#34

41 1 0
                                    


HINDI KAILANMAN NAGING BASEHAN NG PAGMAMAHAL ANG HUBAD NA KATAWAN


Sabi nila hindi mo makikilala ang tao sa maikling panahon o sa tagal ng maraming taon na mamasama mo siya, makakausap o masasandalan sa problema.

"Hey baby, I miss you." napangiti ako sa lambing ng boses ni Jiro sa akin. He's the sweetest man that I know.

"I miss you too." natatawang sagot ko ng marinig ko ang tunog na parang halik.

"I love you..." narinig ko ang munting ungol sa kabilang linya, ungol na nagmumula sa kaniya pero tila wala siyang kasama at nagkukusa lang siya.

"Hey, Jiro? You okay?" tanong ko sa kaniya at saglit na katahimikan ang namukod tangi sa pagitan naming dalawa.

"Yeah." tipid na sagot niya at hindi na nasundan pa.

Sa anim na taon namin, ngayon niya lang ginawa 'yon. May kakaiba akong naramdaman, natatakot na ako na ewan. Hindi ko siya nakakausap ng matino kapag nag gagano'n siya. Tila nagagalit sa akin kapag nagtatanong ako kung okay lang siya.

"Francine, sabi nila kapag mahal mo ibibigay mo lahat ng kaya mong ibigay." natahimik ako sa kabilang linya ng marinig 'yon mula sa kaniya.

'Hindi lahat, p'wedeng ibigay.' saad ko sa sarili ngunit iba ang lumabas sa bibig ko.

"May punto naman yung nagsabi no'n, hehe." alanganing sagot ko ng marinig ko na naman ang malalim na paghinga niya.

"Why don't you give yourself to me? Since you love me right?" nagtaasan ang mga balahibo ko sa tono ng pananalita niya.

Hindi sa paraan ng Jiro na kilala ko ang tono na ginagamit niya ngayon, kundi sa paraan na parang kakaibang tao na siya o tipikal na maniyak sa daan.

"Ano ba sinasabi mo?" inis na tanong ko pero hindi siya umimik.

"Sa anim na taon Francine, hindi mo man lang naisip yan kahit sa internet lang tayo nagkakilala? Tangina, minahal mo ba talaga ako? Hindi mo nga kayang pagbigyan ang gusto ko!" sigaw niya kaya nagulat ako,

Nanginginig at tila naiiyak sa sinasabi niya. Tama ba 'to? Nasunod siya sa gusto niya, ibinigay ko ang gusto niya. Alang alang sa anim na taon na relasyon naming dalawa.

Nagsimula sa isang beses, dalawa at higit pa. Hanggang sa nagpatuloy ng nagpatuloy at lumala. Ang tanging nagsisimula lang sa tawag ay nadagdagan ng hubad na larawan, hindi ko man kinukuha o hinihingi ay kusa niyang ibinibigay. Ang hubad na katawan niya, ang pagkalalaki niya at ang mga salitang hindi ko inaasahang magmumulat sa kaniya. Puro kalaswaan, iba sa nakasanayan ko.

Sapilitan man o hindi, ibinibigay ko rin ang hubad na larawan ko, akala ko hanggang do'n lang. Pero nadagdagan ng video, ang gusto niya mag video call daw kami para mas lalo kaming ganahan. Pero mali, siya lang ang ginaganahan at nagsisimula na akong mandiri sa sarili ko.

"Come one, maghubad ka na." utos niya.

Kita ko sa mga mata niya ang pagnanasa, ang Jiro na ngayon ko lang nakilala sa anim na taong relasyon namin. Ang gahaman sa tawag ng laman.

Ibinaba ko ang sando ko, nakita ko ang reaksyon niya. Ang pagngiti niya at ang pagsalsal niya sa pagkalalaki niya na tila nasasarapan sa nakikita.

"More, baby. More. Akin lang yan. Akin ka lang. Akin lang." lumuluha man ay pinagpatuloy ko ang ginagawa.

Hanggang sa natapos siya at nagbihis ako agad, ang sabi ko ay maliligo lang ako at sumang ayon naman siya kaya dali dali kong pinatay ang video chat namin.

Lumipas ang araw ng mangyari 'yon. Pinatay ko lahat ng gadget ko, cellphone, laptop na p'wedeng maging konektado sa kaniya.

"Why are you crying?" tanong ko sa bestfriend ko.

"Gago siya! Ginamit niya lang ako sa kalibugan niya!" sigaw niya at nagpatuloy sa pagiyak na parang bata.

"Siyam na taon kami ni Rafael! Pero gano'n lang pala ang habol niya sa akin. Ibinigay ko lahat tapos ginago niya lang ako! Buntis ako, Francine! Binuntis niya ako tapos pinakasalanan niya yung kabet niya!" umiyak siya ng umiyak, para akong binuhusan ng isang drum na malamig na tubig.

In-open ko ang gadgets ko at nakita ko ang mensahe niyang maghiwalay na kami dahil may girlfriend siya sa lugar nila.

Natahimik ako at tila inalis ang kaluluwa ko ng kung sino sa sarili kong katawan. Umiiyak ang kaibigan ko katulad ng ginawa sa akin. Ginamit lang ako, ginamit lang kami para sa kalibugan nila.

Nanatili akong walang imik, inaalala ang mga ginawa ko para sa anim na taon na relasyon naming dalawa.

"Wag kang gagaya sa akin, hindi lahat ibinibigay agad dahil lang sa sinabi na mahal ka o nagtagal kayo. Hindi lahat isinasakripisyo dahil lang sa marami na siyang naitulong sa'yo o nagibigay. Ang pagmamahal walang kapalit. At hindi kailanman nababase ang pagmamahal sa hubad na katawan." saad ng kaibigan ko at yumakap sa akin.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: January 30, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Où les histoires vivent. Découvrez maintenant