#38

36 2 0
                                    


HOW DEEP IS HER LOVE?


I'm Archie, she's Abby.

She's the opposite of me. We're really different.

Maingay siya, tahimik ako.

Malambing siya, malamig naman ako.

Mahaba ang pasensya niya, sobrang ikli naman ng akin.

She waited, she stayed while me? I left her.

Nando'n siya, nanatili siya kung saan ko siya iniwan. Sa panahong kailangan na kailangan niya ako. Nanatili siyang naghihintay, nagaabang na baka sakaling bumalik ako.

Hindi ko alam kung anong pinakain ko sa kaniya, kung anong reason niya sa pananatili samantalang marami namang iba diyan na pagtutuunan siya ng pansin. Bibigyan siya ng halaga at aalagaan siya. Na kahit kailan, hindi niya naranasan sa akin.

Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin mula sa likuran ko, napangiti ako at hinawakan ang kamay niya para alisin 'yon at para humarap sa kaniya. Hinaplos ko ang mukha niya tiyaka ko siya niyakap.

"It's been 5 years, you're still here. Why? Anong reason? Iniwan na kita noon." nakita ko ang pagpatak ng luha sa pisngi niya.

"May reason ka hindi ba? Naiintindihan ko ang dahilan mo. You promised na babalik ka, sapat na sa akin na binalikan mo ko." nakangiting sagot niya sa akin kaya hindi ko maiwasang maluha.

"Tatlong taon akong nawala." anas ko.

Ngumti siya sa akin at hinalikan ako, ramdam ko ang pagmamahal niya. Sa tatlong taon na wala akong paramdam, heto siya't puro mensahe ang iniiwan. Kung anong ginagawa niya araw araw, kung anong na nangyayari, yung mga pangangamusta niya. Hindi nahinto sa tatlong taon, hanggang sa namalayan ko nalang na nasa harap siya ng bahay namin ng nakauwi na ako. Nakangiti at masayang sinalubong ako ng yakap.

Iniwan ko siya para ayusin ang sarili kong buhay, para maipakita ko na karapat dapat ako sa kaniya, at sinuportahan niya ako. Gawin yung mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Wala na akong hihilingin pa.

"Can you do me a favor?" tanong niya ng humiga siya sa tabi ko.

Nilaro ko ang buhok niya, at pinagmasdan ang ngiti niya.

"Hmm?' hinalikan ko ang noo niya't yumakap sa bewang niya.

"Masaya ako sa limang taon na nakasama kita." rinig ko ang paghikbi niya, nakaramdam ako ng takot.

"Can you please, let me go now?" parang namanhid ang katawan ko ng sabihin niya 'yon.

Why?

"Bakit?"

"Pinagbigyan na kita, at maniwala ka sobra sobra na ang pambabawing ginawa mo. You're successful now. I can't stay here forever. You need to move forward." umiling uling ako at niyakap siya.

Ayoko ng maalala. Hindi nawala ang pagsisisi sa akin.

"Wala kang kasalanan, ginusto kong maghintay. At hindi mo ring ginustong mamatay ako habang binubuo mo ang sarili mo." nakangiti saad niya.

Nakalimutan ko wala ka na nga pala, nakalimutan kong iniwan mo na ako noon pa.

"It's time, enjoy your life."

"Ikaw ang gusto kong makasama." saad ko.

"Mahal kita. Mahal na mahal. At gusto kong maging masaya ka ng wala ako." naramdaman ko ang malamig na hanging bumabalot sa paligid ko. Hanggang sa unti unti siyang maglaho.

Sa tatlong taon na nawala ako, nabalitaan ko nalang na wala na siya. Naaksidente sa lugar kong saan ko siya iniwan, sa tirahan namin noon. Kaya nagulat ako ng nando'n siya sa harap ng bahay nang nakauwi ako, sa araw na sinabi nilang wala na siya.

Halos manlumo ako, ng alalahanin 'yon. Kung paano niya ako yakapin ng may ngiti sa labi. Kung paano niya ako alagaan sa limang taon na nanatili siya dito, at sinamahan ako para mawala ang pagsisisi ko. Pero hindi nawala ang pagsisisi ko sa limang taon na nanatili sa akin ang kaluluwa niya sa tabi ko. Yung mga sana, sana hindi ako umalis. Sana hindi ko hinayaang mag isa siya. Sana nando'n ako no'ng kinailangan niya ng kasama no'ng nag aagaw buhay siya. Pero huli na.

"Mahal kita." tanging sambit ko sa hangin na ngayon wala na ang babaeng mahal ko na sasagot sa akin.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: February 13, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon