#25

56 1 0
                                    


BECAUSE OF FRIENDSHIP, I'M SEARCHING FOR MY JUSTICE AND IT MEANS I LOSE

      PS. You've been warned. May maseselang pangyayari at salita. Work of fiction.


"Guys, sampung taon na tayong magkakasama, may makakasira pa ba sa atin!?" malakas na tanong ko sa kanila.

Isa isa akong napatingin sa mga kaibigan kong natatawa sa akin. Kumpleto na naman kaming magka-kaibigan. Ako, Peter, Deither, Haynes, Renzel at si Jonas.

"Sabay sabay din nating naabot ang pangarap natin. Oh diba? Pare-pareho ding single. Iniwan na naman kasi ng boyfriend niya si Eva. Hahaha!" pang aasar ni Haynes sa akin at umakbay.

Siniko ko naman siya't sinamaan ng tingin. Asarin ba naman ako?

Yes, ako lang ang nag iisang babae sa aming magka-kaibigan. One of the boys? Hindi naman masama, cool nga para sa akin. Para ko na silang mga kapatid, kadalasan nga lang bodyguard mga nakabantay palagi eh hahaha.

"Nasaktan na naman, ang prinsesa namin? Hay nako, huliin ko na ba? Ano pang silbi ng pagpupulis ko, kung hahayaan ko lang saktan ang little angel namin?" biro ni Renzel. Yes, isa na siyang police officer ayon ang pangarap niya eh.

"Payag ako, pag binugbog ni Renzel 'yon p'wede ko namang gamutin. Ano pang silbi ng pagdo-doctor ko? Kikita din ako do'n tapos sasabihin ko may cancer siya, hahaha!" natatawang biro ni Deither kaya naman natawa din kami.

Abusuhin ba naman daw mga kursong nakuha nila dahil lang nasaktan ako? Isa pa, sinong hindi magiging proud kung ganito ang mga kaibigan mo? Palagi nakaagapay sa'yo at pare-pareho pa kayong may pangarap, diba? It's a goal!

"Kapag naging wanted si Renzel at Deither, p'wede ko naman kayong itakas. Ano pang silbi ng pagiging piloto ko? Isa pa, p'wede namang magbarko kung hundi gumana ang pagtakas gamit ang eroplano. Ano pang silbi ng seaman natin, diba Jonas?" binato niya pa ng yelo si Jonas kaya naiiling akong umalis sa pagkakaakbay ni Haynes tiyaka pumunta sa ihawan at nagsimulang magihaw ng pagkain.

Nasa rooftop kami ng bahay nila Deither, kauuwi lang kasi ng daddy niya galing abroad. Konting handaan kaya nagsama sama, tamang tama at walang mga pasok. Rest day.

"Gago, mabagal ang barko. Nandadamay ka pa! Tamo 'tong si Haynes ligtas na naman taga gawa lang kasi ng bahay hahaha!

"Gibain ko bahay mo, baka nakakalimutan mong ako gumawa no'n. Pulido 'yon tanga! Nag engineer andpa ako kung pangit din 'yon!" pikon talaga hahahaha,

Yes, they're professionals, may maipagmamalaki. Mga malayo na ang narating sa buhay. Sa sampung taon, iba iba man ang tinahak naming daan sa huli magkakasama pa rin kami. One of my dreams, ang makasama silang inaabot ang pangarap ko. At natutupad na. I'm so lucky to have them.

"Eh, si Eva naman nag paganda ng bahay ko! She's the best interior designer dude, kaso sawi lagi sa mga naging jowa niya. Ouch!" napatakip siya ng mukha ng batuhin ko siya ng stick ng barbeque.

"B'wisit ka!" inis na sigaw ko at natawa naman sila.

That's us, gano'n kami. We were happy. But why? Bakit 'to nangyayari?

"No..." nanlalabo man ang mata ay alam kong kasama ko sila.

"fuck, she's awake!" nanubig ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Haynes.

'Anong ginagawa nila? Bakit?' gusto ko mang gumalaw pero wala akong lakas.

May nakahawak sa dalawang kamay ko, at sa mga paa ko. Anong nangyayari? Bakit sila?

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1On viuen les histories. Descobreix ara