#16

77 4 0
                                    


HE LOVED ME AT MY BEST, HE LEFT ME AT MY WORST


"I promise to God, that I'll stay with you no matter what. 'Til my last breath you're still the one."

Napatakip ako ng bibig ko at pilit na pinipigilan makagawa ng anomang hikbi. Ito na naman ako, nanonood na naman sa mga pangako niya sa akin sa harap pa ng altar at sa harap pa ng maraming tao.

When a promise turned into nothing, when a love turned into pain, and when the person you love turned into a stranger again.

Tama sila, hindi porque pinangakuan ka, sa'yo na tutuparin. Hindi ibig sabihin na hindi ka iiwan, mananatili na sa'yo. Hindi rin ibig sabihin na mahal ka ngayon, mahal ka pa rin bukas o sa susunod. Hindi ibig sabihin na ipinaglaban ka ngayon, ipaglalaban ka pa rin hanggang sa dulo. At hindi porque hinarap sa altar, siya na ang panghabang buhay mo.

Hindi totoo yung kapag naramdaman mo na yung mga paro-paro sa tiyan mo kapag nakasama mo na ang taong mahal mo ay siya na talaga. Katulad sa job interview, dumadating sa puntong papaasahin ka na ikaw ang matatanggap pero iba ang kinuha.

"Mahal na mahal ko 'to eh, s'werte ako dito. Nasa kaniya na ang lahat."

"Ito yung babaeng pang habang buhay. Maalaga, mapagmahal, matalino, masipag, maganda, sexy, understanding."

"Yung maipagmamalaki mo sa buong mundo."

Napapailing ako nang maalala ang mga katagang 'yon na sinabi niya. 


'Pero iniwan mo pa rin ako sa panahong kailangan na kailangan kita.' 


Mahinang pagkausap ko sa sarili ko at pinahid ang luhang naguumpisahang tumulo sa pisngi ko at pinagmasdan ang mukha niya sa videong nakapost na pinapanood ko kanina lamang.

"T*ngina naman, Hanna! Hindi mo naiintindihan na mahalaga 'yon!? Nalate ako ng uwi kasi ipapasa na namin sa boss namin bukas 'yon! Ang kitid naman ng utak mo!" Napaatras ako sa sigaw niya.

Nabigla ako sa pagmura niya, unang beses niyang ginawa sa akin 'yon at unang beses niya ako ininsulto.

"Babae ang sumagot sa cell phone mo! Babae! At anong sabi!? Nasa condo kayo dahil lasing ka daw kasi nagpunta kayo sa bar!" Sigaw ko pabalik sa kaniya nana ikinagulat niya.

Anong iisipin ko!? Babae yon at lalaki siya tapos nakainom pa!

Namuo ang luha ko, nasasaktan ako sa hindi ko malaman na dahilan. Okay naman kami no'ng una. Nakakapagpaalam siya kapag nalelate siya, naiiwasan niya yung bagay na ayaw ko. Iniintindi niya nararamdaman ko pero bakit ganito na ngayon?

"Ilang beses ka na bang nagsinungaling? May iba ka na ba?" Napatingin ako sa kaniya kasabay ng pagiwas niya ng tingin.

No'ng nalaman kong nambabae siya sa hindi nalamang dahilan, bigla akong nagbago. Yung kami magkasama pero alam kong may ibang gumugulo sa isip niya. Napa-paranoid ako sa walang malinaw na sagot. Why do man cheat? Some of them are not satisfied to what they've got.

Yung nanatili kami sa isa't isa kahit iba na ang mahal niya dahil nakasanayan na naming dalawa o nanatili ka kasi mahal mo pa kahit hindi ka na masaya.

"Hello?" tawag ko nang sinagot niya ang call.

"Ano? Bilisan mo busy ako." Nanlumo ako sa panlalamig ng boses niya. I need him.

"Kailangan kita puntahan mo ako please," pinigilan ko ang paghikbi at tinatagan ko ang loob ko.

Nanlalamig na ako at namumutla na rin. Hindi ko kakayanin, ang sakit sakit na.

"Mamaya nalang tayo magkita. Bye." Binaba niya ang tawag kaya napaiyak ako.

"Anak kapit ka lang, wag bibitaw kay mama." Napahawak ako, sa tiyan ko nang lalong mamilipit ito at naramdaman ko ang mainit na lumabas sa ibaba ko at makita kong may tumulo na ng dugo.

Umiiyak man, nanlalabo ang mata pilit kong tinawagan ang mama ko.

"Anak, hello?" Bungad niya sa akin.

"Ma, yung bata ma. Puntahan mo ako, ma..." napapikit ako sa sobrang sakit.

Ilang saglit palang ay napuntahan na nila ako, kasama ang kapatid at ang tatay ko. Hanggang sa mailabas ako sa sasakyan at inalalayan ako papasok ng hospital. Pinapanalangin ko na sana wag ang anak ko.

Tulak tulak ang wheel chair na kinauupuan ko nang may magbukas ng pinto sa tabi ng room ko. It was him, yung kinakailangan ko na tao kanina ay nasa hospital din at inaalalayan ang isang babae. Agad na namuo ang luha ko. Nasasaktan ako, para sa anak ko at nahihiya ako sa magulang ko.

"Tarantado ka! Pinaubaya namin ang anak ko sa'yo!" Sinuktok siya ni papa.

Ang tanging nagawa ko lang ay ang umiyak at panooring sila inaawat ni kuya at ni mama. Hanggang sa may pumunta na doctor sa harapan ko.

"We need to talk, nandito na ang result." Dahan dahan ang pag tango ko. At hinayaan kong alalayan ako ng nurse.

Pumasok sila mama sa kwarto, kasabay ni papa at ni kuya. Pati na rin si Ryan, ang ama ng dinadala ko.

"I'm sorry to tell you this, but you lose your baby. Masyado kang na-stress at nagpapagod. Mahina ang kapit ng bata sa'yo. I'm sorry misis." Paumanhin niya sa pagkawala ng anak ko.

"B-Buntis ka?" Gulat na tanong ni Ryan sa, akin kaya tinignan ko siya.

"Umalis ka! Hindi kita kailangan, umalis ka rito! Pinagsisisihan kong minahal kita!" Umiiyak na pagtataboy ko, sa kaniya.

"H-Hanna wag ganito, mag usap tayo." Akmang lalapit siya sana akin ng dinuro ko siya.

"Kailangan kita kanina, pero wala ka. At mukhang nakadali ka pa hindi ng iba. Nawalan ako ng anak, dahil sa kagaawan mo. Nanatili ka, no'ng ginawa mo akong parausan mo, nagbitaw ka pa ng walang kwentang mga pangako kasi pinasaya kita, pero iniwan mo ako sa pahanon na hindi ko kayang mag isa at humanap ka pa ng iba. I was about to surprise you kahit ginago mo ako. Gusto kong maging maayosokay para sa baby pero gumaea ka na pala ng bagong pamilya mo." Umiiyak na sabi ko ko at itinaboy siya hanggang sa sila papa na ang nagpalabas.

Marriage is nothing when your partner left you hangin'

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: December 12, 2020.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now