#14

88 4 0
                                    


I WATCHED A VIDEO, A BIRTHDAY SURPRISE


Katatapos ko lang sa meeting for our school activities, ako kasi ang president at the same time leader at sa akin din sila umaasa ng magandang ideas. I was so busy. Gawain doon, gawain dito. Asikaso doon, asikaso dito. Stressful day.

"Hey buddy, uwi ka na?" tanong sa akin ni Jamin.

"Yep, you?" tanong ko pabalik.

"Waiting for my girlfriend, hindi ka ba susunduin ng boyfriend mo, Yrain?" umiling ako sa tanong niya.

"Kenneth? Busy din siya eh, school stuff." napatango tango siya at ilang saglit ay nag paalam na rin.

Kenneth and I, we've been together for 3 years. At ngayong buwan ay sobrang busy na rin talaga dahil malapit na ang exam. 4 years ang agwat ng edad niya sa edad ko, 4 years din ang agwat ng grade level namin. I'm a fourth year highschool student while he's 4th year college. Kaya inaasahan ko na talaga na busy siya.

So I decided to make myself more busy. Para hindi ako makaabala sa gawain niya. I have no time to cuddle around, I need to study. Masyadong matalino ang boyfriend ko para mag pabaya ako sa pag aaral, isang malaking kahihiyan 'yon. Actually, hindi kami katulad ng relationship ng iba. We both matured. Study first, bago mag date. Ayaw kasi ng magulang namin ang napapabayaan ang pag aaral, and yes legal kami both side.

"Sorry, hindi kita masusundo uli. May thesis pa kami at pasahan na by friday. Babawi ako, I promise. Happy monthsarry, I love you." napangiti ako ng matanggap ko ang text niya.

I understand. Atleast naalala niya at binati niya ako, okay na sa akin 'yon. Lumipas ang oras, araw at umabot ng linggo. Nandito ako ngayon sa sala at nanonood ng tv. Free time ko dahil tapos na ang exam, katatapos ko lang din mag linis ng bahay.

Boring at wala namang magandang palabas kaya pinatay ko na ang tv at umakyat sa kwarto ko, binuksan ko ang laptop ko at inopen ang fb. Then someone chatted me. Tinignan ko ang sinend niyang video, it's a birthday video and it's like a surprise. I got so curious kaya pinanood ko. It's a great suprise, mukhang pinag handaan talaga. Agad na namasa ang mata ko, napahawak ako sa bibig ko. Halo halo ang nararamdaman, it was so much effort and a sweet surprise.

"Hey, baby! Good evening! I miss you," napangiti ako sa chat ni Kenneth sa akin kinagabihan.

"Hey, I miss you too." maikling reply ko at tinuloy ang pag aayos ng gamit.

"Can I call, later?" He asked.

"Sure,"

"Is there something wrong? May nangyari ba? You're cold." mabilis na reply niya kaya napangiti ako uli.

"Wala naman hehe, may mapanood lang." reply ko.

"Ano napanood mo?" tanong niya,

Ang bilis niyang mag reply sa chat baka siguro walang ginagawa.

"A birthday surprise. Ang sweet no'ng babae, ang swerte no'ng guy." reply ko.

Naiingit sa pinanood.

"Ah. Ako din may napanood hihi!"

"Ano?" tanong ko.

"She surprise her boyfriend by telling that she's pregnant!" natawa naman ako s achat niya.

"Yung suprise naman na napanood ko, birthday surprise. Sobrang effort. May flowers, cakes. Nag print pa ng pictures tapos may mga calligraphy." kwento ko sa kaniya.

"Naiinggit ka do'n? Bakit ka naman naiinggit do'n?" reply niya.

"Watching that video and seeing other girl made a suprise for my boyfriend makes me cry. Hindi ko man lang nagawa sa tatlong taon." reply ko.

Ilang minuto ang lumipas, wala siyang nareply. Siguro nabigla siya. Nanlalabo ang mata ko dahil sa pag iyak habang nag patuloy sa pag type.

"I'm sorry for that. I'm really sorry. I guess it's true, ypu deserve more. I envy her, hahaha!" reply ko uli.

"Yrain..."

Lalo akong naiyak, sobrang sakit pero sinisisi ko ang sarili ko. Sana maeffort din ako katulad niya, akala ko kasi okay sa kaniya yung simpleng regalo. Pero yung katotohanang nagagawa ng iba yung bagay na hindi ko nagagawa kahit akin siya, parang dinadamba ang puso ko sa sakit. Sobrang sakit.

"Yung malaman ko, at makita ko mismong sinupresa ng ibang babae ang boyfriend ko, do'n ko napatunayan na, deserve nga akong palitan. I'm sorry," reply kong muli at nag out agad.

Crying silently. Umiyak ng umiyak ng tahimik hanggang sa makatulog na kinikimkim ang sakit.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: October 2, 2020.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now