#1

1.3K 10 0
                                    


MY BOYFRIEND'S MOTHER RAISED A MAN


I have a boyfriend who named Ice, nagsimula kami sa tagong relasyon dahil mas'yadong istrikto ang magulang ko. Gusto nila yung tipong makalumang henerasyon pa na ligawan, yung pu-puntahan pa sa bahay at hihingin ang pahintulot ng magulang. Yung tipong magulang yung nililigawan. Eh paano 'yon? Nagka-kilala lang kami sa online at ang layo namin sa isa't isa. Tiga Davao siya, tiga Bulacan naman ako.

"Babe? P'wedeng maglaro?" agad kong sineen ang chat ni Ice at nagreply.

"Opo, kain ka po muna bago maglaro." agad din itong nagseen at nagreply.

"Done po, I love you."

Hindi naman naging big deal ang pag e-ML niya dahil hindi naman siya nawawalan ng oras sa akin at nagpapaalam naman siya ng maayos.

Nakausap ko na ang mga kapatid niya, alam mo yung feeling na sobrang saya kasi willing at excited siyang ipakilala ka sa member ng family nila. Yung mama niya nalang ang hindi pa dahil nahihiya ako. Halo halo eh. Masaya na malungkot kasi ang hirap kapag sobrang ng istrikto ng parents mo. Yung tipong natatakot ka dahil masakit isiping mad-disappoint sila.

Halos siyam na buwan na kami. Laking pasalamat ko nga dahil never ako prinessure ni Ice about sa pagiging legal. He always understand me. He always listen. Nire-respeto niya ang nararamdaman ko na nagiging dahilan para mas lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kaniya.

Ilang minuto ang tinagal nang magchat ulit si Ice, "Hi. I'm done, I miss you. Nag one game lang po. How's my princess?"

Nakaramdam ako ng kilig sa chat niya, isa pa sa nakakatuwa ay siya yung tipo na hindi abusado kapag pinapayagan. Alam niya ang limitasyon niya at alam niya kung ano ang mga dapat iwasan. That makes me trusted him, even more. Sabi nila kung paano magpalaki ang magulang, makikita ang resulta sa anak at nakikita ko na 'yon. They raised a good man and I'm so lucky to have him.

"I miss you more, how's your game?" ilang saglit pa man ay sumagot na ito.

"Panalo! Tinamad ako eh, namiss kita. Can you send me a picture baby? My day ko lang please?" hindi na ako naginarte at nagsend na sa kaniya.

"Okay na ba yan?"

"Shit. Ang ganda ng girlfriend ko!" natawa naman ako sa pang u-uto niya.

Aminin man natin o hindi, nadadagdagan ang confidence naming mga girls kapag nasasabihan ng compliments lalo na sa mga taong gusto naming pagmulaan no'n.

"Loko, teka out muna ako ah? Tumatawag pinsan ko, love. I love you! " paalam ko at pumayag naman siya.

"Oh sure, magsho-shower na rin muna ako para wala ng abala mamaya sa pag u-usap natin. I love you more!"

He's a kind of man na nasa lugar ang pagse-selos. Never niya akong pinagbawalan sa mga bagay na nakakapagpasaya sa akin.

"Oh?" bungad ko sa pinsan kong tumatawag.

"Gusto ko lang sabihin na magiingat ka. Please." narinig ko ang pag iyak niya kaya nag a-alala akong nagtanong.

"What happened?"

"Niloko ako ng boyfriend ko! Hindi ko alam pero alam ng parents niya. Niloko nila ako! Alam pala nilang may iba na." nakaramdam ako ng awa at takot.

No. Hindi mangyayari sa akin 'yon.

Matapos ang tawag na yon ay nagsimula akong ma-paranoid. Nakakaramdam ng takot at hinala kahit wala naman akong nakikita o nararamdamang kaka-iba.

Nagpaalam siya sa akin na may lakad silang mag ka-kaibigan, dahil sa kabaliwan ko, in-open ko ang account niya. Malinis at walang ka-duda duda. Napasampal ako sa sarili dahil sa mga naiisip, ako yung gagawa ng problema sa relasyon namin. Itong selos na walang ka tuturuan.

Ilang minuto ang lumipas nang biglang may nagchat. Mama ang nickname at nagreply sa my day niya na picture ko.

"Jowa mo yan anak?"

Naseen ko lang dahil natatakot ako. Ayaw ba niya sa akin? Ilang saglit pa ay muli itong napa-chat.

"Ayusin mo wag kang loloko ng babae kahit anong mangyari."

"Kasi may kapatid kang babae."

"Umayos ka, hindi ka na bata."

Napahawak ako sa bibig ko at hindi maiwasang ma-iyak. Nangingibabaw ang saya sa dibdib ko. Mag o-off na sana ako nang biglang nag reply si Ice.

"Oo naman ma, mahal ko siya. Soon dadalhin ko siya sa bahay at ipapakilala ko ng personal sa inyo. Sigurado na ako sa kaniya, ma."

Sa hindi malamang dahilan, napangiti ako habang umiiyak. Bakit napaka-s'werte ko sa taong minahal ko?

Sa sobrang guilty ko, nag off ako sa account niya at nagchat gamit ang account ko.

"Sorry sa mga inasta ko nitong mga nakaraan. Dapat hindi ko ginawa 'yon. Naghinala ako sa walang kwentang bagay. Sorry." ilang saglit pa ay nagreply na ito.

"Nabanggit ng pinsan mo sa akin at naiintindhan ko mahal. Wag kang mag alala, sapat na ang pamasahe ko pa-punta sa inyo. Seryoso ako kaya handa akong humarap sa mga magulang mo, kahit hindi ako magpakilala bilang nobyo mo. Kahit manliligaw pa lang, ayos lang sa akin. I love you." mas napa-iyak ako sa sinabi niya.

I'm so blessed to have a man like him. And I'm thankful that his mother raised him well. My boyfriend's mother raised a good man.

"Thank you so much, love. I love you."

"I love you more."


WAKAS.


---

Date ng araw na nagawa: April 27, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now