema, walang iba pero nagsawa at nawala na yung pagmamahal niya kaya binitawan ka.

Tama sila, wala sa taon ang relasyon para masabing kayo na talaga. Dahil magplano man kayo, maayos man ang relasyon niyo, pero kung hindi talaga kayo para sa isa't isa, gagawa si kupido ng paraan para mawalan ng rason ang salitang mahal niyo ang isa't isa at mauwi sa salamat dahil nakilala kita, salamat dahil minahal kita pero may wakas na.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: February 25, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now